"This is not a joke, Margaux," wika ni Zane. "Kung sinuman ang tumawag na 'yon ay maaaring pinagti-tripan ka lang o gustong kumuha ng salapi sa'yo. Don't fall into a trap." "I want to find out the truth. Kailangan kong pumunta sa Quezon Province, Zane. I need your chopper," wika nito sa pagitan ng pag-iyak. "May babae silang natagpuan sa gubat at walang maalala. Kamukha raw siya ng larawang ipinakalat ng mga pulis. Gusto kong umasang anak ko 'yon, Zane. Gusto kong umasang buhay pa ang anak ko…" Agad namang tinawagan ni Zane si Jayzee at Ezekeil sa intercom nito at pinapunta sa silid ni Margaux. Lahat ay nabuhayan ng pag-asa. Tinawagan ni Margaux ang asawa at mabilis na pinapunta sa Albano Corp. "I'll fly the chopper myself, Dad," wika ni Jayzee sa ama. "Don't tell Ethan yet

