FOURTEEN YEARS LATER... NAPABUNTONG-HININGA si Alexandra nang umapak ang kaniyang mga paa sa airport habang hila-hila niya ang kaniyang dalang isang maleta. Kabababa niya lang sa eroplanong sinakyan at nanggaling siya sa England. Makalipas ang maraming taon ay balik Pilipinas na siya at wala na siyang balak pang bumalik doon. Damang-dama ni Alexandra ang pagiging balik-bayan. Imbes kasi na private jet ang kaniyang dapat sakyan ay pinili niyang sumakay ng eroplano at sumabay sa daloy ng maraming pasahero o biyahero. Dalawampu't limang taong gulang na si Alexandra ngayon at ngayong araw mismo ang kaniyang kaarawan. Nakapagtapos na siya ng kaniyang pag-aaral at business degree holder na siya. Pinaghahandaan niya kasi ang pagpapatakbo ng negosyong ipapamana ng kaniyang ama. Nilanghap ni Al

