CHAPTER SEVEN

1239 Words
HABANG INIIMPAKE ang mga gamit ni Alexandra ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na may makapagpabago ng isip ng kaniyang ama. Naalala niya ang kaniyang Tita Maurice na ang alam niya ay nasa ibang bansa ito ngayon. Tatawagan niya ito at magbabaka-sakaling makahingi ng tulong. ""Alexandra?"" boses ng kaniyang Tita Maurice. Humihikbi siya at tila hindi alam kung ano ang unang sasabihin. ""T-Tita..."" mahina niyang tinig. ""Ano'ng nangyari sa'yo?"" tanong sa kaniya buhat sa kabilang linya. Batid nitong umiiyak siya. ""S-Si D-Daddy—"" ""Drop the phone, Alexandra! Kahit kanino ka pa magsumbong wala silang magagawa sa kagustuhan ko. Binalaan na kita pero hindi ka nakinig, akala mo ba nagbibiro lang ako? Now accept your punishment!"" galit pa rin ang boses ng kaniyang ama. Hindi nagbabago. Binaba ni Alexandra ang cellphone at pinutol ang tawag. ""Magbihis ka na, Alexandra. Ibaba ko na ang dalawang maleta mo. Tawagan mo na lang si Aling Noela kung may mga nakalimutan ka pa rito."" Pagkasabi ay lumabas ang Daddy Dylan niya sa kaniyang silid. Naiwang mag-isa si Alexandra. Umiiyak siyang tumayo at naghanap ng damit pamalit. Shorts na maong tapos pink na blouse ang kinuha niya sa kaniyang aparador. Kinuha niya rin ang pink niyang rubber shoes at saka medyas. Papalitan niya ang kaniyang medyas na sout kanina dahil may mga putik iyon. Makailang beses kasi siyang inapakan ni Lawrence habang may komusyon sa pagitan nila. Marami-rami pang naiwang gamit si Alexandra. Dalawang maleta man lang kasi ang nilagyan. Mga bagong damit lang ang kinuha ng daddy niya. May mga damit naman kasi siya sa bahay nila sa Maynila. At mas magandang may mga gamit siyang naiwan dito para may magamit siya kapag bumalik dito. Naluluhang muli si Alexandra. Wala siyang choice kundi ang tumayo na para magbihis. Inuna niyang pinalitan ang uniform niyang palda na suot-suot. Sinunod niyang sinuot ay medyas at rubber shoes niyang pink. Pinahuli niyang palitan ang kaniyang damit pang-itaas. Baka kasi magbago pa ang isip ng kaniyang ama. Habang hindi pa nakapagpalit ng pang-itaas si Alexandra ay minabuti muna niyang mag-cellphone. Hinanap niya ang cellphone number ni Sabrina upang tawagan ito. ""Yes, bestie?"" masayang boses ni Sabrina. ""Sab..."" paos niyang boses. ""Bakit? Oyy, umiiyak ka ba?"" ""Inaway ako ni Lawrence, Sab."" Pagsusumbong niya sa kaibigan. ""Lagi naman, ah. May bago pa ba? Hindi ka kasi nalaban do'n."" ""This time, nagpang-abot kaming dalawa. Talagang nagsakitan kami..."" Lumakas na ang pag-iyak ni Alexandra. ""Talaga? Salamat naman at lumaban ka na sa demonyong iyon! Eh, sa tingin mo sino ang talo sa inyo?"" Parang natuwa pa si Sabrina sa nalamang lumaban na siya kay Lawrence. Papunas-punas ng luha si Alexandra. ""Sa tingin ko, ako iyong panalo kasi dumugo ang noo ni Lawrence. Pero... nakita ng daddy ko ang nangyari kaya dadalhin na niya ako sa Maynila ngayon, Sab."" ""Oh my gosh! Seryoso ba? Paano na ang pag-aaral mo, bestie?"" ""Ewan, Sab. Baka i-transfer ako ng daddy ko sa school ni Xander. Hindi ko pa alam, Sab."" Humagulgol na si Alexandra. ""Hurry up, Alexandra!"" sigaw ni Dylan buhat sa labas ng kaniyang pinto. ""Sab, tawag na ako ni daddy. Bibisita na lang ako rito, ha. Tapos tawag na lang ako sa'yo palagi kapag nasa Maynila na ako."" ""Kawawa ka naman, bestie. Naiyak na ako rito... Hindi ako handa na magkakahiwalay na tayo,"" ani Sabrina. ""Mami-miss kita, Sab. I love you, bestfriend ko..."" ""Mami-miss din kita, bestie. Mag-ingat ka roon. I love you, too. Mwahhh!"" Nang maputol ang tawag ay tuloy-tuloy ang dausdos ng luha niya sa kaniyang magkabilang pisngi. Halo-halo ang emosyong naramdaman niya pero mas nangingibabaw ang galit niya kay Lawrence na siyang puno't dulo ng lahat. Aminado man siyang may kasalanan pero hindi niya ito napatulan kung hindi siya inunahan. ""Alexandra, ano ba?! Bilisan mo na riyan!"" Kinalampag ni Dylan ang pinto niya. ""Wait lang po, dad. Hindi pa ako tapos magbihis."" Pinunasan niya ng kumot ang basang-basa niyang pisngi. Sa harapan ng salamin hinubad ni Alexandra ang kaniyang suot na t-shirt at naiwan ang kaniyang baby bra. Akma na niyang isusuot ang kaniyang pamalit na blouse nang may napansin siya. May nawawalang bagay sa kaniya. ""Oh no! Iyong kwintas ko? Saan napunta iyong kwintas ko?"" Hinanap ni Alexandra sa kabuuan ng kaniyang kwarto iyon. Baka nahulog lang nang hindi niya napansin. Lagot talaga siya sa Mommy Kathy niya kapag nalaman nitong nawala niya. Tiningnan niyang muli ang kaniyang leeg at may nakita siyang pulang marka. Dali-dali niyang dinampot ang kaniyang cellphone at tinawagan si Irish. ""Hello, Irish? I'm sorry dahil hindi kita pinansin kanina, ha. But now, kailangan ko ang tulong mo..."" ""Okay! Okay! Sandali lang. Lalabas muna ako."" Hinintay muna ni Alexandra si Irish. Nagsisimula na yata ang kanilang klase kaya nagpaalam muna itong lalabas. ""Ano ba iyon, Alexandra? Ano'ng nangyari sa inyo ni Lawrence?"" sunod-sunod na tanong ni Irish. ""Mamaya ko na ikukwento, Irish. For now, punta ka muna doon sa may bench kung saan kami nag-away ni Lawrence. Nawawala kasi ang kwintas ko. Nakita mo naman iyon, 'di ba? White gold siya then may dalawang pendant na K saka A na may mga white diamonds."" Paglalarawan niya sa kausap. ""Sige, titingnan ko. Huwag mong ibababa papunta na ako roon."" Pagkuwan ay naririnig ni Alexandra na naglalakad si Irish. Habang papalapit si Irish doon ay abot-langit ang kaniyang dasal na makita nito ang kwintas. ""Alexandra, diyan ka pa ba?"" ""Ahh, yes! Ano? Nakita mo ba?"" Pikit-mata siyang naghintay ng sagot nito. ""Wala, eh! Wala talagang kwintas dito, Alexandra. Puro patak ng dugo ni Lawrence ang naiwan dito,"" ani Irish. Napahinga ng malalim si Alexandra. Kung wala roon ang kwintas niya, nasaan na? Saan niya hahanapin? ""Sigurado ka bang dito nawala ang kwintas mo? Baka may nakapulot na kasi maraming taong narito kanina,"" dagdag ni Irish. ""Alexandra! Wala ka bang balak na lumabas diyan!? Isang balik ko pa, kakaladkarin kita pababa!"" galit na boses ng Daddy Dylan niya na may kasamang malakas na kalampag sa kaniyang pinto. Nagpasalamat na lang si Alexandra kay Irish. Naintindihan naman ni Irish dahil narinig nito ang galit na boses ng kaniyang ama. ""Bye, Irish! Text na lang kita mamaya, ha."" Huling sinabi niya bago putulin ang linya ng komunikasyon. Pagkababa ni Alexandra ng cellphone ay mabilis siyang nagsuot ng kaniyang blouse. Hindi na niya hihintayin na balikan ng daddy niya dahil kakaladkarin talaga siya nito. Hindi nananakit ang daddy niya pero hindi siya sigurado kapag naubos na ang pasensiya nito sa kaniya. Dahil doon, mabilis niyang sinuklay ang kaniyang buhok at bumaba na. ""Akala ko, hindi ka pa bababa!"" Hindi na lang nagsalita si Alexandra. Baka ikagalit pa ng ama kung ano pa ang sasabihin niya. ""Mag-ingat ka roon, Alexandra. Magpakabait ka, ha."" Niyakap-yakap siya ni Aling Noela. Muling humikbi si Alexandra. ""S-Salamat p-po..."" umiiyak niyang tugon. Huli na talaga ang lahat at nangyari na ang bagay na matagal na iniwasan ni Alexandra. Hindi talaga siya nakapagtimpi dahil pilit siyang kinanti. Ni sa panaginip ay hindi niya akalaing darating siya sa puntong lilisanin niya ang lugar na ito. Dito sa Rancho Villaruiz ang kaniyang mga kaibigan at ito lang ang tinuturing niyang tahanan. Hindi niya alam kung paano na ang magiging buhay niya sa Maynila gayong takot nga siyang tumawid sa lansangan. Wala talagang nakapagpigil sa kaniyang ama. Paalis na sila at dadalhin na talaga siya sa Maynila. Umaasa na lamang si Alexandra na huhupa rin ang galit ng kaniyang ama. At sana, bukas makalawa ay balik Rancho Villaruiz siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD