11

1112 Words
Cia Monteverde Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng dumating ang pamangkin ng kanyang madrasta ay 'di parin siya nakakatulog ng maayos. Mula kasi ng dumating ito ay halos magiba na ang kanyang eardrums sa mayat maya nitong pagpapatugtog ng malakas. Hindi naman niya ito masabihan dahil sa twing magtatangka ako na katukin ito ay lagi nalang itong lasing at kung hindi man lalabas ito ng naka brief lang. Kaya nga halos mag huromentado ako kahapon dahil naka brief lang ito ng labasin ako. Kaya naman ang virgin kong mata nagkasala na dahil sa kagaguhan ng lalaking 'yon. Lalo akong nainis ng lumakas pang lalo ang volume ng speaker nito. ''My god naman lord bakit ba dito pa ito nakituloy sa bahay? Sana pala sa mars nalang ito nakitira doon kahit itodo pa niya ang lakas ng speaker niya walang makikielam sa kanya.''gigil na gigil na sabi ko sa sarili ko. Bago ako muling lumabas sa kwarto ko para katukin na naman si lark. Malakas ko itong ginalabog at pilit na pinalalabas, pero marahil sa lakas ng pagpapatugtog nito ay 'di na ako nito naririnig kaya naman hindi sinasadyang naipihit ko ang doorknob doon ko nalamang hindi naka-lock ang seradura nito kaya dahan-dahan ko iyong binuksan saka ko nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Malinis at 'di magulo pero nasaan ito? Bulong ko sa sarili ko ng biglang. ''Ehem.'' ubo na nanggagaling mula sa likod ko. Kaya dahan-dahan akong humarap at nakita ko ito nakatayo sa may likod ng pinto. Ibig sabihin pala sinadya nitong hindi buksan ang pinto at hindi i-lock para ako mismo ang magbukas at pumasok sa loob? Gigil na gigil na sabi ko sa isip ko kaya naman hinarap ko ito. ''Kanina pa ako katok ng katok pero ni hindi mo manlang ako pinagbubuksan samantalang nandyan ka lang naman pala sa likod ng pinto mo?'' may gigil na sigaw ko dito. Hindi ito sumagot sa akin bagkos lumakad ito papunta sa speaker at saka iyon hininaan ng bahagya bago muling humarap sa akin. ''May problema ka ba sa akin kaya ka nag-lakas ng loob na pasukin ang kwarto ng isang lalaki?'' may dating na tanong nito kaya bahagya akong nainis dito. ''Malamang meron, hindi naman ako maglalakas ng loob na pasukin ka kung wala.'' may inis na pagkakasabi ko dito. ''Gaya ng?'' tanong pa nito na lalo kong ipinang gigil. Pero sinikap ko pa rin na hindi nalang magpakita ng pagkairita dito kahit na ang totoo iritang irita na ako sa pag-mumukha nito. ''May ipapakiusap lang sana ako sa iyo, mula ng dumating ka kasi dito sa bahay ay hindi na ako makatulog ng maayos, siguro naman alam mo kung ano ang tinutukoy kong problema 'di ba?'' tanong ko dito na ikinangiti nito. ''Grabe ka naman dalawang araw palang akong narito tinamaan kana agad sa akin?'' nakangiting tanong nito sa akin na ikinasama ng mukha ko. Ano bang tinamaantang sinasabi nito? Iniisip ba niyang may gusto ako sa kanya? ''Teka lang huh? Iba yata ang nasa isip mo Mr.'' ''Lark ang itawag mo sa akin okay? Masyadong pormal nasa iisang bahay lang naman tayo.'' pagtatama nito na sinunod ko nalang para 'di na humaba ang usapan. ''Okay Lark kung Lark, kaya ako pumunta dito hindi dahil sa inaakala mong tinamaan ako sa iyo o may gusto ako sayo, kaya ako narito dahil hindi ako pinapatulog ng pagpapatugtog mo gabi gabi.'' reklamo ko dito na ikinangiti pang lalo nito.. ''Ahh yon ba? Hahaha pasensya na.'' sabi lang nito sa akin saka muling hinarap ang radio at pinatay. Buti naman alam nya pa rin kung paano magpatay ng radyo n'ya. ''Oh ayan patay na, tara tulog na tayo!'' ''Tayo?'' ulit ko sa sinabi nito. ''Oo tayo, 'di ba sabi mo sa akin 'di kapa nakakatulog?'' tanong nito na tinanguan ko naman. ''Kaya tara mahiga kana dito, hindi pa rin kasi ako nakakatulog eh kaya tabi na tayo.'' offer nito na ikinalaki ng butas ng ilong ko. Baliw na ba ito? Kaya sa inis ko dito inirapan ko nalang ito saka ako lumabas at padabog na isinara ang pinto nito. Nang makalabas ako bwisit akong pumasok sa loob ng kwarto ko. ''Sira ulong 'yon? Ang yabang na nga ng dating n'ya ang manyak pa ng utak.'' bwisit na sabi ko sa sarili ko bago ako panatag na humiga sa kama ko. ''Salamat naman makakapag pahïnga na ako ngayon ng tahimik.'' bulong ko sa sarili ko saka ko panatag na ipinikit ang mga mata ko. Nang bigla na-namang nag-patugtog ito ng malakas na ikinabalikwas ko ng bangon. ''Haistt demonyo talaga.'' bulong ko nalang saka ako nagtalukbong ng unan sa mukha. Cennon Fuentez Dalawang araw na akong nagmamasid sa tapat ng bahay ng babaeng nag ngangalang Cia ayon sa madrasta nito. Pero ni anino nito ay 'di ko nakikitang lumabas ng bahay. Hanggang sa lumipas ang ilang oras nakita kong bumukas ang pinto at lumabas ang babaeng inaabangan ko mula pa nung nakaraang araw. Maganda ito sa suot na plain white t-shirt at maong pants, napakasimple pero napakaganda niyang pag-masdan. Bahagya pa sana akong lalapit dito ng mapansin kong may nakasunod dito na isang lalaki. Tumitingin tingin ito sa paligid at nang makita ako nito ay tumalim ang tingin nito at mabilis na lumapit kay Cia. Maya-maya pa walang ano anong hinila ito ng lalaki kaya bahagyang nag-talo ang dalawa bago nito napilit na sumakay ang babae sa likod ng motor nito. ''Sino naman 'yon? Boyfriend nito? Akala ko ba ito lang at ang madrasta nito ang nakatira sa bahay na iyon?'' bulong ko sa sarili ko bago ako sumakay sa motor at sinundan ang mga ito. Nakarating kami sa isang sikat na building kung saan pag-aari ng pamilya nito ayon sa binigay na files ng step mom nito. Nakita kong nagmamadaling pumasok si Cia sa loob ng building habang naiwang nakatayo sa motor ang lalaking kasama nito. Muling na-naman itong tumingin sa paligid kaya ng magtama muli ang mga mata namin ay ngumisi ito. ''Sino ba ito?'' tanong ko sa sarili ko. Bago ako dumukot ng sigarilyo sa bulsa at sinindihan iyon. Maya-maya pa ay muli na-namang lumabas si Cia at madaming dala. Agad itong sinalubong ng lalaki at kinuha ang mga hawak nito bago ito umakbay sa balikat ng dalaga. Nakita kong pinipiksihan ito ng dalaga at iniirapan. So hindi sila close? Pero bakit parang feeling close ang lalaki kay Cia? ''Ano ba naman tong pinag iisip ko, bakit ba pinapakialaman ko pa ang kinikilos nito. Ang dapat kong gawin ay tapusin ang trabaho ko.'' bulong ko sa sarili ko. Pero bakit parang di ko kayang saktan ang babaeng ito? Ano ba itong nangyayari sa akin. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD