Cia's Point of view
T'yak na galit na naman nito ang Step mom ko dahil late ako sa usapan ng mga ka meeting ko, buti nalang at hindi naman masyadong mahirap kausap ang mga nakausap ko.
Napatingin ako sa panyo na kulay pula, panyo ito ng lalaking nakabungguan ko kanina sa airport.
''Cennon!'' bulong ko sa naka burdang pangalan sa panyo.
Maya-maya pa bumukas na ang pinto ng kwarto ko, at gaya nga ng inaasahan ko ang Step mom ko naka pamewang ito at masama ang tingin sa akin.
Mula ng mamatay si Dad ay nagbago na ito.
Naging masunggit ito at palasigaw at sa konting pagkakamali ko lang ay sinasaktan na ako nito.
Wala akong magawa bata palang ako noon. Kaya naman lahat nalang ng sabihin nito ay sinusunod ko.
''Ano na naman bang kapalpakan ang ginawa mo huh Cia?'' tanong nito sa akin ng pasigaw.
''Pasensya na po Tita, may nangyari lang po kanina sa airport.'' mahinahong sabi ko dito pero galit parin ako nitong hinarap.
''Ang sabihin mo naglandi ka na naman kasi. O s'ya bukas na ang dating ng pamangkin ko umayos ka. At yung guestroom ayusin mo doo n na siya tutuloy mula bukas.'' utos nito sa akin na agad ko namang tinanguan at sinang ayunan. Ayokong magalit na naman ito dahil masisira ang lahat ng balak ko. Kailangan kong maging matatag upang maingatan ko ang lahat ng mga naiwan ni Daddy na unti-unting kinakamkam nito.
Maya-maya lumakad na ito palayo sa akin. Kaya Napabuntong hininga nalang ako ng
Tuluyan na itong mawala sa paningin ko.
Umupo ako sa sofa at saka ko muling pinasadahan ng tingin ang panyo at inalala ang gwapong lalake na nakabungguan ko.
''Kamusta na kaya ang sugat niya?'' naisatinig kong tanong.
Cennon's Point of view.
Dahan-dahan kong ipinarada ang kotse ko sa tapat ng bagong gusaling pinatayo ni bossing para sa mga perang nakakamkam niya sa mga pulitikong sagad sagaran ang pagiging ganid sa pera, na ultimo pera ng mahihirap ay kinakamkam na ng mga ito.
Nasa gano'n akong posisyon ng may pumaradang magara at magandang kotse sa gilid ng kotse ko.
Lumabas ang may edad na babae at dire-diretsong pumunta sa loob ng building.
''Sino kaya ito? Asawa ba ito o kabit na naman ng mga matataas at kilalang tao?'' bulong ko sa sarili ko bago ko ito nakitang pumasok sa loob dala ang isang di kalakihang envelope.
Nang malayo-layo na ito mula ng nakapasok sa loob ng gusali ay saka ako lumakad pasunod dito.
Nadatnan kong nag uusap ang mga ito ng bigla akong lingunin ni big boss.
''Nand'yan kana pala paburito kong alaga. Lumapit ka rito sa akin at may tra-trabahuin ka.'' sabi ni Boss sa akin kaya lumapit ako at nakipag kamay sa babae.
''Magandang hapon ma'am, anong trabaho ang gagawin ko?''
''Pumatay syempre.'' sabi nito na parang nang iinis pa ang tono.
''Ano pong pangalan ma'am?'' tanong kopa pero hindi ito sumagot basta inabot nalang nito sa akin ang folder.
''Nandyan ang lahat ng impormasyon ng tratrabahuin mo. At siya nga pala gusto ko bago matapos ang isang linggo wala na ito sa landas ko.'' mayabang na sabi nito sa akin ng biglang nagsalita si big boss.
''Madam. Kung natatandaan n'yo siya yung dose anyos noon na pumatay sa asawa nyo. ''Sabi ni boss na ikinataas ng kilay nito. Habang ako naman ay di nakahuma sa nalaman ko.
Ito ang asawa ng unang napatay ko noon?
''Ohh talaga? Kung ganun batikan kana? Siguro pati ang anak nito madali mo naring mawawala sa landas ko.'' tanong nito sa akin na ikinatango ko nalang.
Ipapapatay narin nito ang anak nung matanda? Kung gano'n hindi ito ang legal na asawa.
Matapos ang usapan namin ay agad itong umalis. Napatingin ako sa envelope.
''Mag uumpisa nanaman ang kalbaryo ko'' mahinang bulong ko saka ko dahang dahang binuksan ang loob para tignan ang nasa larawan at ilang informasyon sa bago kong misyon.
Pero ng makita ko kung sino ang bago kong biktima ay biglang napadiin ang hawak ko sa litrato.
''Siya? Pero bakit?'' bulong ko sa sarili ko. Saka ko muling tinignan ang litrato.
Cia's Point Of View.
Magdamag akong walang tulog kakaisip kung paano ko masusulusyunan ang mga nawawalang pera sa kumpanya.
Ang sabi ni Tita halos nasira at nabulok daw ang ilang mga tela na dapat daw ay iaangkat namin.
Pero dahil sa nabulok at nasira ang mga tela ay malaking pera daw ang nawala sa amin.
Gusto ko mang magtanong pero hindi naman ako nito hinahayaang makalapit o kahit ang makapunta manlang sa opisina.
Alam kong hindi totoo ang lahat ng mga sinasabi ni tita, alam ko rin na kinakamkam nito ang lahat ng mga naipundar na kayamanan ni Daddy, kaya dapat na akong kumilos bago mawala ang lahat.
Nasa gano'n akong sitwasyon ng marinig kong may nag doorbell mula sa ibaba.
Sino kaya ang dumating? marahil ang pamangkin ni Tita ang dumating.
Bumaba ako upang tignan at kilalanin ang pamangkin ni Tita na halos ngayon ko lang makikita.
Nang tuluyan na akong makababa ay nakita kong pumasok ang isang matangkad at maputing lalaki may tatoo ito sa isang buong balikat at may dalang isang malaking maleta.
''Nasaan ba si Tita?'' tanong nito sa akin.
Medyo 'di ako nakasagot dahil hindi ko alam kung asan naman talaga si Tita.
''Tinatanong kita nasan si Tita?'' tanong na-naman nito sa akin na may bahagyang galit sa boses.
''Hindi ko alam kung nasaan si tita pero ibinilin ka niya sa akin kahapon pa.'' sabi ko dito. Bahagyang napatingin ito sa akin bago nag tanong.
''Ikaw ang anak ni Tito Louie?'' tanong nito na tinanguan ko. Magsasalita pa sana ito ng biglang dumating si Tita.
Agad nitong nilapitan ang lalaki at hinalikan sa pisngi.
''Kanina kapa ba dito sa bahay Lark?'' tanong ni tita dito.
''Hindi naman tita medyo nauna lang ako ng kaunti.'' sabi nung nagngangalang Lark.
''Ganun ba? Kumain kana ba lark? Cia ipagluto mo si Lark nagugutom ang pamangkin ko.'' utos ni Tita sa akin na ikïna tingin ko dito.
Pwede namang sila manang nalang ang utusan niya huh? Bakit ako pa?
''Wag na Tita hindi ako nagugutom. Paki turo nalang sa akin kung saan ang kwarto ko nang madala kona ang mga gamit ko.'' sabi nalang nito, nakita kong bumuntong hininga si
Tita saka tumango.
''Kung gano'n Cia samahan mo ito sa guestroom.'' utos ni Tita sa akin na agad ko nang sinunod. Lumakad ako paakyat ng hagdan hanggang sa makarating na ako sa tapat ng guestroom.
''Nandito na tayo, akina ang maleta mo ipapasok kona.'' sabi ko dito. Pero iniwas nito ang maleta saka nito sinabi sa aking.
''Ako ang bahala sa gamit ko. '' sabi lang nito saka walang ano-anong pumasok na ito sa loob ng kwarto.
''Ang sungit naman ng isang 'yon? 'Di man lang nag-pasalamat. Sabagay ako nalang mag te-thank you para sa sarili ko.'' bulong ko sa sarili ko. Nang bigla kong makasalubong si tita matamang naka tingin lang sa akin saka ako nilagpasan. Parang may mali sa tingin at kilos ni Tita. Hindi ko gusto.
To be continued.