Cennon's Point of view...
Wala na ang mga walang kaluluwang mga kasamahan ko, kaya lumapit na ako sa kapatid ko na wala paring tigil sa pag-iyak dahil sa nararamdamang takot.
Alam kong sa mga oras na ito ay kailangan kong ipaliwanag dito kung ano ang mga narinig nito at nakita nito.
Pero mas pinili kong ilayo muna ito sa lugar upang mahimasmasan ito.
Inalalayan ko itong tumayo at 'don ko naramdaman ang panginginig nito.
Kaya sa sobrang awa ko dito ay niyakap ko ito ng mahigpit saka ko sinabi dito ang salitang patawad, akala ko magagalit ito sa natuklasan at kakamuhian ako pero hindi iyon nangyari, hinawakan nito ang sugat ko sa mukha saka ito pinunasan ng tissue.
sa unang pagkakataon napaiyak ako sa harapan ng kapatid ko, ngayon ko lang naramdaman ang may masabihan ng mga nagawa ko.
Gumaang ang pakiramdam ko.
kinuha ng kapatid ko ang first Aid kit ko sa likod ng kotse saka nito ginamot ang sugat ko habang
umiiyak ito at hinihimas ang sugat ko.
''Kuya, wala akong karapatan manumbat sa iyo kung ano man ang nagawa mo! Alam ko na ginawa mo ang ganong mga bagay dahil sa kagustuhan mong matulungan kami, bata palang kami noon at bata ka rin pero ikaw ang tumaguyod at tumulong kay nanay upang maisurvive si Lea sa operasyon at mapag-aral kami kahit pa ang katumbas noon ay buhay mo.
Sana lang may maitulong ako sa iyo!..'' sabi ng kapatid ko. Kaya nayakap ko ito ng mahigpit.
''Sapat ng makita ko kayong nasa maayos nila nanay. Masaya na ako sa gano'n! May isa lang akong hiling sa iyo.'' sabi ko dito na ikinaangat ng tingin nito.
''Ano 'yon kuya kahit ano sisikapin kong gawin matulungan lang kita.''
''Wala kang dapat gawin para sa akin. Ang gusto ko lang itong nangyari sa atin, 'wag na sanang makarating pa kina nanay at sa kuya mo at kapatid mo! Gusto ko rin pag uwi mo! Lahat ng gamit mo iayos mona dahil ngayon ang alis n'yo papuntang america.
Gusto kong nasa ayos na kayo bago pa ako sumabak ulit sa trabaho ko!'' sabi ko dito.
''Sumama kana rin kuya! 'Wag mo na silang sundin, hayaan mona sila tutal naman ay pinakawalan na nila ako!'' sabi nito na inilingan ko saka ko ito hinawakan sa magkabilang balikat.
''Makinig kang maige sa akin.
Ibang klaseng mga tao ang pinagtratrabahuan ko. Hindi sila mga ordinaryo! Pag tumakas ako at sumama sa inyo mas lalong magagalit ang mga taong 'yon kaya hayaan n'yo na ako kaya kona ang sarili ko, mas kaya kong ipagtanggol ang sarili ko kung hindi kona kayo naiisip na madadamay dahil nasa malayo na kayo.'' sabi ko dito na tila naunawaan na nito dahil tumango na ito at niyakap ako.
Ilang sandali pa ang lumipas, matapos kong tawagan si nanay at sabihing mag ayos na sila para sa flight nila, ay nagpasya na kaming umalis sa lugar.
Bossing Point of view..
Pinasundan ko si Cennon at nalaman kong ngayong araw na ito ang flight ng pamilya nito.
Alam kong inuuna nito ang kaligtasan ng pamilya nito kaya nito pinaalis ang mga ito.
''Sige Cen, pagbibigyan kita hahayaan kong paalisin mo ang mga kapatid mo dito sa pilipinas, pero siguraduhin mo lang na di mo ako tra-traydurin kung ayaw mong maging kahindik hindik na pagkamatay ang abutin ng pamilya mo.'' bulong ko sa sarili ko.
Nang biglang may tumawag sa cellphone ko! Agad kong kinuha at sinagot.
Ito ang asawa ng kauna unahang pinatay ni Cennon noong dose anyos pa lamang ito. Plano na nito ngayong ipapatay pati ang anak ng dati niyang asawa.
Itinawag ko agad ito kay Cennon ngunit agad na tumanggi ito dahil may ginagawa pa ito pero nang sabihin ko dito na alam ko kung nasaan siya at kung ano ang plano niya ay agad ko itong napapayag na pumunta sa kinaroroonan ko.
''Hindi ikaw ang tipo ng tao ang magpapasunod sa akin Cennon!'' sabi ko sa sarili ko bago ako uminom ng alak.
Cennon's Point of view...
Nagpaalam na ako kay nanay at Jack pati narin kina Dindie at Lea, niyakap ko ang mga ito ng napakahigpit, baka kasi ito na ang huĺing yakap ko sa kanila at 'di kona sila makita, sa uri ng trabaho ko ay walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ako ng matagal, sinabi kong may importante akong lalakarin at 'di pwedeng palagpasin.
''Kuya pag-natapos kana sa kontrata mo sumunod kana huh? 'Wag kang mag alala kuya mag aaral ako ng mabuti para sa iyo, magiging pulis ako para sa inyo.'' sabi ni Jack na tinanguan ko.
''Tama at sana Jack kung maging pulis ka hulihin mo at patayin mo ang lahat ng masasamang tao huh?'' sabi ko dito na nginitian nito at tinanguan.
''Opo kuya.'' sabi nito ng biglang yumakap sa akin si Dindie na umiiyak ganun narin si lea yumakap ang mga ito ng sobrang higpit.
''Kuya sumama ka nalang po sa amin. 'Wag kanang umalis pakiusap.'' umiiyak na sabi ni Dindie ganun narin si Lea pinipilit na nila ako na 'wag na akong umalis.
Pero inilingan ko sila.
''Hindi pwede eh. Ang makita ko kayong nasa maayos masaya na ako kaya sana pakiusap mag aral kayong maige at si nanay 'Wag kayong maging pasaway huh? Alagaan n'yo siya.'' bilin ko kina Lea at Dindie saka ako humarap kay Nanay.
''Anak, talaga bang kami lang ang aalis?'' tanong ni Nanay.
''Hindi po talaga pwede eh. Saka 'di pa tapos sa pag-aaral sina Lea di po ba? Pag nakatapos na po sila susunod na po ako agad sa inyo.
Sa ngayon po mag ingat po kayo huh? Wag po kayong magpupuyat.'' bilin ko dito.
''Pasensya na at 'di kita matulungan huh? Dapat ako ang gumagawa ng paraan para makatapos kayo magkakapatid pero eto ikaw, puro ikaw ang gumagawa ng paraan para sila makapag aral sa mantalang ako walang magawa.'' umiiyak na sabi ni nanay.
''Wag n'yo pong sabihin 'yan Nay. madami na kayong hirap saming magkakapatid pati narin kay itay.
Kaya ang gusto ko pong maranasan n'yo ay ang sarap naman ng buhay.
''Mahal na mahal ko po kayong lahat.'' umiiyak na sabi ko dito. Sa unang pagkakataon ngayon lang sila mawawalay sa paningin ko.
''Ang mukha mo anak, anong nangyari d'yan? Ayos ka lang ba?'' tanong ni nanay na tinanguan ko lang saka ko sila pinagtulakan na umalis na.
Hindi kona pinagtagal pa ang pagpapa alamanan namin kasi hinihintay na ako ng trabaho ko.
''Nay aalis na po ako.'' sabi ko dito gano'n narin kina Lea, Dindie at Jack.
Pero bago ako tuluyang umalis hinabol muna ako ni Dindie at yumakap sa likod ko.
''Kuya mag iingat ka huh? Mahal na mahal ka namin.'' sabi nito habang umiiyak.
''Ako din mahal na mahal ko kayo, 'wag kayong mag alala tatawagan ko kayo do'n.'' sabi ko bago ako kumaway at tumalikod sa kanila.
Ang pakiramdam na ito ang ayaw kong maramdaman. Ang mawala sa paningin ko silang lahat pero mas ligtas sila don. 'Yon nalang ang isinisiksik ko sa isipan ko.
Saka ako nagmamadaling lumayo sa kanila ng biglang
Blaggg.
May nabunggo ako at tumapon ang lahat ng laman ng bag nito. Agad kong tinulungan ang naka bunggo ko.
''Pasensya na huh? '' sabi ko pa dito.
Hanggang sa mag salita ito na naging dahilan ng pag tingin ko dito.
''Okay lang.'' maiksing sabi nito pero bumilis ang t***k ng puso ko! Lalo na nang makita ko ang mukha nito.
Nakita kong nakatingin din ito sa akin pati na rin sa sugat ko na nakatakip ng gasa.