Cennon
Tulala ako habang nakatanaw sa tulay kung saan tanaw ko ang mga bahay sa ibaba ng tulay.
Minsan naisip ko ang damot ng kapalaran sa akin, bata palang ako pero wala akong matandaang naging masaya ang buhay bata ko.
Sabagay ultimo nga ang nakababata kong kapatid puro hirap ang naranasan dahil bukod sa pinanganak na siyang mahirap may sakit pa.
Tumalon kaya ako sa tulay na ito ng matigil na ang pag hihirap ko?
Natigil ang pag mumunimuni ko ng may malakas na bumubusinang truck sa may tulay.
''Hoy bata bago ka tumalon dyan, siguraduhin mong di mo 'yan pag sisisihan.'' sigaw ng driver ng truck na tila alam nito ang tumatakbo sa isip ko.
Natawa ako ng bahagya, meron pa ba akong pagsisisihan sa buhay ko? Parang wala naman, ni wala nga akong matandaan na naging maganda ang buhay ko mula ng pagkabata ko.
Napatingala tuloy ako sa langit na tila nakikisimpatya sa sakit at hirap na pinagdadaanan ko.
Minsan naisip ko totoo kaya na kaya ibinigay sa akin ng d'yos ang ganitong pagsubok dahil alam naman niya na makakayanan ko ito? Pero paano kung hindi na? Naramdaman ko ang pagtulo ng paparating na ulan sa aking mga pisngi.
Pati langit ata lumuluha para damayan ako. Tama kung ang langit dinadamayan ako ibig sabihin kayang kaya ko ito.
Kaya huminga ako ng malalim saka ako nag umpisang mag lakad papunta sa mga kaibigan ni nanay.
Kailangan kong maka balik sa kapatid ko, alam kong hinihintay niya ako.
Maya-maya lang nasa tapat na ako ng bahay ng ninang ko.
Saka ako dahang-dahang kumatok, nakita ko dumungaw ito sa bintanang kahoy.
''Ohh Cennon kamusta? Teka lang bubuksan ko lang ang pinto.'' sabi ni ninang saka ito saglit na nawala, ilang sandali lang narinig kona ang lagitngit ng kahoy na pinto at dumungaw ito.
''Magandang hapon po ninang. Naparito po ako para sana manghiram ng pera kung meron kayo.'' mahinang sabi ko dito.
pero gaya ng inaasahan ko walang wala rin ito, ano ba naman ang aasahan ko pareparehas lang kami dito na walang wala kaya nga kahit mapanganib sa ilalim ng tulay ay dito na kami nagtayo.
''Pasensya na Cennon, walang wala talaga ako, alam mo naman na di nagkakalayo ang ugali ng ninong mo at ng tatay mo di ba? Parehas silang mga pabigat sa buhay.'' malungkot na sabi ni ninang sa akin, napatanggo naman ako saka ako nagpaalam.
''Naiintindihan ko po kayo ninang, mauna na po ako lalapit pa po ako sa iba kung meron sila.'' mahinang sabi ko saka ako tumalikod at nag lakad palayo, pero napahinto ako at napalingon ng tawagin ako ni ninang.
''Bakit po?'' tanong ko, saglit itong pumasok sa loob at ng lumabas lumapit ito sa akin at kinuha ang kamay ko saka may iniabot sa akin.
''Maliit na halaga 'yan para pang hospital, pero sa ngayon 'yan nalang ang pera ko kaya sana makatulong.'' sabi ni ninang sa akin. Napatingin ako sa kamay ko nakita ko ang dalawang singkwenta pesos.
Mahigpit kong hinawakan iyon at tumingala kay ninang ko saka sabay sabing.
''Maraming salamat po dito ninang napakalaking tulong po nito sa akin sa amin ng mga kapatid ko.'' naluluha kong sabi dito, nakita kong tumango tango ito saka ako hinawakan sa balikat.
''Sige na humayo kana at ng 'di ka gabihin, paki sabi nalang sa nanay mo kayang kaya niya 'yan. At sayo naman Cennon, malalagpasan n'yo rin 'yan. Sige na.'' mahinang habilin ni ninang sa akin bago muling pumasok sa bahay nito.
Ako naman naglakad na ulit ako at pumunta sa ilang mga kilala kong kaibigan ni nanay.
Karamihan sa kanila ay puro pasensya ang sinasabi sa akin.
Ang iba naman ni hindi na nila ako pinagbuksan ng pinto o kahit dungawin sa bintana. Siguro alam na nila ang sadya ko. At Naiintindihan ko sila, dahil kahit sila ay hirap na hirap sa buhay.
kaya naman nagpasya na akong lumakad papunta sa hospital. Medyo padilim na rin kaya naman ng nasa tapat na ako ng gate ng hospital, nakita ko agad ang mga kapatid ko, at ng makita din nila ako, agad silang sumalubong sa akin.
Naawa ako sa mga kapatid ko dahil alam ko sa mga oras na ito ni hindi pa nasasayaran ng kanin ang mga sikmura nila.
''Kuya kamusta? may nahiram ka ba?'' tanong ni Jack sa akin.
Umiling naman ako at doon ko nakita ang paglaglag ng balikat nito.
''Eh kuya 'di pa kami kumakain ni kuya, meron po ba tayo kahit pang lugaw lang?'' tanong ni dindi sa akin, grabe mangiyak ngiyak na ako sa sobrang awa ko sa mga kapatid ko.
''Oo meron, pero sandali lang huh? babalikan ko kayo dito, kakausapin ko lang si nanay at titignan ko lang din si Lea, tapos babalik ako at kakain tayo.'' nakangiting sabi ko dito. saka ako tumayo at nag umpisang maglakad papunta kina nanay.
nadatnan ko si nanay nakayukyok at tulog na tulog may pagkain sa gilid ng mesa nito at halatang hindi pa nagagalaw.
Dahan dahan kong tinapik si nanay at ng magising ito nakangiti ito sa akin.
Ang kawawa kong nanay paano ko ba mapapalitan ng totoong ngiti ang mga labi nyo.
''Nandyan kana pala anak. kamusta ang naging lakad mo?'' tanong nito.
alanganing ngiti ang isinukli ko dito, at alam kong alam na nito kung ano ang ibig kong sabihin dito.
''Ganun ba? Halika anak may nag rasyon ng pagkain dito, kumain ka tiran mo na lang mga kpatid mo.'' aya ni nanay sa akin.
Alam kong nagtitiis ng gutom si nanay para sa amin.
Makakabawi din po ako sa inyo nanay.
''Siya nga po pala nanay nagbigay po si ninang eto po, hindi daw po malaki pero sana daw po makatulong kasi sa ngayon daw po 'yan lang daw ang pera niya. Saka si Ate Charing nag abot din po.'' sabi ko saka ko tuluyang iniabot kay inay ang dalawang daang piso.
''Ganun ba? Pag nakita mo sila sabihin mo salamat dahil napakalaking bagay na nito sa atin.'' sabi ni nanay saka inabot sa akin ang isang daang piso.
''Para saan po?'' tanong ko.
''Umuwi na kayo ng mga kapatid mo, tapos magsaing ka at ng makakain na kayo. alam kong gutom na gutom na sila.
''Pero mama!'' alanganing tawag ko pero inilingan lang ako nito saka sabay sabing.
''Ako nang bahala dito. balikan mo nalang ako pagtapos kana okay?'' bilin nito sa akin.
''Okay po nay, babalikan ko po kayo. Yung pagkain po kayo na ang kumain para may lakas kayo.'' sabi ko na ikinangiti nito.
''Sige ingatan mo mga kapatid mo.'' sabi ni nanay kaya naman lumakad na ako palayo pero bago ako lumakad tinignan ko muna si Lea at hinalikan sa noo.
To be continued.