Cennon's POV
Naglalakad na kami pauwi ng mga kapatid ko ng makita ko si tatay naka tambay at nakikipag inuman kasama ang mga adik na kaibigan nito, didiretso na sana kami at hindi papansinin ito ng biglang may tumilapong bote sa dadaanan namin at doon nabasag.
Tumalsik pa nga ang ilang bubog sa binti ko dahil naka short lang ako at biglang sumigaw si tatay at ng tignan ko nakita kong palapit na ito sa amin.
Nanginig ang buo kong kalamnan ng makita kong may hawak itong dos por dos na kahoy habang gumegewang.
Pero kahit ganun man hinarang ko ang katawan ko upang ma protektahan ang mga kapatid ko.
''Kayong mga malas na mga bata bakit umuwi pa kayo?'' sigaw nito sa amin.
Alam kong natakot lalo ang mga kapatid ko dahil sa nakikita nilang itsura ni tatay.
Dahil Pulang pula ang mukha at mata nito habang papalapit sa amin.
Kaya naman binulungan ko si jack na buhatin nito si dindi at saka mabilis na tumakbo.. Na agad naman na sinunod nito, nang makita kong naka takbo na ang mga kapatid ko mabilis kong itinulak si tatay upang mawalan ito ng balanse saka din ako tumakbo, hindi man ako lumingon alam kong hinahabol ako ng mga kaibigan ng tatay ko, pero dahil sa lasing na ito at kargado na ng droga, hindi na ako nito nahabol pa.
Hanggang sa maka uwi na ako at nadatnan ko doon ang mga kapatid ko.
''Kuya bakit ba ganon ang tatay natin? Imbis na alalahanin niya tayo ay sinasaktan pa niya tayo? Ni hindi man lang nga niya nakuhang kamustahin si Lea, tinawag pa tayong malas.'' tanong ni Jack sa akin, at dahil maski ako ay di alam ang sagot iling nalang ang naisagot ko dito saka ako nag ayos ng makakain ng mga ito.
At habang hinahanda ko ang sinaing 'di ko maiwasang lumuha para sa akin at para na rin sa nanay ko at mga kapatid.
Nang bigla akong mapaigtad dahil may maliliit na kamay na yumakap mula sa likuran ko, pag tingin ko si dindi umiiyak habang yakap-yakap ako.
''Kuya nahihirapan kana ba sa amin?'' tanong nito sa murang edad na pito.
''Bakit mo naman nasabi 'yan?'' tanong ko dito sa kabila rin ng tahimik na pag iyak ko.
''Kasi po kuya ako nahihirapan na.'' sabi nito sa akin, doon sa sinabi nito na nahihirapan na siya doon bumuhos na ang luha ko at malakas na iyak ko, pakiramdam ko kailangan ko na ng nanay at tatay na yayakap sa akin at aalo at sasabihing 'wag kang mag alala nandito kami 'di namin kayo papabayaan.
Pero kahit saang anggulo ko tignan kailangan kong harapin ang katotohanan na hanggang pangarap lang iyon.
Napatigil ako sa pag iyak ko ng makita ko si jack nakatayo na rin sa harap ko saka mabilis akong niyakap ng mahigpit.
''Kuya wag kang mag alala magiging mabait ako at maasikaso dito sa bahay para kahit wala ka at nasa trabaho ka hindi mo na kami aalalahanin.'' umiiyak na sabi nito.
''Salamat Jack, wag kayong mag alala mag sisikap ako iaalis ko kayo sa lugar na ito.'' may diing pangako ko sa mga kapatid ko.
Saka ko sila hinalikan sa mga noo, bago ko hinarap ang niluluto ko, upang makakain na sila at maka tulog na.
Alam ko kasing pagod na rin ang mga katawan nila, kaya matapos ko silang pakainin, pinatulog ko na sila hanggang sa ako nalang ang gising at minamasdan sila.
Minsan nangangarap ako na buo at maayos ang pamilya ko gaya ng mga pamilyang nakikita ko sa bayan habang namamasyal at namimili.
'Di ko namalayan umiiyak nanaman pala ako. Agad ko iyong pinunasan at tumayo na.
Kailangan ko ng puntahan si nanay sa hospital. 'Di na ako nag ayos lumakad nalang ako pero sa gitna ng paglalakad ko hinarang naman ako ng grupo ni bogart.
''Kala mo tapos na tayo?'' sabi nito habang nakangising nakatingin sa akin ganun din ang ilan niyang mga kasamang tambay.
''Ayoko ng away nasa hospital ang kapatid ko kailangan na akong makapunta 'don.'' may pakiusap sa tinig ko ng sabihin iyon, pero imbis na tumigil ito sinugod ako nito at pinalo sa balikat, napaigik ako sa sakit at napahiga ng tumama iyon sa akin.
Dinig ko ang mga tawanan nila at pagpilit ng mga ito na tumayo ako.
Kaya napa tawag na ako sa dyos ng mga sandaling ito.
Dyos ko, kung pagsubok po ito tama na, wala na po akong kakayahan na kayanin pa. Mahinang usal ko ng bigla akong makarinig ng putok ng baril, kasunod noon ay ang yabag at takbuhan ng mga kaibigan ni bogart.
Kaya napatingala ako at nakita ko ang isang pigura na agad kong nakilala, sa ikalawang pagkakataon niligtas na naman ako ng taong ito.
Red
Hinagisan ko ng face towel ang batang nakita kong pinagtutulungan nanaman ng mga walang kwentang tambay sa lugar na ito.
Hindi ako mabait pero hindi rin ako masama. Sa ikalawang pagkakataon, nakita ko na naman ang batang ito na nagpapa alala ng nakaraan ko.
Ganitong ganito ako noon, walang wala at laging sinasaktan.
Tadhana ba na makita ko nanaman ito?
''Salamat kuya.'' sabi nito sa akin sa pagitan ng mga matang may luha man ay halatang halatang madami ng pinag daanan.
''
Wala 'yon, bakit ba trip na trip ka ng mga 'yon? Alam mo kung ganyan ka ng ganyan lagi ka nilang gaganyanin, matuto kng lumaban.'' sabi ko dito ng bigla itong tumingin sa akin.
Natakot ako at napaatras sa tingin nito sa akin.
''Huli na ito, dahil simula ngayong oras na ito lalaban na ako, 'di na ako papaapi, at iaahon ko na ang mga kapatid at nanay ko sa lusak at hayop na lugar na ito.''may diing sabi nito sa akin saka tumingin ng diretso sa mga mata ko sabay sabing.
''Tulungan mo ako, isama mo ako sa trabaho mo, ipinapangako ko 'di kita ipapahiya.'' diretsong tingin nito sa akin ni hindi kumukurap ang mga mata.
Na ikinabuntong hininga ko saka ko ito hinarap.
''Ang buhay mo ay parang buhay ko, kaya ito lang ang masasabi ko.
Kung sa pera meron ka 'di ka mawawalan, pero ang kaluluwa mo at buhay mo hindi mo na masasabing sa iyo.
Dahil Sa oras na pumasok ka sa trabaho ko parang pinatay mona ang sarili mo, kaya uulitin ko ang inaalok mo sa akin kanina.
Kaya mo bang pumasok sa trabahong buhay mo ang kapalit?'' mariing sabi ko dito na nagpatahimik dito.
to be continued