5

1013 Words
Cennon's POV Nasa isang abandonado kaming lugar ng isa kong kasama na si red, hindi ko sya kaibigan o kahit kababata. Pero inalok niya ako ng pagkakaperahan at kailangan ko yon ngayon. ''Sigurado kang kaya mo?'' tanong ni Red na agad ko naman tinanguan... ''Oo kahit ano pa yan kayang kaya kong gawin para lang magkapera.'' sagot ko dito kasabay sa pag tingin ko ng diretso sa kanyang mga mata... ''Good boy, ilang taon kana ulet bata?'' tanong nito sa akin habang nagsisindi ito ng sigarilyo. ''Dose.'' sagot ko kasabay non ang paglapit nito sa mukha ko at pag buga ng usok na galing sa sigarilyo. Nauubo ako, pero tiniis ko na langhapin iyon. Ayokong may maipintas ito sa akin, kaya naman pinilit kong mag mukhang matatag at matapang sa harap nito. ''Matapang ka bata, siguraduhin mo lang na ganyan ka hanggang mamaya huh?'' sabi nito ng biglang bumukas ang lumang pinto. At niluwa noon ang ilang mga kalalakihan na may mga hawak na mga naghahabaang mga baril. Nanginig ako at natakot lalo na ng magsalita ang lalaking may malaking katawan at may peklat sa mukha. ''Nasaan na Red?'' malakas at malaking boses na sabi nito. ''Hayan sa harap mo Boss.'' sagot nito sabay turo nito sa akin, tinignan naman ako nito ng maigi saka ako nilapitan. ''Putang ina mo Red, naglolokohan ba tayo? Anong gagawin ko sa batang ito.? Sabi ko sa iyo marunong magaling at higit sa lahat hindi tayo magkakasabit. Anong problema mo at nagdala ka ng bata dito.? Sigaw nito kay Red, kaya nataranta kaagad si Red, akala ko kanina matikas at matapang na ito pero may mas matikas at mas maangas pa dito. At 'yon ay ang tinatawag nilang boss. ''Kaya daw niya boss.'' sagot ni Red dito ''Gusto mo makita na kumalat ang utak ng batang ito dito?'' sabi ng lalake sabay tutok sa akin ng baril. Kaya naman nanginig ako pero pinilit kong maging matatag ang tayo at anyo ko. Saka ko ito tinitigan sa mata sa mata gaya ng ginawa ko kanina kay red. Maya-maya ay inalis na nito ang pagkakatutok ng baril sa akin. Tapos ay sumigaw ito at may tinawag na pangalan. ''Roger, akina ang baril mo.'' sabi ng boss nito ng hindi inaalis sa mga mata ko ang tingin nito. ''Boss?'' takang tanong nung Roger. Habang gusto ko ng tumakbo pa labas dito pero paano? Babarilin na ba niya ako? Tanong ko sa isip ko. ''Lintek akina ang baril mo tanga..'' sigaw ulit nito kaya naman nagmamadali na itong lumapit dun sa tinatawag niyang boss at inabot dito ang baril. Akala ko itututok nito sa akin ang baril pero nag kamali ako, dahil inihagis nito sa akin ang baril na tumama sa may dibdib ko, gusto kong mamilipit sa sakit pero tiniis ko pa rin. Eto siguro ang naging resulta ng mga paghihirap ko sa buhay na simula pagka bata ay walang dinanas na sarap sa buhay kahit minsan. Nang biglang sumigaw muli ang boss ng mga ito. ''Barilin mo.'' utos nito sa akin. Pero alin? Ako may babarilin? Sino? ''Huh?'' takang nasabi ko. ''Nakikita mo yung pusa na kumakain? Barilin mo at siguraduhin mong matatamaan mo sa kahit saan sa katawan nito. Kung mapapatay mo mas mabuti pero kung hindi mo matatamaan.'' Hinto nito sa sasabihin saka bumunot ng baril at itinutok na naman sa akin, na naging dahilan ng pag atras ko. ''Isa pang atras mo bata, hindi mo na maihahakbang ang isa mong paa.'' sabi nito kaya napatigil ako. ''Barilin mo na, ano pang hinihintay mo? Oh baka naman mas gusto mo ikaw nalang ang barilin ko?'' sabi nito sabay umang ng baril nito sa noo ko. ''Bilis na naiinip na ako..'' sigaw nito kaya naiangat ko agad ang baril patutuk sa pusa na kasalukuyang kumakain. Nang bigla nanaman itong nagsalita. ''Uulitin ko dapat matamaan mo kung hindi, ikaw ang tutumba bata, maliwanag?'' sabi nito. Kaya naman pinilit kong asintahin ang pusa na kasalukuyang gumagalaw na. Nang biglang pumasok sa isip ko ang mga kapatid ko, at ang bunso namin na kasalukuyang naka confine at kailangan na daw maoperahan agad-agad. Nangako ako na babalik ako dito kaya kailangan ko iyong tuparin. Kaya naman pikit mata kong kinalabit ang gatilyo. Bangggg!!!!! Alingaw ngaw ng bala, pero hindi parin ako dumidilat ng biglang may bumagsak na mabigat sa balikat ko, na naging dahilan ng pagdilat ko. At doon ko nakita ang kamay ng boss at tinatapik tapik ang balikat ko. ''Magaling para sa isang napakabatang gaya mo. Mag handa ka, dahil sa loob ng dalawang linggo may gagawin kang trabaho.'' sabi nito sabay lakad paalis sa abandonadong lugar. Habang wala sa loob ko na lumalapit sa pusang duguan. Hanggang sa tuluyan ko ng makita ang kalunos lunos na sinapit ng pusa na halos maputol na ang sabog na ulo ng pusa sa katawan nito.. Ako ba talaga ang may gawa nito? kamay ko ba talaga gumawa at bumaril dito? Hindi talaga ako makapaniwala. ''Magaling bata, ito lang ang tandaan mo bata wala ng atrasan ito pag inabot mo ang halagang hawak ko. ''sabi ni Red sa akin saka ko tinignan ang sobreng hawak nito. Ang perang kailangang kailangan ko nasa harap ko na. ''Kukunin mo ba hindi?'' tanong nito sa nagmamadaling tinig. ''Kukunin ko!'' sagot ko agad sabay Dampot sa sobre. ''Good.. Bukas susunduin kita maliwanag may ipapakita ako sa iyo..'' 'yun lang ang sinabi nito saka ako nito iniwan sa abandonadong bahay. Ilang minuto akong hindi makakilos sa kinatatayuan ko. Hindi ko lubos maisip na sa ganitong edad ko mararanasan ko ang ganitong klaseng bangungot. Lumakad ako patungo sa wala ng buhay na pusa hindi ko alam kung ako ba talaga ang nakabaril dito pero kahit saan ko angulo tignan ako ang may hawak ng baril at ako ang nagpaputok ng baril. Napapikit ako at sa diwa ko nakita ko ang kapatid ko na hanggang ngayon ay nasa bingit ng kamatayan kaya humugot ako ng isang malalim na buntong hininga at kasabay noon ang pasya kong pumasok na sa ganitong kalakaran upang mabuhay ko ang mga taong mahahalaga sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD