Familia de Concepcion - 4/4

2162 Words
Pagkatapos naming kumain ng hapunan, sinamahan ako ni Mamá patungo sa kwarto ko kasama rin si Esmeralda. Ilang buwan nang lumipas na ganito ang nakasanayan kong routine. Palaging kaagapay ni Esme si Mamá dahil daw may ilang beses na nagiging bayolente raw ako. Kaya ang huli kong nakikita pagtulog ko ay si Mamá. Binabantayan niya talaga ako hanggang sa makapagpahinga na ako. Pagkatapos kong maligo at magbihis ng pantulog, inaasikaso na nila ang pag-inom ko ng mga gamot, kasama na rin ang aking kama. "Sige na, Esmeralda. Ako na ang bahala rito. Pwede ka nang matulog o gawin ang mga gawain mo," malumanay na saad ni Mamá kay Esme. Nagbow na lang si Esme at agad na ring umalis sa loob ng aking kwarto. "Oo nga pala, hija. I have to tell you something," biglang saad ni Mamá habang nag-aasikaso ng mga gamit niya sa may lamesa. "Ano po iyon, Ma?" Lumapit siya sa akin at ako nama'y nakahiga na. "Nakapag-usap kami ng Papá mo about your postponed wedding," panimula niya. What about that? Tahimik lang ako para ituloy niya ang sasabihin niya. "And we decided, na hindi na lang kayo magpapakasal." saad niya na ikinasinghap ko. I mean, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero mas nangingibabaw ang tuwa dahil may posibilidad na maaari nang ilantad nila Esme at Emmanuel ang kanilang relasyon. "I'm sorry, Eliz. Ilang taon din kayo…" saad ni Mamá. Nagpakita naman ako ng disappointment para hindi siya magtaka sa totoo kong reaksyon. "It's okay, Ma. Masyado rin naman kaming bata pa para sa kasalan eh," saad ko sa kanya. Mukha naman siyang hindi nakakahinga pa nang maluwag. "Pero, gusto ng Papá mo na… Na makipaghiwalay ka na rin sa kanya." saad naman ni Mamá na mas lalo kong ikinagitla. "B-bakit po?" tanong ko. Ngayon ay mas lalong nakakapagtaka na. Hindi naman sa ayaw ko, sa katunayan ay sobrang saya ko na dahil sa wakas ay makakalaya na ako. Pero anong meron, ba't parang may something? Bumuntong-hininga si Mamá. "Ang Papá mo na lang ang bahalang magpaliwanag, tutal siya din naman ang may kagustuhan niyon. Pero anak, kung ako sa'yo, makipaghiwalay ka na lang din muna sa kanya. Para naman makapagfocus ka sa pagpapagaling mo," payo niya. Tumango na lang ako kahit pa may parte sa akin ang nagtataka at bumabagabag sa aking isipan. Siguro bukas, masasagot ni Papá ang mga nais kong itanong. Sana rin ay makausap ko nang maayos si Emmanuel tungkol dito. ———————————————————————— Napagtanto ko lang na lumipas ang kalahating taon na nagdudusa ako sa sakit na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagaling. Nagdudusa ako sa kadiliman, nangangapa at tinitiis ang sakit. Halos hindi naman na makakilos at makapag-isip nang maayos. Maituturing na patay, kahit buhay na buhay pa rin ako. Buong buhay ko, sinanay ako sa karangyaan at kagandahan ng buhay. Marami akong mga luho na nakukuha at mga pangangailangan na tinutustusan para sa akin. Pero hindi sumagi sa isip ko ang mga bagay na imteresado ako't gusto kong gawin. Dahil buong buhay ko rin ay tinatak sa isipan ko ang mga bagay na dapat kong gawin—gusto ko man ito o hindi. Noong bata ako, nakagisnan ko ang propesyon ng aking ina—ang pagiging doktor. Sabi sa akin ni Mamá na balang araw ay magiging isa rin akong ganap na doktor katulad niya. Kapag naman doktor na ako, maaari naman daw akong umalalay sa negosyo o 'di kaya sa politika katulad ni Papá. "Eliz, paglaki ko at kapag nakakuha ako ng oportunidad na makapag-aral ng kolehiyo, gusto kong maging abogado!" masiglang saad ni Esmeralda na kalaro ko. "Ikaw, anong gusto mo paglaki?" tamong niya. Napaisip naman ako. Kasalukuyan kaming nagtiteacher-teacheran—ako ang teacher at siya naman ang estudyante ko. "Ito, gusto kong maging teacher," ngiti kong sagot. "Sigurado akong magiging magaling kang teacher! Bagay sa'yo, Eliz," suportadong saad ng kaibigan ko. "Honey, come here. Stop playing na muna," rinig kong pagtawag sa akin ni Mamá. Agad naman akong tumakbo papunta sa kanya. Sa table ay merong merienda kaya agad akong lumamon. "Ito na pala si Elizabeth? Oh hi, hija!" saad ng babaeng kasama ni Mamá. Sa tingin ko ay katrabaho niya ito dahil sa uniform nila. "Narinig namin 'yung pinag-usapan niyo ng kalaro mo. You said you want to become a teacher?" tuloy niya. Magiliw naman akong tumango. "It's just a phase. Elizabeth will learn more things in the future, at maiintindihan niya ito. I bet she'll also be a doctor someday. Right, anak?" saad ni Mamá sa akin. Tipid lang akong ngumiti kahit pa wala naman akong interes sa mga iyon. Pero siguro nga, tama si Mamá—isa siyang doktor at nakikita ko kung paano siya igalang at ipagmalaki ng lahat. I want to be like my mother someday. Kaya buong buhay ko rin, puro pag-aaral ang inaatupag ko. Kilala ako bilang competitive, intelligent, at leader sa paaralan. Mahilig din akong sumali sa iba't-ibang extra curricular activities kaya naman kilala ako ng lahat. Nakagisnan ko rin kasi ang pagiging lider pagdating sa iba't-bang sitwasyon, dahil kay Papá. Ngunit kahit na gan'on, kilala rin ako bilang isang pala-kaibigan at masiyahin na dalaga. "How's school?" tanong ni Papá sa amin ni Eleanor. Noong nakaraan lang ang simula ng pasukan namin at 4th year high school na ako. "Okay lang naman po Pa, sumali po ako sa iba't-ibang organizations. Katulad ng sinabi niyo kahit hindi ko naman gusto," prankang sagot ni Eleanor. Sumama naman bigla ang timpla ng mukha ng aming ama. "How about you, Eliz?" biglang tanong ni Mamá para ibaling na ang atensyon sa akin. "Uh, it's great. Mas busy po dahil 4th year na," sagot ko naman. "Have you consider joining the student council for Presidentp?" tanong naman ni Papá. Agad naman akong tumango. "Yes, Pa. I already signed na po," ngiti kong tugon. Mukha namang nasiyahan si Papá sa naging desisyon ko. Sabi kasi niya, isa raw itong paraan para mahasa ako sa pamumuno. Ilang linggo naman ang lumipas nang maganap na ang eleksyon. Sa panahon ng paghahanda ko, marami ang sumuporta sa akin. Karamihan din kasi ay mga kakilala at kaibigan ko mula sa iba't-ibang year level kaya naman hindi na ako nahirapan. "Sigurado akong si Elizabeth Concepcion na ang mananalong President. Maraming suporta sa kanya eh," rinig kong saad ng isang 3rd year. "Malamang, sikat siya eh," saad naman ng isa. "Tapos Mayor ang Papá niya kaya kahit dito ay tiyak na mananalo siya," sabi naman ng isa pa. Nakita ko naman biglang lumapit sakanila ang kasama ko sa party—ang tumatakbong Secretary. "Oo nga, pero alam niyo bang matagal nang part ng student council si Elizabeth? Since Elementary pa nga ay nananalo na siyang Presidente. Kaya subok na subok na ang pagiging lider niya. Kaya ano pang pinagtatakhan niyo?" pangangatwiran niya. Napatahimik naman ang tatlo at tumango na lang saka mabilis na umalis nang mapansing nasa malapit lang ako. Niyon napagtanto kong baka nga dahil nananalo ako ay dahil din sa kilala ang pamilya ko sa pagiging lider—at hindi dahil sa kakayahan ko mismo. Bahagya akong nabagabag at nalungkot dahil dito kahit pa nalaman ko rin na ako ang hinirang na President ng student council ng school namin. "Eliz alam mo ba, naimbitahan kami ng charity workers ng Concepcion na sumama para sa gaganaping event dito rin mismo sa hacienda," pahayag ni Esme. Nandito kami sa hardin, kasalukuyang nagdidilig ng mga bulaklak si Esme habang ako nama'y naglalakad-lakad para magmasid. "Talaga? Pero hindi ba, buwan-buwan naman iyon ginaganap? Dapat kasama na kayo sa pagtulong doon," katwiran ko. "Oo nga, pero iba naman din kasi ang mga tauhan doon sa dito. Mga kasambahay kaya kami, haha!" saad naman niya. Ngumiti na lang din ako. "Sumama ka! Pagkakataon mo na iyon para makapagturo sa mga bata ng music, o 'di kaya naman ay pagpipinta at pagbuburda! Hindi ba't matagal mo nang gustong gawin iyon?" saad niya. Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Oo nga, sa isip ko. Ano nga bang gusto kong gawin sa buhay? Bagay din lang naman na araw-araw akong nasa bingit ng kamatayan, at hindi alam kung kailan ang mga natitirang panahon na maayos pa ang kalagayan ko. Dapat ay sulitin ko na ito, at gawin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa! Napangiti ako. "Sige, gagawin natin 'yan," saad ko. ———————————————————————— "Huwag kang mag-alala, wala ka pa naman sa listahan ng mga mamamatay," kampanteng saad niya. Heto na naman siya't bigla-biglang nasulpot mula sa kung saan. Tinitigan ko siya. Himalang nakikita ko siya malapit sa lugar kung saan may sinag ng araw. Para kasi siyang bampira dahil sa balat niya at pananamit niya eh. In fairness, nagmukha naman siyang tao kahit pa hindi tugma ang hitsura niya para sa normal lang na tao. Kung nakikita lang siya ng ibang tao ngayon, marami nang nakatitig sa kanya dahil talagang agaw-pansin siya. "Nauunawaan ko kung bakit kanina mo pa ako tinititigan. Maayos ang aking hitsura ngayon," pagmamalaki niya pa. Sumingkit ang mga mata ko pagkat 'di ko inaakala na may pagka-mahangin pala ang isang ito. Hindi na nakabalot ng isang malaki at mahabang coat at hood ang kanyang katawan at mukha, kun'di naka-suit na siya at nakasumbrero. Para siyang bodyguard. "Oh, ano namang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. "May susunduin ka?" tuloy ko. "Tapos na ang schedule ko ngayon," saad niya. Naamuse naman ako sa mga salita niya. "Aba, may pa-english words ka na ah," pang-aasar ko. Pagkatapos ay tumawa ako nang malakas, habang siya ay wala pa ring kahit na anong emosyon. "Kahit na anong wika ay kaya kong maintindihan at bigkasin dahil may kakayahan ang mga katulad ko, para mas mabilis na makipag-usap sa mga taong aming susunduin na," paliwanag naman niya. Natawa pa rin ako dahil ang dami niyang sinabi. Talagang nagpaliwanag pa siya. Ang cute niya eh 'no. Kumunot naman ang noo niya. Pero hindi ko na lang pinansin at tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko. Kasalukuyan kasi akong nag-aayos ng mga kagamitan na gagamitin para sa program na gaganapin para sa mga bata dito mismo sa aming hacienda. Buti na lang din pala ay mag-isa ako rito dahil kung hindi, baka napagkamalan na akong baliw dahil nagsasalita ako mag-isa. "Anong patutunguhan ng iyong mga pinagkakaablahan?" tanong niya. "Ano bang klaseng tanong iyan? Edi syempre para makatulong sa iba," sagot ko habang busy pa rin sa pag-aasikaso ng mga ito. "Anong kapalit ang iyong matatanggap?" tanong pa niya. Napatigil naman ako dahil kanina pa siya tanong nang tanong at sa totoo lang ay nakakacurious kung bakit gan'on. "Walang kapalit ang mga ito. Kasi kapag tumulong ka, dapat bukal sa puso mo at dapat alam mong walang kapalit iyon. Unconditional kumbaga," paliwanag ko sa kanya. Tahimik lang siya, kaya alam ko nang hindi niya nauunawaan ang ipinaliwanag ko. "Alam ko na. Siguro nacucurious ka sa pamumuhay ng mga tao 'no?" kantyaw ko. Tumingin siya sa akin. "Marahil nga'y gan'on," direkta niyang sagot. Hindi ko maiwasan mamangha, dahil dati lang ay wala siyang pakialam sa lahat ng bagay tungkol sa mundo namin, ngayon naman ay ang dami na niyang tanong. Napaisip naman ako kung anong maitutulong ko para na rin ay magkaroon siya ng kaalaman tungkol sa amin. Syempre dahil ako ay naniniwalang ang buhay ng isang tao ay mahalaga at napakaganda, ako ang dapat na nagtuturo sa kanya ng mga ganito. Bagay din lamang na ako lang ang tanging tao na nakakakita sa kanya at nakakausap niya, at siguro ay maituturing ko na rin siyang kaibigan. "Kaibigan? Ano ang kaibigan?" tanong niya. "Kaibigan. 'Yung palagi mong kasama at karamay sa lahat ng pagkakataon—sa pagsubok man o tagumpay! Hindi ka iiwan at huhusgahan, bagkus ay susuportahan at tutulungan kang lumago bilang isang mabuting nilalang," ngiti kong paliwanag sa kanya. "Si Esmeralda, 'yung palagi kong kasama, siya'y kaibigan ko," masaya kong pagpapakilala para kay Esme. "At ako'y itinuturing mong kaibigan?" saad niya. Hindi ko naman napigilang mapangiti at mabilis na tumango. "Oo naman! Kasi palagi kang nasa tabi ko sa tuwing nag-iisa ako, sa tuwing nakakalimot naman ako ay hindi ka nag-aatubiling ipaalala sa akin ang mga bagay na nakalimutan ko, at ilang beses mo na akong nailigtas! Kaya oo, kaibigan kita," masigla kong pahayag. Naramdaman ko ang pagliwanag ng kanyang mukha. Batid kong hindi man niya nauunawaan, isang pakiramdam ang namuo sa kanya. Sigurado akong gumaan ang pakiramdam niya dahil doon. "Kaya kung nacucurious ka at may gusto kang malaman tungkol sa pamumuhay namin, nandito lang ako para sagutin lang ng iyon!" masaya kong saad. "Sa isang kondisyon!" tuloy ko. Napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo. "Ano?" tanong niya. "Gusto ko rin matutunan ang pamumuhay ng isang katulad mo," sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD