14- Bulletproof heart

2875 Words
“You mean… you…” I couldn’t seem to finish my sentences. Hindi ko maintindihan kung paanong parehong alwan at pagkabigo ang sabay kong naramdaman. Comfort for knowing that someone understood my guilt. And disappointment because we both failed him—when we could have done something. Nasa kalagitnaan ako nang pagproseso sa nalaman nang maramdaman ko ang paglapit niya. He was standing a meter apart in front of me as I lift my head, meeting his eyes. Katulad nang hapong nakita ko siyang tumalon sa tulay, basang-basa siya mula ulo hanggang paa. Ang suot niyang bukas na button down pati nang pantalon at pulang sapatos ay tumutulo. Noon ko lang napansin na wala na sa kaniya ang baboy na maskarang dala kanina. After brushing his wet hair back, away from his eyes, his usual quirky smile find its way to twist on his lips. “I think we are both guilty for conspiring on his death. We are, therefore, partner in crime now, aren’t we?” It was a bad joke no matter how I look at it. Pero hindi na ako nagugulat dahil si Quijano ang pinag-uusapan dito. And it might sound funny to me weeks ago, but talking to him wasn’t actually that bad. Or maybe I just feel strange right now and might change my mind later on when I feel better. But… somehow… I honestly feel kinda better after having a little courage to finally admit, and tell all that to someone. Surprising myself in the process for letting myself confide in him. Quijano. The weird kid. Maybe it was because of the rain. Maybe it was because of Toby’s haunting memories. Maybe it was because of my guilt. Maybe it was because of Quijano’s persistence. Maybe because he was crazy and I would go crazy sooner or later if I didn’t tell anyone about it. “Why did you have to soak yourself in the rain before saying all that?” Nalukot ang mukha niya sa kalituhan na para bang hindi niya naintindihan ang tanong ko. “What? Dude, I thought we are conspirators here? It’s the rain we’re talking about!” Sabay muwestra sa malakas at walang awat sa pagbuhos na ulan sa likod niya. He was grinning as he turned his gaze back at me. “I told you! It’s the second thing I was fond of. Remember?” “Huh,” was all I could manage to grunt. He shrugged idly. “You know what they say about water therapy.” “I’m pretty sure this isn’t how that works.” Muli siyang nagkibit-balikat, mas lumalaki ang ngisi. “This is how that works for me though.” What was it about waters? Did it give him comfort the way books did for me? Before I could ask him and before he could have a chance to answer, some unwelcomed guest visited us. Or should I say, caught us red handed. “Care to explain what you two are doing here during class hours?” Mariin at mapang-akusa kaming tinapunan ng tingin ng teacher. At alam ko, na isang salita lang mula sa amin ay handa na siyang isambulat ang lahat ng sermong nasa dulo ng dila niya. I was pretty sure I should be feeling uneasy if not guilty right then but I couldn’t seem to find it in me at the moment. If anything, I felt light, almost silly. And I had no clear idea why. I wondered if it means I’d also become a troublemaker for conspiring with this guy’s mischief. “Uh, we are… enjoying ourselves?” “Ano?” Pagkakurap ay tinapunan ko nang litong tingin ang nasa tabi kong si Quijano. Sa dami ba naman ng pwedeng ipalusot iyan talaga ang unang pumasok sa isip niya? “That came out weird.” Bahagya siyang napangiwi at natawa nang magkatinginan kami. “I mean, we are enjoying ourselves… with the rain.” Sabay sulyap ulit sa akin na animong nanghihingi ng approval o tulong o ano. “With the rain?” I made a mental face palm. That sounded just as weird, you weird boy! I gave him a flat look, wondering if there was anything as ludicrous as him. Because right then, there wasn’t any I could think of. “We didn’t… we… we lost track of time,” was my pathetic attempt for an excuse. At least it didn’t sound weird! “Mostly because of the rain—” Sisikuhin ko na sana si Quijano para lang patahimikin. Ngunit sabay kaming natigilan at halos mapatalon sa gulat nang marinig ang malakas na pagsinghal ng teacher, as if she knew that we were not fooling anyone and we were bound to get doomed. “M-may namatay na ba dahil sa pag-cut ng klase?” takot na bulong ni Quijano sa tabi ko. I heard him gulped loudly. Don’t be an idiot—gusto ko sanang sabihin pabalik. Kung hindi lang nagtindigan ang mga balahibo ko, nang matunghayan ang mabagal na pag-angat ng isang sulok ng labi ng teacher para sa isang ngiti—ngiting alam kong may kalalagyan na kami sa impyerno. Ang malaki, namimilog at animong kumikislap nitong mga mata sa kadiliman ay hindi nakakatulong. Nag-umpisa na rin tuloy akong mapaisip kung gaano ba kabigat ang maaring parusa sa pag-cut ng klase. Doon ko natantong hindi iyon ang kinatatakutan namin ngayon. It was the mere fiend sight of the teacher in front of us! “Follow me to the discipline’s office and let’s see how you both enjoy yourselves, that you forgot your sense of time.” Isang panghuling nakakakilabot na ngisi at tinalikuran na kami ng teacher. Nag-umpisa itong maglakad. Mabigat na napabuntonghininga si Quijano sa relief, ako naman ay nakahinga nang maluwag. Pagkabaling ko sa kaniya’y naabutan kong nakatingin na siya sa akin, bahagya na namang nakangisi na parang hindi natakot kanina lang. Pagkatapos pagpagin ng daliri ang basag buhok ay tumango siya ng isang beses sa akin. “Ako bahala.” Oh? “Talaga?” Though I’m not really sure about that. Sabay kaming naglalakad sa hallway ng building para sa mga room namin pagkatapos sa discipline’s office. “Buti na lang magaling akong makipagnegosasyon!” “Reason out,” pagtatama ko. “Galing mong umarte ro’n ah!” He gave me a sideways look while grinning, ignoring what I said. “Anong acting? Wala naman akong ginawa ro’n kundi maupo.” “Exactly!” Tumawa siya. Sabay buong pagmamalaking sinabing, “You are hurt, sinamahan kita sa infirmary at inabutan tayo ng bell at malakas na ulan!” “Ba’t ‘di mo agad ‘yan naisip nang nahuli tayo ng teacher sa corridor?” halos pasarkastiko kong tugon, para rin sa sarili. “I did say something about the rain though.” Kumurap siya habang hinihimas ang baba, mukhang hindi maka-move on sa pagkakamangha sa sarili. Bumuntonghininga ako matapos siyang mapasadahan ng tingin. Nakasabit na sa isang balikat niya ang hinubad na button down uniform. Pero basa pa rin ang suot niya magmula sa itim na shirt, pants, hanggang sa sapatos. Maging ang magulong buhok ay mamasa-masa pa. “Do you know how much of a mess you look right now?” “Huh?” “Magpalit ka ng damit. For God’s sake, Quijano, at least look normal if you can’t act like one.” Mula sa sabay naming paglakad sa corridor ay natigilan siya, kaya napahinto rin ako sa paghakbang para lang lingunin ang pagkakahuli niya. “Ano?” Tinapunan ko siya nang nagtatakang tingin nang makitang naestatwa siya sa kinatatayuan, animong may natapakang land mine o ano. “You’re not going back to your classroom looking like that, are you?” Naglebel siya ng tingin sa akin at unti-unting nabuhay ang gimbal sa ekspresyon niya. “Ano?” Mas nalilito ko siyang sinipat. Namumutla, matalim siyang suminghap at napasapo ng kung ano sa ere. Ang kamao niya’y nanatiling nakakuyom nang tila huminto siya sa paghinga. Sabay sabing, “Wala akong brief sa locker. Kung magpapalit ako ng damit tapos hindi ako magpapalit ng under—hoy! Rai! Hoy, teka lang! ‘Wag mo ‘kong iwan sa dilemma’ng ‘to! Huy baka nakakalimutan mong magkasabwat na tayo! Hoooy! Arkiiiin!” “Idiot!” I could feel my cheeks burning as I made my way to my homeroom, leaving Quijano behind. That stupid weird boy! Kailangan pa ba talaga niyang sabihin sa ‘kin ‘yon? Who cares if he didn’t have a stupid spare of underpants?! How could he speak so brazenly about it like it was nothing?! Nakabalik na ako’t lahat sa classroom at nakikinig na ng lecture ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari kanina. How I opened up about Toby with that weirdo. How we almost got in trouble. And how… I found his presence bearable somehow that it was actually starting to feel more or less comforting. At pagkatapos nang sinabi niya tungkol sa aksidente ni Toby, I wouldn’t kid myself anymore, I wanted to talk to him more. I wanted to know… more—about what happened that day. And how he could manage to carry on as if we didn’t lose someone. I wasn’t sure if he’s a friend of Toby but I was pretty sure that the latter treated everyone as his friend. Hindi lang marahil sila ganoon kalapit kaya parang wala lang ang nangyari para kay Quijano? At hindi naman sa nanghuhusga pero kung titignan ang lalaking iyon, para bang magaan lang sa kaniya ang mga bagay-bagay sa buhay. Na madali lang para sa kaniya ang lumimot, umusad at tumanggap nang kahit na ano. He wasn’t the moping type, which I was sure of. But what made him so interested about me resenting Toby a while back? “What happened to your knees?” Tila nahugot ako mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang tamad na boses ni Leo sa tabi. Nakapangalumbaba siya sa sariling desk habang nakatuon ang tingin sa teacher naming nagsasalita sa harap. Boredom was written all over his face like usual. Nagtuon rin ako ng tingin sa teacher at saka sumagot, “Some weirdo thought I was one for running.” Makalipas ang dalawang segundo’y naaninag ko ang pagbaling niya ng tingin sa akin. Ilang sandali pa muna iyong nagtagal bago siya nagsalita. His scornful voice was laced with confusion as he said, “What, you’re seriously letting this weird kid drag and bully you around?” Hindi ako sumagot dahil dumaan sa ‘min ang tingin ng teacher. “Kaya ka ba na-late dahil sa kaniya?” Bahagyang lumakas ang boses niya kaya’t wala sa oras akong napalingon sa kaniya pabalik. Kunot ang noo, ang tamad na ekspresyon niya kanina’y napalitan na nang iritasyon. Kumurap lamang ako. What’s his deal? “Perez!” nagbabantang boses iyon ng teacher namin. “Ano ‘yun? Ba’t parang mangangagat ‘yan?” pabulong na usisa ni Jackie na nasa likod ng upuan ko. Kinalabit niya ako nang hindi ako sumagot kaya’t nagkibit-balikat na lamang ako bilang tugon. Nang matapos ang afternoon class ay hindi ako nakaligtas sa mga tanong ni Jackie. “Sa’n ka galing? Bakit ka na-late? Don’t tell me plano mong mag-cut ng klase? Sinong kasama mo? Si Quijano?” May sandali pa itong paghinto para lang tapunan ako nang mapang-obserbang tingin. Seryoso ang boses niya nang sinabing, “Is that boy messing with you? Siya ba ang dahilan kung bakit ka nasugatan?” “He’s just a weird kid,” I observed in my monotone as I put my pen pouch on my bag. Narinig ko ang singhal ni Leo sa tabi. Tumigil ako sandali sa pagsukbit ng bag para lang panoorin ang paglingon niya sa amin. Ang ekspresyon sa mukha niya’y sumasalamin ng sa akin. It was blank but not like his usual bored expression. Hindi ako sigurado pero parang may kung anong emosyon siyang itinatago sa likod noon. “May gusto ka bang sabihin, Leo?” He was looking directly at me then. Umangat ang isang sulok ng labi niya ngunit walang kahit anong bakas nang katatawanan ang nasa mukha. “Good luck getting bullied.” “Ha? You’re getting bullied? Nino?” Mas nangibabaw ang kalituhan kaysa ang pag-aalala kay Jackie, nang magsalit-salit sa akin at sa umalis nang si Leo ang tingin niya. “Oh, my God! Si Quijano ba? Binu-bully ka niya, Rai?! That weird kid?!” Kalmado akong umiling sa halos mataranta nang si Jackie. “Hindi.” “What did he do?! Bukod sa sugat na ‘yan, ano pang ginawa niya sa ‘yo? I thought he’s just weird but turns out he’s dangerous!” “He’s harmless. I told you, he’s just weird.” “Talaga?” Tinapunan niya ako nang dismayadong tingin. Ilang sandali ko siyang ginantihan nang blangkong tingin, at saka ko binitbit ang bag at dire-diretso nang lumabas ng room. “Rai! Wait lang!” “I’m heading to the library,” paalala ko kay Jackie nang sumunod siya sa akin. “Eh! ‘Kala ko pa naman makakapagsabay tayong lumabas,” simangot niya. Habang tinutungo ang library ay sumisiklo na sa isip ko ang mga bagay na gusto kong itanong kay Quijano. Binilisan ko pa ang lakad dahil iniisip kong baka kanina pa siyang naroon. Ngunit pagpasok ko pa lamang sa tahimik na library ay agad akong sinalubong nang paalis nang librarian. Ibinigay niya sa akin ang papel bilang patunay na nakumpleto ko na ang detention—at pwede na akong umuwi matapos ko itong maipasa. I couldn’t help but feel kinda disappointed. Mabagal ang lakad ko palabas ng gate. Nag-uumpisa nang umambon at madilim na kaya’t napagdesisyonan kong dumiretso na sa bus stop. I didn’t usually take the bus because I preferred walking home. I just didn’t have the energy to do that then. Ang haba ng araw ay unti-unti nang nanunuot sa akin. But the heaviness I’d been dragging with me the last few days strangely felt less if not light. Pagkasara ko ng payong nang makarating sa waiting shed ay bumulaga kaagad sa paningin ko si Leo. Pareho kaming nagkagulatan at panandaliang naestatwa nang mamukhaan ang isa’t-isa. Nagtataka kong kinuwestyon ang prente niyang pag-upo roon habang pumapapak ng takoyaki. Ang magkabila niyang pisngi ay parehong busog habang ngumunguya. “Bakit nandito ka pa? You’re taking the bus too?” Because the last time I checked, he said he preferred walking home too dahil athlete siya at cardio training daw niya ‘yon. And speaking of training, bakit parang hindi ko na siya nakikitang nagpa-practice after school? Was it because of the weather? Might be. He sneered. At imbes na sagutin ang tanong ko’y ito ang sinabi niya, “Kailangan mo ba talagang magulat na narito ako at sasakay ako ng bus?” Nag-iwas siya ng tingin bago balewalang nagpatuloy sa pagkain. Okay. Feeling more exhausted, pinili kong maupo na lamang din doon. I watched the grey sky as the rain started pouring on the empty street before us. I was taking in the calming silence coming from the rain when all of a sudden I heard Leo’s voice. “Bakit ang bilis mong natapos sa detention?” “Apparently, it ended yesterday. Binigyan lang ako ng clearance ng librarian ngayon.” “Where’s that weird kid?” “Beats me.” The drops of the rain echoed in the stillness of the retiring day as we both sat in silence for a while. “Is that boy bothering you?” Lumingon lamang ako sa direksyon niya at hindi sumagot. Pinanood ko ang walang emosyon niyang pagtunghay sa ulan. Nakalapat ang likod niya sa haligi ng shed at tamad na nakadantay ang mga braso sa magkahiwalay na mga hita. “Does getting bullied your niche or something?” aniya sabay lingong pabalik sa akin. “Like how bullying is yours?” I sneered back. Nagsalubong ang kilay niya. “Tinatanong kita, hindi mo ba kayang sumagot nang maayos?” “Tingin mo kanino ko natutunan ‘yon?” “You brat!” Halos marinig ko ang pagkakaputol ng pasensya niya nang umamba siya sa ere. Kaya’t nang marinig ko ang pagdating ng bus ay dali-dali akong tumayo at nagtungo roon para matakasan ang pikon. Rinig ko ang malakas at iritable niyang pagsinghal sa bandang likod ko pasunod. Ngunit wala na siyang nagawa kundi ang tapunan ako nang matalim na tingin, nang tuluyan kaming makasakay at makaupo sa bus. Hindi ko namalayan ang sandaling byahe pauwi. Nagbalik lamang ako sa reyalidad nang maramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Pagdilat ay blangkong mukha ni Leo ang natunghayan ko. “Get up, it’s our stop,” aniya at nauna nang bumaba. Sumunod ako sa pagbaba habang nagkukusot ng mata. Hindi ako sigurado kung wala pa rin ba ako sa wisyo o talagang siya ang narinig kong nagsalita, hindi ko nga lang naintindihan kung anong sinabi niya. “Ano?” Huminto siya sa paglakad at nilingon ako sa likod niya. “I said, dad arranged a family dinner this weekend and expecting you three to come over. Tita already agreed by the way. ‘Di pa ba niya nababanggit?” Para akong sinampal nang tuluyang magising dahil sa narinig. “Tito Lenard did what?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD