[Present]
Nagkatinginan kaming apat nang may pare-parehong pagtataka at kuryosidad sa ekspresyon.
Toby wrote a eulogy?
Jackie undid the folds of the paper and the four of us stared at it in silent interest. Tila bumagal ang pagpatak ng oras habang maigi naming pinagmamasdan ang pagbukas nito.
Pero, “What—there’s nothing written on it…”
Sabay-sabay kaming napabuga nang dismayadong buntonghininga sa pagkumpirma ni Jackie sa nakita.
“But it’s here… does it mean may gusto siyang sulatan ng eulogy? Or maybe someone gave it to him?” si Jackie muli.
“We can’t be sure.” Sumulyap si Leo sa akin bago sa taong nasa kabilang panig ko.
“Why else would he keep something like this?” Ilang iling bago itinuping pabalik ni Jackie ang papel at ibinalik sa drawer ng study table.
“Maybe he thought of writing his own eulogy but couldn’t because…” They all stiffened as I trailed off.
“Sariling eulogy para sa libing niya? That sounds like a thing Toby will do. But that also means he knows that he’s dying. Paano niya malalamang mamamatay na siya kung aksidente ang ikinamatay niya?” Ilang sandali kaming nagkatinginan ni Leo.
Buong sandali namang tahimik ang taong iyon at tila may malalim na iniisip nang masulyapan ko.
Inabot na kami ng tanghali sa pagtingin at pag-impake na rin ng mga gamit ni Toby. Looking at his books, clothes, down to his pictures, I couldn’t help but feel saddened. Thinking that we all grew up while he stayed the same eighteen year old boy we all remembered. Tahimik kaming apat sa loob ng kwarto niya at ramdam kong kahit hindi nila sabihin ay iyon din ang nararamdaman nila. Kaya’t hindi namin iyon natapos dahil sa bagal ng kilos namin.
“Kami na dapat ‘yan.” Lumapit ako sa sink habang tinutupi ang manggas ng suot.
“’Di, ako na ‘to, konti lang naman.”
Hindi ko siya pinansin. Ramdam ko ang naiiwang tingin niya sa akin nang sinimulan ko ang pagbabanlaw ng mga nasabunan na niya.
“Ayos ka lang?”
I smiled faintly, ang mga mata ko’y nanatili sa ginagawa. “Oo naman. Nakakalungkot pa rin pero… may mga bagay talagang hindi mo kayang kontrolin, lalo na ‘yung mga nangyari na at hindi na maibabalik.”
Hindi siya nagsalita at napansin kong hindi na rin siya gumagalaw.
Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya’y naabutan ko siyang nakatitig sa akin, ang seryosong mukha ay kababakasan ng kuryosidad. Hindi ko inasahan ang kabang biglang bumangga sa akin.
“Bakit?” Kumurap ako at palihim na lumunok.
Ibinalik niya ang tingin sa ginagawa at tumikhim. “Everyone changed. Figures. ‘Yung apat na taon… ang bilis lang pero ang daming nagbago.”
I nodded in silent agreement. Hindi ko maiwasang punahin ang kaunti niyang pagtangkad ngayong magkatabi kaming nakatayo. His arms and shoulders were firmer too. And though I could still see the remnants of a boy he used to be from his chinky eyes, messy hair and low voice down to his black clothes—it was noticeable how his presence changed a lot. His quirky smile was gone too together with the black piercing on his right ear.
“Sorry nga pala kagabi kung nabigla kita—kayong dalawa. Nakita kita sa bus stop pero bigla kang nawala. Naisip ko nang baka ayaw mo na ‘kong makita ulit kaya ka umalis pero… I had to take my chance and check. That’s why I tried to call your old number. ‘Di ko naman akalaing inisip n’yong namatay ako noon…”
Is that what he meant last night about checking on something?
“Sorry you had to see me like that too. Nagulat lang din talaga ako. ‘Tsaka…” Hindi ko natapos ang sasabihin.
Bahagya siyang natigilan at mukhang hinihintay ang kasunod noon.
I tried to laugh under my breath to lighten the mood then changed the topic. “Kumusta ka na nga pala?”
“Ayos naman. Nag… tuturo ako ngayon.”
Napasulyap ako sa kaniya sa pagkakasurpresa. “Talaga?”
He cracked a silent laugh without looking at me. “Parang ayaw mong maniwala ah?”
A smile crept on my lips, remembering the old days. “Sigurado akong binabawi ngayon ng mga estudyante mo ang kalokohan mo noon.”
“Sinabi mo pa,” iling niya, may bahid ng ngiti sa mukha. “Unang taon ko pa lang pero pakiramdam ko isang dekada nang tinanda ko dahil sa kanila.”
Tumawa kaming pareho kasabay nang paglagaslas ng tubig mula sa gripo. Sandali pa akong natigilan nang masagi ng braso niya ang sa akin. Dumoble ang kaba ko at para bang noon lang tuluyang nagkamalay sa lapit naming dalawa.
I guess I hadn’t gotten over his sudden appearance yet?
Sinulyapan niya ako. “Ikaw? Kumusta na?”
I shrugged and tried to breathe. “I just graduated last month and… actually umuwi ako rito dahil gusto ni Mama na i-celebrate ang graduation namin pati nang pagkakapasa ko sa NMAT.”
Tumigil siya sa ginagawa at nilingon ako. “Talaga? Congrats! Pero… kung may celebration bakit…”
Mabilis akong sumulyap sa kaniya habang umiiling. “Late celebration na rin kaya hindi naman magarbo. Simpleng gathering lang. You can… come too if you want.”
Tumahimik siya sandali at nagtagal pa ang tingin sa akin. Sinusubukan kong huminga pero parang kay hirap.
“Ayos lang bang naro’n ako?” I heard hesitantion in his wary voice.
Hindi ko siya matignan dahil nakapako pa rin sa akin ang mabibigat niyang mga mata.
“Oo naman. We’re… we’re old friends. ‘Di ka naman iba, kaya bakit hindi? Si… si Jackie pupunta rin, inaya ko na kanina.”
Naaninag ko ang mabagal niyang pagtango mula sa gilid ng mga mata ko. Hindi ko sigurado kung halata ba sa itsura ko ang kanina pang pagwawala ng dibdib kaya hindi niya ako magawang bitiwan ng tingin. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan nang maisip na baka nga napapansin niya.
“Okay.” He made a brief pause. “Si… Leo pala… kumusta kayo?”
Sandali pa akong nalito sa tanong niya. “Uh… ayos naman si Leo... he… he got a job on his father’s law firm. Gusto kasi ni tito mag-start siya from the basics. At… on going na rin ‘yung admission niya sa law school. He graduated as magna c*m laude on his pre-law kaya hindi na niya kinailangang mag-take ng Philsat…”
“Oh, that’s… great. As expected—si Leo pa.” He drew out an unsure laugh. Sa wakas ay nagbitiw siya ng tingin. “Parang noon lang… hindi pa rin kayo mapaghiwalay.”
I didn’t know what to say to that so I kept my silence and just nodded. Tinapos namin ang paghuhugas ng mga pinggan nang tahimik. The air was growing more awkward then. Hindi ko lang sigurado kung bakit. Pero kung bibigyan ko ng rason ang sarili, marahil dahil ito sa tagal naming ‘di nagkita.
How would anyone feel being around someone whom they’d long believe died?
“Are you… done checking what you’re here for?” tanong ko para lang mapunan ang katahimikan.
Natitigilan, ilang sandali pa ang lumipas bago siya nakasagot. “Some of it, I guess. There’s some things left I had to… check.”
Dahan-dahan akong tumango at pinigilan ang sariling magtanong pa nang tungkol do’n. I couldn’t help but wonder what it is.
Hanggang sa may tikhim kaming narinig sa ‘di kalayuan. “Tapos na kayo?”
Isang lingon at nakita namin ang blangkong mukha ni Leo. Nakasandal ito sa b****a ng kitchen habang nakahalukipkip, pinagmamasdan kami.
Matapos kong itaob ang huling baso ay nagpunas na ako ng kamay.
“Someone wants to see you.”
“Sino?” anito.
“Reegan. He wanted to go here himself but unfortunately, he still have ongoing summer training.” Tumikhim si Leo. “Pwede naman natin siyang puntahan na lang.”
“At our old high school?” paninigurado ko. Ang alam ko nabanggit sa ‘kin ni Leo ang tungkol do’n isang beses.
Tumango siya bilang tugon sa akin habang nakatingin sa taong kasama namin. “Ayaw niyang maniwala sa ‘kin hangga’t hindi ka niya nakikita.”
Wala akong narinig na sagot nito kaya’t binalingan ko ng tingin. Sumulyap ito sa akin bago nagtuon nang diretsong tingin kay Leo. Blangko na muli ang ekspresyon nito nang marahang tumango.
“Sige... wala namang problema.”
“Guys, are you done? Let’s go?” si Jackie na galing sa taas.
Tahimik kaming apat sa loob ng sasakyan ni Leo. Hanggang sa umalingawngaw ang phone niyang nasa dashboard. Inabot niya iyon sa akin at agad ko namang sinagot ang tawag para sa kaniya.
“Hello, Tito,” bungad ko sa tumawag.
Sumulyap sa akin si Leo habang abala sa pagda-drive. “Put it on loud speak.”
Sinunod ko ang sinabi niya.
“Rai? Hija, congratulations on passing your NMAT! Sabay ba kayong umuwi ni Leo kahapon?” anang nasa kabilang linya.
I smiled. “Thanks, Tito. Uh, hindi po. Nauna akong umuwi sa kaniya kahapon.”
“Oh. May celebration tomorrow, right? Sayang at nasa out of town ako ngayon at hindi pa makakauwi. But we can celebrate anytime when I get back.”
“Of course, Tito. Ingat po kayo riyan.”
“Alright. Anyway, where’s Leo?”
“Hey, Dad. I’m here. What is it?” Nang bahagya kong inilapit kay Leo ang phone ay napansin ko ang kuryosong tingin sa amin ng dalawang nasa backseat.
“I heard you took a leave? Bakit indefinite?”
“I just have some personal business to do, Dad.”
“At kasama mo si Rai?”
Sumulyap pa muna sa akin si Leo bago sumagot. “Yes.”
“Okay, then. Don’t drag her if you’re fooling around. Tulungan mo na lang siyang mag-ayos ng documents niya for med school.”
I chuckled when Leo shook his head in a scowl. “I’m not dragging her into anything stupid.”
“Oh? I’m just saying.” Tito Lenard laughed heartily on the other line.
“Tito, we’ll be fine. We’re not teenagers anymore. Kinalimutan na ni Leo ang mga kalokohan niya noon.”
Sinamaan agad ako ng tingin ng ungas kahit kita ang pigil niyang ngiti. “You heard her.”
“Alright, alright. Just don’t forget to update your mom about this.”
“We’ll do that po.”
“Take care, you two.”
“Kayo rin po, Tito.” Agad binalot nang katahimikan ang sasakyan nang natapos ang tawag.
Leo cleared his throat. Ramdam ko naman ang kanina pang kuryosong tingin sa amin ng dalawa sa backseat. Parang naririnig ko na ang mga tanong nila kahit hindi pa man nila iyon nasasabi. At bago pa man tuluyang may makapagtanong na isa sa kanila ay pinutol ko na ang katahimikan.
“We’re here.”
Matapos mag-park ni Leo ay sabay-sabay kaming lumabas ng sasakyan at tumunghay sa dati naming school. Ang lumang gate nito’y hindi nagbago, kabaligtaran ng mga bagong pintang mural sa matataas nitong haligi.
“Wow. Has it been four years already? Grabe ang bilis, parang kahapon lang ang dami ko pang drama sa buhay.” Ngumiti sa akin si Jackie nang sinulyapan ko.
“Ang bilis ng panahon.” I smiled back at her.
“Inakala rin ba ni Reegan na… namatay ako noon?” Napalingon kaming tatlo rito.
“Buong batch natin, pati nang ibang lower batches,” si Leo ang sumagot. “I bet some of our former teachers believed that too.”
Marahan itong tumango sa narinig. “It’s still weird. Hindi ba magugulat ang mga taong nakakakilala sa ‘kin noon kung makita nila ako ngayon?” Sabay ngiwi sa blangkong ekspresyon. “Maybe I shouldn’t be here—”
“Nandito na tayo. At hinihintay ka ni Reegan. Let’s go.” Bago pa man ito makaapila ay inakbayan na ito ni Leo at tinangay sa paglakad papasok. Mas matangkad pa rin nang kaunti ang huli rito, kaya’t wala na itong nagawa kundi ang magpatianod sa kabila ng pag-aalinlangan.
Natatawa, sumunod kami ni Jackie sa dalawa.
Tumambad sa amin ang pamilyar na mga gusaling araw-araw namin noong nakikita sa pagpasok, apat na taon na ang nakalilipas. And though there are changes in some areas, it’s still the same premise we all remembered.
Ang kakaibang pamilyar na pakiramdam sa isang lugar na kabisado at madalas kong nakikita’y tila panaginip na ngayon. It felt nostalgic that I can’t help feeling like my seventeen year old self again. Inatake ako ng mga lumang araw at alaala ng mga lumipas na panahon. Lahat nang magaganda at pangit. Mga hindi malilimutan… maging ang mga pilit na ibinaon sa limot, lahat ay nagbabalik.
“Bakit parang gumanda after nating umalis?” natatawang ani Jackie matapos naming madaanan ang bagong tayong building sa tabi ng gym. “Wait, saan nga pala si Reegan? You said he’s here and having his training, right? Training for what exactly?”
“Speaking of the devil.” Sabay-sabay kaming napalingon sa itinuro ni Leo.
Mula sa track field ay may naaninag kaming mabilis na tumatakbo patungo sa direksyon nang kinatatayuan namin. It was a bulky and tall figure wearing a black tracksuit. Nang ilang metro na lang ang layo nito sa amin ay bigla itong tumigil.
“Reegan!” Nakangiting kumaway si Jackie rito.
Hinihingal, mabagal itong naglakad palapit. Matapos kaming pasadahan isa-isa ng tingin ay napako ang mga mata niya sa isa sa amin. Ang gulat sa ekspresyon niya’y walang paglagyan hanggang sa tuluyan siyang makalapit.
“Clint? Pare… ikaw ba talaga ‘yan?” aniya sa namimilog na mga mata at awang na mga labi.
Halos walang reaksyon, alanganin itong ngumisi at marahang tumango bilang kumpirmasyon. “May iba ka bang kakilalang may ganitong hulma ng mukha, pre?”
Three seconds of deafening silence later, Reegan tackled him in a tight hug.
“Tangina, pare hindi ko maintindihan kung paano pero… masaya ako na buhay ka at nandito ka.” He uttered more curses under his breath, almost disbelieving.
Naghintay kami sandali sa bleachers habang tinatapos ni Reegan ang pagti-train niya. We told him what we suspected the occurrence to be when he came back minutes later. Tulad namin ay hindi rin siya makapaniwala ngunit wala na ring naisip na maari pang maging ibang dahilan nito.
“Nagpatuloy ako sa paglalaro hanggang college,” si Reegan.
“Yeah! I saw the news that your team competed at the nationals. Two years ago ba ‘yon?” singit ni Jackie.
Reegan nodded firmly. “Yep. For football. But unfortunately, we didn’t win.”
“You’re still doing what you’re passionate about—that’s more important.” ani Leo.
Ngumisi si Reegan dito at muling tumango. “Teaching what you love to others who loves it the same way is euphoric. ‘Pag nakikita ko ang mga batang tini-train ko, palaging bumabalik sa ‘kin ‘yung dati. Nakakatuwa. Ang dami sa kanilang nakikitaan ko ng potensyal—at gusto kong maging parte nang pag-unlad nila bilang mga athlete.” He paused for a grin. “Inimbitahan lang akong mag-train pansamantala this summer pero parang tingin ko, itutuloy-tuloy ko na.”
Pare-pareho kaming tumunghay sa ilang estudyanteng athlete na nasa track field at oval, lahat kami’y may ngiting nakapinta sa mga mukha. Remembering the old days felt almost surreal now. It might all be distant memories but it always held a special spot close in our hearts. Mga alaalang habang buhay na mamamalagi sa bawat pandama, gaano man katagal at kalayo ang takbuhin ng panahon.
“Saan ka pala ngayon, pre?”
“Ah. Nagtuturo ako.”
“Really? Anong tinuturo mo?” si Jackie.
“Art classes. Part timer ako ngayon sa isang university.”
“Wow. I saw your works back in high school. Ayaw mong magtayo ng art gallery? I’m sure marami ka nang mas magagandang works ngayon.”
Tanging kibit-balikat lamang ang isinukli nitong sagot. “Ikaw, saan ka ngayon?”
“I’m working at a bank—kakatapos lang ng training. Medyo nakakahiya nga ‘yung pag-advance ko ng rest day kasi kaka-start ko pa lang. Buti pinayagan ako ng supervisor ko.”
Nagtagal ang tingin ko sa kaniya habang kausap si Jackie at sandali ring napaisip. Kung tama ang pagkakaalala ko noon, marami ang kumikilala sa mga gawa niya. Some universities offered him scholarships too. Kaya kung ipinagpatuloy niya ang pag-pursue sa art hanggang ngayon, more or less he might be a well-known artist. At paniguradong marami ang magiging interesado kung magtatayo siya ng art gallery. Or maybe he likes teaching more than that? Tulad ng sinabi ni Reegan kanina?
Lumingon siya sa akin nang mapansin ang kanina ko pang pagtingin. I just gave him a faint smile and withdrew my gaze.
“Did you invite him for tomorrow?” tahimik na tanong ni Leo nang nasa sasakyan na kami pauwi.
Nanatili akong nakatingin sa bawat poste ng ilaw na nadaraanan namin nang sumagot ako. “Yeah…”
“You okay?”
Pinalipas ko ang ilang sandali ng katahimikan bago ako muling nagsalita. “I can’t believe this is all happening… there’s still a part of me saying that I’m probably going crazy.”
“It is kinda crazy.” He chuckled under his breath. “Who would have thought that someone you thought died years ago will come back?”
A small smile made its way to curve on my lips. I was then reminded of the past years after the incident. After I thought I lost someone I cared about for the third time. And all those times, he was beside me. I didn’t know what I’d do without him.
“Leo…”
“Hmn?”
“Thank you.”
Hindi siya sumagot. Nang nilingon ko siya’y naabutan ko ang bahagya niyang pagkakagulat, na mabilis nahilamusan ng isang ngiting sumilay sa mga labi.
“You’re thanking me for what exactly?”
I smiled while still looking at him. “I’m thanking you for everything.”
Wala sa oras siyang napasulyap sa akin at mukhang kung hindi kami mababangga’y talagang itutuon niya sa akin ang tingin.
Chuckling, I watched how his every expression change.
“Okay? And you think a thank you will do? You’re only thanking me now after all these years.” He made a forged disappointed sigh. “Tapos thank you lang? Ano ka, sinusuwerte?”
“Ungas. Ano bang gusto mo?” pabirong iritable kong tanong.
“Hmn… I saw this steering wheel Bluetooth speakerphone online and it looks rad!”
“That sounds expensive!” apila ko agad, natatawa. I don’t have a work yet!
Tuluyan siyang natawa. “It is expensive. And I’m just kidding.”
“Ano ngang gusto mo?”
Tumahimik siya ulit, ang bahid ng pagtawa ay naiwan pa sa mukha. Sa mababa at mahinang boses ay sinabi niya ito, “Never mind.”
Kumunot ang noo ko sa narinig. “Ano nga? Basta ‘wag masyadong mahal.”
Shaking his head as a laugh escaped in between his lips, he said, “Nah. Don’t bother.”
“Ano ba ‘yon?”
Mabigat siyang bumuntonghininga at muling umiling. “I’m saying you don’t have to give me anything back, you brat.”