Madilim ang aura ni Leo buong morning class. Walang ni isang kaklase namin ang humamak na pag-usapan ang nangyari kanina sa hallway. Kung mayroon man ay doon sa hindi maririnig ni Leo.
“Totoo pa lang nag-quit si Leo sa soccer?” si Jackie nang dumating ang lunch break. “Bakit kaya? Nagkaproblema ba sila ng mga teammates niya? Tapos muntik pa silang magsuntukan ng bagong team captain kanina.”
Tumanaw sandali si Jackie sa malayo, tipong may malalim na iniisip. Until she grimaced all of a sudden. Isang iling at muli siyang bumalik sa pagkain. Tahimik naman akong nagpatuloy sa ginagawa ring pagkain nang maalala ang mga sinabi ni Leo sa bleachers.
“I also heard that he got dumped.”
Nakuha ni Jackie ang buong atensyon ko dahil sa sinabi. Leo had his fair share of girlfriends since junior high. Pero hindi ko yata kilala ang ngayon?
“Galing sa mga kaibigan nung ex niya ang usapan na dahil sa pagku-quit ni Leo ng soccer kaya siya hiniwalayan.”
Kumunot ang noo ko at hindi na napigilang mapatanong, “Anong kinalaman no’n sa relasyon nila?”
“Well, rumors has it that she only dated him because he’s the soccer team captain. Trophy, pang-display, gano’n.” Sabay dismayadong iling habang bumubuntonghininga. “Alam mo, bwisit si Leo pero nakakainis lang malaman na gano’n kung totoo man!”
Parang hindi ako makapaniwalang d-in-ate nga ni Leo ang gano’ng klase ng babae. As far as I know, he didn’t like loud, conspicuous and show-off girls. Kaya bakit?
I don’t want to prejudice the girl just because of a rumor, pero…
Ibinuntonghininga ko na lamang ang naramdaman. Si Jackie naman ay iritableng nagpatuloy sa pagkain habang bumubulong-bulong pa ng mga kumento.
Wala rito si Leo sa cafeteria. Did he ate his lunch somewhere? Hindi naman nagbabaon ‘yon?
His presence screamed danger the whole afternoon class too. He looked so pissed, no one dared to even go near him. Parang kung pwede lang ay hindi na rin sila hihinga sa parehong hangin.
Nang mag-uwian ay sinubukan ko siyang kausapin.
“Leo.”
Bahagya pang nagtago sa likod ko si Jackie pagkalingon sa amin ni Leo. His expression was grim, he didn’t even say anything and just stared at me.
I drew out a resigned breath. Tinanggap ko na lang na ayaw niya talagang pag-usapan pa ang anumang tungkol sa soccer. I won’t ask about his ex as well, at baka pati pagtingin ay hindi na rin niya gawin sa akin.
“Sabay na tayo.”
Rinig ko ang pagsinghap ni Jackie dahil sa sinabi ko. Nanatili siyang nakatago sa likod ko na para bang inaantay niyang umangil si Leo, umatake o ano.
Still without saying a word, Leo started pacing out of our classroom. Medyo mabagal ang lakad niya kaysa sa normal kaya’t alam kong pumayag siya sa pagsabay naming umuwi. Naroon nga lang kami naglalakad pasunod sa likod niya ni Jackie.
“Alam mo, may itsura naman sana ‘yang nincompoop na ‘yan kaso nakakatakot talagang tumingin. Ilan na ba ang nagulpi niya?” bulong-bulong ng huli habang pinanonood namin ang balewalang paglalakad ni Leo sa harap.
Muntik na akong matawa. “Mukha lang barumbado pero hindi naman ‘yan bayolente. He’s actually a chill guy.”
“Chill? Paano? Tignan mo nga, nananarak ang tingin!”
Napailing na lang ako sa pagiging sceptic ni Jackie. Ganoon naman ang karamihang tingin kay Leo ng mga tao kaya nasanay na rin ako. And if anything, he never seemed violent to me. Sulky maybe. And bully.
Matapos naming hintayin sandali ang sundo ni Jackie ay sumakay na kami ng bus ni Leo. He was silent the whole ride home too. Hindi ko na lang rin pinilit na kausapin. Maybe he needed a companion more than someone he can talk to right now. I can respect that. There’s just things that’s hard to talk about. But knowing that someone was there could somehow make it feel better. I hope he feels better. Somehow. I don’t want him to think that I was shutting him out again like I did before.
Dumating ang sabado. Alas dos pa lang at alas tres pa ang usapan naming magkita sa sementeryo. Inagahan ko dahil gusto kong magbasa muna roon nang wala pa sila para tahimik.
Dumaan ako sa convenience store na malapit sa block namin para bumili ng bottled water. Nang magbabayad na ako sa counter ay sandali pang natigilan nang may makasabay.
“O? Rai!”
Pagkalingon ay namukhaan ko kaagad si Reegan.
“Mauna ka na,” kaswal niyang sabi at saka tumabi nang bahagya.
“Thanks.” Sumulyap ako sa kaniya. Napansin kong simpleng shirt at running shorts lang ang suot niya. “Malapit ang block n’yo rito?”
“Ah hindi. Nag-jog ako. ‘Di ko napansing dito ako napunta out of habit. Dito kasi kami madalas umikot ni Leo tuwing…” he trailed off.
Tumango na lang ako. Nang natapos ako sa counter ay nagpaalam na ako sa kaniya bago lumabas doon. Patawid na ako sa main road ngunit natigilan nang nag-red light na para sa pedestrians. Ilang maingay na busina ang umalingawngaw sunod ang isang sigaw matapos.
Bahagyang namilog ang mga mata ko sa pagkakagulat. Pagkabaling muli sa kalsada ay naabutan ko ang isang matandang napasalampak sa gitna niyon. Ang mga dala nitong prutas at gulay ay sumambulat sa daan. Nag-umpisa itong pulutin ang mga iyon sa kabila nang maingay na busina ng mga sasakyang naantala sa pag-andar. Ang iba roon ay sinisigawan na ang matanda na tumabi at iwan na ang mga natapong pinamili.
Humakbang akong palapit sa matanda sa kabila ng pag-aalinlangan. Red light pa rin kasi. Napangalahati ko na ang distansya ko sa matanda nang may kung sinong tumakbo patungo roon. Mabilis at walang pag-aalinlangang tinulungang tumayo nito ang matanda. Sandali pang nagtalo ang dalawa dahil ayaw umalis ng matanda at iwan ang mga pinamili niya.
Tuluyan akong lumapit at sinimulan nang pulutin ang mga prutas at gulay na hindi nasira ng mga sasakyan. Ginawa ko iyon sa pinakamabilis na kaya ko.
“Wala nang lalagyan, nasira ‘yung plastic,” ani Reegan sabay walang anu-ano’y hinubad ang suot na t-shirt. Naiwan ang puti niyang sando.
Nagugulat akong natigilan sandali sa pagpulot dahil sa ginawa niya. Mabilis naman niyang tinali ang isang dulo ng shirt at inumpisahang ilagay doon ang mga pinupulot.
“Ako na ‘to, tulungan mo na lang si lola.” Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko nang dali-dali niyang kinuha mula sa akin ang mga napulot ko.
“Okay,” mabagal kong tango bago tumayo at nagtungo kay lola. Inalalayan ko ito patungo sa upuang nasa labas ng convenience store.
Awang-awa ako sa matanda nang makitang mangiyak-ngiyak ito hindi dahil sa tinamong sugat kundi dahil sa ilang nasagasaang pinamili niya. Naghanap ako ng panyo sa dalang bag at marahang itinali iyon sa sugat ni lola sa binti.
Lumapit si Reegan bitbit ang t-shirt niya na ngayo’y puno na ng prutas at gulay. Inilapag niya ito sa lamesang nasa pagitan namin ni lola.
“La, okay lang po kayo? Wala po ba kayong apo o anak na pwedeng isama sa tuwing mamamalengke?” aniya, kunot-noo habang nakatukod ang magkabilang palad sa lamesa.
Umiling ang matanda at marahang sinabing, “Ayos lang ako, anak. Salamat sa inyo ha.”
“Pauwi na po ba kayo?”
“Ay oo sana.”
“Saan po ba ang inyo? Hatid na po namin kayo.” Sabay baling sa ‘kin, “May lakad ka ba? Tulungan mo muna ‘kong ihatid si lola.”
“Huh?” Namilog ang mga mata ko sa bilis ng mga desisyon niya.
Bago pa man ako makasagot ay tumalungko na si Reegan sa tapat ng matanda. “Pasan ka na sa ‘kin, La. Baka ‘di ka makalakad nang maayos sa sugat mo.”
“Nako, anak hindi na. Maglalakad na lang ako, malapit na lang iyon!”
“Pasan na po kayo para makauwi kayo nang mas mabilis, La. Sige na po, ayos lang.”
Nag-aalangan ma’y pumayag na rin ang matanda.
“Sunod ka na lang sa ‘min,” ani Reegan sa akin pagkatango sa direksyon ng t-shirt niyang puno ng prutas at gulay.
“Um…” Hindi na ako nakapagsalita ni nakaangal nang nag-umpisa siyang maglakad paalis, pasan si lola.
“Ree…” I trailed off.
Bumuntonghininga ako at binitiwan ang hawak na bote para bitbitin iyon bilang pagsuko. Sumunod ako sa dalawa. Naisip kong maaga pa naman kaya ayos lang. Hindi na nga lang ako makakapagbasa bago sila dumating.
Tatlong street ang layo ng bahay ni lola mula roon. Buong oras ng paglalakad namin ay nagkukwentuhan ang dalawa. Madalas na si Reegan ang nagtatanong sa matanda. Parang narinig ko pang nagpresinta siyang tumulong sa susunod na mamamalengke ito. Ako nama’y tahimik lang na sumusunod at nakikinig sa usapan nila sa tabi.
Nang makarating kami sa bahay ni lola ay animong apo na niya si Reegan. Pareho kaming humahangos nang inabutan niya kaming pareho ng Popsicle bilang pasasalamat. Tinanggap namin iyon habang nagpapahinga sandali sa garden niya.
Humupa na ang hingal ko nang sa wakas ay muling nagsalita si Reegan.
“Alam mo bukod sa ‘di ko matanggap na nag-quit siya, ‘di ko lang rin maintindihan kung bakit pati pagkakaibigan namin kailangang putulin niya.”
Pinaglalaruan niya sa pagitan ng mga ngipin ang stick nang ubos nang popsicle nang nilingon ko. Ang tanaw niya’y nasa malayo habang tamad na nakasandal sa bakal na upuan. Sa harap namin ay ang iba’t-ibang halaman sa garden ni lola.
“Madalas kaming mag-away simula pagkabata. Bukod sa pareho naming gustong maging team captain ng soccer, ‘di rin ako makapagtimpi sa paraan niya ng pananalita. Ilang beses ko na ngang inayang magsuntukan ‘yan dati no’ng elem eh.”
“Pinatulan ka?”
Natawa siya. “Hindi nga eh. Kahit sinapak ko, hindi pa rin pumatol. Ang dami ko nang inasar mapikon lang siya pero…” May kasamang buntonghininga ang iling niya. “Wala. ’Pag ayaw niya, ayaw niya talaga. Madisiplinang tao at may isang salita si Leo. Iritang-irita ‘ko sa kaniya noon pero nang makita ko kung gaano siya ka-dedicated sa soccer, parang nasuntok na rin niya akong pabalik, mas malakas pa.”
I nodded in agreement. “I know how much he loves soccer. Kaya nagulat rin ako nang malaman kong nag-quit siya nang gano’n na lang.”
“Sa totoo lang gusto ko siyang sapakin ulit ngayon. Baka na-miss lang niya ‘yung sapak ko noon.” Humalakhak siya nang sinalubong ang matalim kong tingin. “Biro lang.”
“Magkikita kami mamaya, gusto mo bang sumama para makausap mo siya nang maayos?”
“Baka masapak ako nang tuluyan no’n. May date yata kayo eh.”
Kumunot ng bahagya ang noo ko sa na rinig. “I’ve known Leo almost all my life. Don’t be absurd. Hindi kami gano’n. Dadalaw kami sa puntod ni Toby kasama ng iba. Hindi lang kami.” Ang dami ko nang sinabi.
Natatawa siyang tumango. Nagtagal pa ang tingin niya sa akin na animong may inoobserbahang kung ano sa mukha ko. “Ikaw lang kasi ang nakikita kong nilalapitang babae ni Leo. ‘Yung mga naging girlfriend no’n kung ‘di nag-confess sa kaniya, sa chat naman niya dinidiskartehan. ‘Di ka ba pinopormahan? Chat?”
Muntik na akong nasamid ng sariling laway. “Ang chismoso mo.”
Tuluyan na siyang natawa. Nang tinapunan ko nang masamang tingin ay nagtaas lang ng magkabilang palad sa ere bilang pagsuko. Akala ko tapos na siya, may pahabol pa pala, “Pa’no kung manligaw? May pag-asa ba?”
“Mga anak, itong bananaque o. Mag merienda muna kayo,” si lola bago pa man ako tuluyang mapangiwi sa mga pinagsasabi ni Reegan.
“Thank you, La!”
Nag-umpisa muli sa pagkukwentuhan ang dalawa habang kumakain kami. Mabuti na rin dahil tinantanan na ako ni Reegan sa mga tanong niya. Lagpas alas tres na nang makaalis kami roon. Nalibang ako sa kwentuhan ng dalawa at ‘di na napansin ang oras. Hindi na ako mapalagay dahil late na ako sa usapan namin. Alas tres lang ‘yon!
“Sa sementeryo ka diretso? Hatid na kita.”
Napalingon ako sa kaniya. “Kakausapin mo si Leo?”
Nagkibit-balikat siya. “We’ll see. Tara.”
Hindi ko inasahan ang bilis ng paglalakad niya. Kanina’y madali lang akong nakakasabay dahil pasan niya si lola. Ngayong normal na lakad niya’y para ko nang takbo!
“T-teka!”
“Bakit? Pagod ka na? Bakit ka hinihingal nakakaisang block pa lang tayo?” Tinapunan niya ako ng inosenteng tingin habang pinanonood ang paghangos ko.
“Ang bilis mong maglakad!”
“Ha? Mabilis ba ‘yon?” kurap niya.
“Sandali lang.” Hinabol ko ang hininga ko.
“Pagod ka na? Seryoso ka?” kaswal niyang sabi, walang halong pang-aasar.
“Magpatuloy ka na lang sa ginagawa mo. Kaya ko nang magpunta ro’n mag-isa,” sabi ko nang maalalang nabanggit niyang nagjo-jog siya kanina.
“Gusto mo pasan kita?” inosente niyang tanong.
Mabilis akong umiling at bahagya nang natawa. “Hindi, hindi. Pahinga lang ako konti.”
“Sigurado ka?”
Tumango ako agad. “Oo. Baka sumakay na lang ako ng tric.”
I appreciate his innocent concern. Kilala ko na siya magmula pagkabata pero hindi kami gano’n kalapit. Pero tingin ko normal na sa kaniya ang pagtulong. Like it became a part of his senses. Ang weird lang nang dating sa akin dahil ang awkward ng pasan.
“Ipagpara na kita,” kaswal niyang sabi sabay ngiti.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango at tanggapin ang pagmamagandang-loob niya.
“Bakit nga pala kayo dadalaw sa puntod ni Toby? May okasyon?”
Umiling ako at bahagyang yumuko. “Wala naman. Gusto lang namin siyang bisitahin.”
He nodded slowly.
“Sayang… Isang taon na lang sana graduate na siya kasama natin,” he said it with a faint smile. “Parang ang hirap pa ring paniwalaang wala na talaga siya. Sobrang bait ng taong ‘yon kahit parang siraulo minsan sa mga pinagsasabi.”
Humigpit ang hawak ko sa strap ng dalang maliit na satchel bag. I thought talking about him with anyone would be easier now. Hindi pa rin pala. There’s still an ache whenever I heard his name or hear something about him, no matter how trivial.
And out of all the versions of him from everyone’s memories, Parang gusto kong ipangalandakan sa mundo ang bersyon niyang nakilala ko, ang bersyon niya sa mga alaala ko. I wanted everyone to meet the version of him in me. At pakiramdam ko’y hindi ako matatapos dahil walang sapat na oras para masabi ang lahat ng iyon.
Mabigat siyang bumuntonghininga. Chuckling then, he shook his head lightly as if remembering something silly. “Bigla-bigla na lang ‘yong nagpupunta sa ‘min noon. Laging may baong sandwich, ‘kala mo may pupuntahang picnic! Makikinood lang naman sa practice namin.”
Toby and his fetish with sandwiches.
Natagpuan ko ang sariling napapangiti nang ma-imagine ang batang si Toby dala-dala ang mga paborito niyang sandwich. Parang may kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso ko. Knowing these impressions he had with some people. Na kahit wala na siya’y parang mas nakikilala ko pa rin siya. And the more I get to know him, the more it hurts to know I won’t be able to see him again. But maybe I needed this pain to somehow remind me that I can still feel. And that, it’s okay. If not, then it will be.
May narinig akong bell na kumulingling sa malapit. Paparahin pa lamang sana ni Reegan ang natanaw na tricycle nang may humintong bike sa gilid ng sidewalk, sa harap namin.
“Kumusta ang buhay sa lupa mga mortal?” Nakangising mukha ni Quijano habang namamapak ng icepop ang bumungad sa amin sakay nito.
“O? Clint!” ngumising pabalik si Reegan dito.
“Papunta ka nang sementeryo? Angkas ka na,” aniya pagkalingon sa ‘kin.
Sumulyap ako sa bike niya at nakitang may upuan iyon sa likod. Tumingin ako sa relo at nakitang huli na talaga kami. Paniguradong naro’n na si Jackie at Leo.
Tumango ako at lumapit na roon.
“Kasama kang dadalaw kay Toby?” si Reegan.
“Oo, pre. Gusto mong sumama?”
“Kasya ba tayong tatlo sa bike mo?” seryoso nitong tanong.
Pareho kaming natigilan ni Quijano at napabaling sa kaniya.
“Biro lang.” He chuckled.
“Pwede naman. Dito ka sa basket. Tapos bahala na kung pa’no tayo makakarating do’n ng buhay.” Bumungisngis si Quijano.
Tuluyan na akong nakaupo sa angkasan ng bike sa likod nang nilingon ko ito. “Sigurado kang ayaw mong sumama, Reegan?”
He nodded then smiled curtly. “Thank you nga pala sa pagtulong kanina kay lola. Ingat kayo. Pakisabi na lang kay Leo ‘di pa ‘ko tapos sa kaniya. Magtutuos pa kaming dalawa.”
Napailing na lang ako sa huling sinabi niya.
“Pa’no, pre, una na kami,” si Quijano bago sinimulang paandarin ulit ang bike. Nagtanguan ang dalawa.
Napahawak ako sa laylayan ng shirt niya para hindi ako malaglag. Gamit ang isang kamay sa handlebar at ang isa pa sa hawak na icepop, walang hirap siyang nagpedal.
Sinalubong ako ng pang-hapong hangin matapos kong bahagyang mag-angat ng tingin. Mataas pa ang araw dahil pasado alas tres pa lang, ngunit hindi ito ramdam dahil sa lilim ng mga puno sa gilid ng kalsada.
Hindi ako palalabas ng bahay magmula pagkabata dahil mas nag-e-enjoy ako sa mga indoors activity kaysa sa outdoor. Come to think of it, I’ve always thought being outside in this time of day was a drag because of the glaring sun. I didn’t know the afternoon air felt this nice.
“Nagpunta kayo sa lola ni Reegan? Anong ginawa n’yo ro’n?” si Quijano.
“It’s not his Lola—and it’s kind of a long story.”
“Sasama yata talaga siya kanina kung ‘di ako dumating. Bad timing?” He chuckled.
“Na-late ka rin? May dinaanan ka?” puna ko.
“Yep.”
“Malapit lang ba ang inyo rito?”
“Hmn. Three blocks?”
It’s not that far from ours. Ang alam ko three blocks lang din ang layo ng kina Toby sa amin.
“Saan kayo dati ng family mo bago kayo lumipat dito?” tanong ko nang natantong wala akong kahit anong alam tungkol sa personal niyang buhay. But now that we’re friends, maybe it’s okay to ask him?
He chuckled again. “Ano ‘to, curious ka na sa ‘kin?”
Bahagya akong ngumuso at hindi sumagot. Masyado yatang personal ang tanong ko.
“How did you and Toby become friends?”
Sandali pa siyang natahimik bago ako sinagot, “We’re not on his grave yet.”
Why do I have a feeling that he didn’t want to talk about himself? Ang dami niyang kalokohang sinasabi at ginagawa, pero bakit parang ayaw niyang ipakita kung sino talaga siya?
I realized then that we never really talked. Oo at nakinig siya sa mga hinanaing ko pero hindi niya sinabi ang kaniya. Wala siyang sinabi tungkol sa mga nararamdaman niya.
Tahimik ang sementeryo katulad ng mga normal na araw nang makarating kami roon. The only unusual thing is that, Leo and Jackie wasn’t there yet. Nakalimutan ba nila?
Hinugot ko ang phone mula sa bag habang si Quijano ay itinatabi ang bike sa isang gilid. I saw two new messages.
Jackie:
Rai sorry umalis na ko. Nakakairita si Leo! Nagkasagutan kami. Tinanong ko lang siya kung bakit siya nag-quit sa soccer. Nagalit! Syempre nagalit din ako dahil sa mga pinagsasabi niya. Huhu sorry Rai. Bawi ako next week :’(
Leo:
I can’t make it today
Ilang sandali pa akong natulala at napakurap sa mga nabasa. They mean to say… kami lang ni Quijano ngayon?
“Wala pa sila o jumebs saglit?”
Bumaling ako sa kaniya na ngayo’y nakaupo na sa damuhan, sa tapat ng puntod ni Toby.
Ibinalik ko ang phone sa bag bago nagbuntonghininga at tumulong sa paglinis niya ng puntod. Naupo ako sa damuhan katapat niya. Inalis ko rin ang ilang ligaw na tuyong dahon doon.
“They left.”
Natigilan siya sa ginagawa at napalingon sa akin. Lumingon ako sa kaniyang pabalik at sinalubong ang mga mata niya. Mula sa gulat ay mabilis iyong napalitan ng pagtataka.
“Seryoso? Bakit?”
I shrugged. “They had a row.”
Ilang sandali kaming nagpalitan ng tingin. Hanggang sa unti-unti siyang ngumisi at marahang tumango.
“I guess it’s just us, then.”
I nodded slowly too. “Just us… and Toby.”