Maaga akong nagising dahil hinanda ko na ang mga gamit ni Ingrid. May ibinigay sa akin na folder ang secretary ni Mayor. Naglalaman daw iyon mga dokumento ni Ingrid para sa pagpasok niya. Ngayon ay kailangan na lang niyang pumasok sa kanyang eskwela. Kaso… “Ingrid. Gumising ka na,” tawag ko sa kanya. Nakahiga pa rin si Ingrid sa kama at nakabalot pa ng kumot ang katawan. Alas otso ang pasok niya ngunit maga-alas syete na ay hindi pa rin siya bumabangon kahit kanina ko pa siya tinatawag. “Lalamig na ang kape mo. May pasok ka pa.” Tinapik ko ang balikat niya. Agad namang umungol ang dalaga at tinanggal ang pagkakatakip ng katawan. “What?” inis na tanong niya. Tinanggal niya ang nakatakip sa kanyang mga mata at naupo. “May pasok ka pa.” Iniikot ni Ingrid ang kanyang mga mata. “Last tim

