Chapter 16 : Promise

2084 Words
Gusto ni Seb ay ihatid na niya ako kaagad sa bahay ni Carmichael nang matapos kaming kumain, sabi niya kasi ay babalik na siya ng hospital. Pero sumama ako sa kaniya. Gusto kong pumunta sa work place niya at gusto ko siyang makitang magtrabaho. And Seb, he did not disappoint. Pang-masa talaga siyang tao. He's a total extrovert. A social butterfly! Kung ano siya as a person, gano'n din siya as a doctor pero kahit na gano'n ay kitang kita ang professionalism sa kilos at salita niya. Hindi siya strict pero mapapasunod ka sa mga bilin niya dahil maayos ay maganda niya 'yong sinabi. And all of the patients here in the hospital, know him! Kung may makasalubong niya ay binabati siya at binabati naman niya pabalik. Gano'n. Sinundan ko lang siya all through out. Para nga akong tourist na gina-guide niya kasi nauuna siyang naglalakad, nakasunod ako. Tapos sinasabi niya ang ilang lugar at mga gamit na makikita namin, ini-explain niya and I listen attentively because I am truely interested. Magdidilim na nang ihatid niya ako sa bahay ni Carmichael. "Thank you for today, Seb." senyas ko. Ngumiti ako ng maliit. Natuwa siya nang makita 'yon kaya mas lumawak ang hindi mawala walang ngiti sa labi niya. "Thank you, too. . . Alam mo, sure ako kung nakakapagsalita ka, madaldal ka rin gaya ko!" sabi niya, nag-sign language din siya, at tatawa tawa siya habang naglalakad na kami papasok ng bahay. "Yeah, it's true. You can say that, only If you can hear all my thoughts." ngising senyas ko. "Pero paano mo naman nasabi?" kuryusong tanong ko. "Wala lang, pansin ko lang. . . Napansin ko rin, tamad na tamad ka mag-sign language 'no? Kasi kahit sign language na gamit mo ay ang tipid tipid mo sumagot pero ang dami namang sinasabi ng mga mata mo." sabi niya ulit gamit ang sign language. Tumaas naman ang kilay ko sa senenyas niya. Really. "Well, laging walang emosyon ang mukha mo pero nababasa ko rin minsan ang mata mo." sabi niya at ngumiti. Muling may gumihit na maliit na ngiti sa labi ko. "Ops." bulalas niya at napahinto siya sa paglalakad. Taka kong tinignan kung ano o sino ng tinitignan niya. Bumagsak ang maliit ngiti sa labi ko nang makita ko kung sino 'yon. It was Carmichael. Ngumiti siya. "Oh, alis na ako ah? Subukan niyong mag-usap minsan. O subukan mo siyang konprotahin dahil sa ginawa niya sayo kanina para hindi siya masanay na ginaganon ka lang niya." sabi ni Seb sa akin, naka-sign language pa rin siya. "How? By sign language? Hindi rin lang naman niya ako maiintindihan, magpapagod lang ako. Iiwasan ko na lang siya." sagot ko rin. Natawa naman siya at napailing. Nagpaalam ulit siya sa akin at kay Carmichael bago siya umalis. "I really can't believe that Seb know how to sign language." basag ni Carmichael sa usapan. "It's past 7, mabuti umuwi ka na. Nagluto ako ng dinner. . ." Napatingin ako sa mesa sa may kusina at nakita ko na naka-ayos na ang lahat doon, nakalapag na ang pagkain at ang mga gagamiting plato at kutsara, kulang na lamang ang kakain. Naamoy ko rin ang masarap na aruma ng niluto niya. Adobo. Chicken curry. . . Mukhang nagfried rice pa yata siya. Nakakatakam. Pero busog pa ako eh. "Kumain ka na sana. Hindi pa ako gutom, busog na busog pa ako sa mga kinain namin ni Seb eh." senyas ko. "I. . . I really can't understand sign language—" Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya. Tamad na kinuha ko ang maliit na notebook at ballpen na laging nakatago sa purse ko at nagsulat. "I'm not hungry. I wanted to rest. Now." iyan ang isinulat ko at binigay ko sa kaniya. Binasa niya 'yon at mabilis na bumagsak ang balikat niya. . . Nalungkot siya. "Uhm. . . Okay. . okay. . I understand." tumango tango siya at binalik sa akin ang notebook ko. "Ilalagay ko na lang sa refrigerator 'yong ibang dish, i-init mo na lang kung magutom ka." Kitang kita ko ang pagkadismaya niya. At ang pagpipilit niya ng ngiti ay halata. Tumaas ang kilay ko. Gusto ko mang makaramdam ng konsensiya ay hindi ko magawa. Dapat lang sa kaniya 'yan. Dahil sa ginawa niya sa akin kanina ay hindi ko rin siya kayang makasabay sa pagkain. Natuwa ako sa ginawa niya. Nagluto siya ng pagkain at hinintay akong dumating bago niya ginalaw ang niluto niya. But that doesn't mean it will erase what he did earlier. “Kumain ka na, Carmichael." senyas ko at tinalikuran ko na siya. Nadismaya rin ako sa sarili kong paano ako umakto ngayon. Ang petty ko. Alam ko na tumanggi ako dahil sa ginawa niya kanina. Pero wala eh. . . At totoong busog pa ako. Ginawa ko lang ang night ritual ko bago nahiga sa kama. Kaagad din akong kinain ng antok. MAAGA akong nagising kinabukasan. Bumangon kaagad ako dahil sabi ni Lou, we're meeting someone important today. . . Sana nga, importante, mas gusto kong magkulong sa kwarto eh. Nag-ayos na kaagad ako. Lumabas lang ako ng kwarto nang matapos. Nadatnan ko si Carmichael na nagdidiling ng mga nasa pasong halaman niya. Parang kinakausap pa yata niya ang mga 'to. Mas lumapit ako ng kaunti sa pwesto niya upang marinig kung ano man ang sinasabi niya. "Okay na ba 'tong tubig niyo? Kulang pa?" tanong niya tapos dinadagdagan ang tubig ng paunti unti sa mga halaman. "huwag kayong mamamatay ah? Baka mamatay kayo, magaya kayo kay Lila at Tali." sabi pa niya. Malambing ang tono niya, para niyang pinapakiusapan na makisama ang mga halaman niya. Napansin ko na lamang na gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko habang pinapanood ko siya. He looks stu-pid and cute at the same time. Kaagad kong binawi ang ngiti kong iyon nang bigla niya akong nilingon. "Mayari! Good morning!" bati niya. "Kanina ka pa riyan?" tanong niya at napakamot siya ng batok. Mukha pa siyang nahihiya dahil alam niyang nakita ko ang ginawa niyang pagka-usap sa mga halaman niya. I nodded a little. Nakita kong mas bumakas ang kahihiyan sa mukha niya. Namula ng kaunti ang pisngi niya at namula ng malala ang tainga niya. "Ano. . . Uhm. . May lakad ka ba?" biglang pag-iiba ng usapan ng lalaki. Napansin niya ang na nakabihis panlakad ako. "Kumain ka muna kaya ng breakfast? Hindi ka kasi kumain kagabi." Hindi ako nakapalag nang binitiwan niya ang hawak niyang pandilig. Hinawakan niya ako sa balikat at kinontrol niya ang paglalakad ko papunta sa kusina. At doon, nadatnan ko ang nakalatag ng mga pagkain pang-almusal. Mukhang hinanda niya talaga. . . Ako na lang ang hihintayin para magalaw. "Niluto ko ulit 'yan kanina. . . para sayo." sabi niya. Nang nilingon ko siya ay binigyan niya ako ng magandang ngiti. Kumabog ng mabilis ang puso ko. Umiwas ako ng tingin. "Upo ka. Ako na maglalagay ng mga pagkain mo. Ituro mo na lang. . " sabi niya at pinaghugot ako ng upuan. Hinawakan niya ulit ako sa balikat pina-upo. Hindi naman niya ako kailangan paupuin pa dahil uupo ako ng kusa. Alam kong gusto niyang bumawi sa ginawa niya kahapon. . . At gusto ko ring bumawi dahil sa hindi ko pagpansin ng effort niya kagabi. Bigla kasi akong napaisip kaninang umaga. . . hindi dapat ako gano'n umakto kasi wala naman akong karapatan na magalit sa kaniya dahil iniwanan niya ako at inuna 'yong isa. . . I know my place. At isa pa, gutom na rin ako. Gaya ng sabi niya, itinuro ko ang mga gusto kong kainin at kinuha niya 'yon at inilagay sa plato ko. Nang matapos ay siya naman ang kumuha ng plato at nag-lagay ng pagkain niya. Sabay kaming kumain. Hindi na rin siya nagsalita hanggang sa matapos ang pagkain namin. Tumayo na ako. "Aalis ka na?" kaagad na tanong niya. "Malalate ka ba? Gusto mong i-hatid na kita?" may pagkataranta pang tanong niya. Kumunot ang noo ko. "Mayari?" Kinuha ko ang pen and mini notebook ko. ‘Lou’s driver gonna fetch me.’ sulat ko. "Can you tell her not to? Ako na maghahatid sayo." nakatingin siya sa akin, hopeful ang mga mata niya. ‘If you're doing this because of what happened yesterday, it's fine, you don't need to.’ sulat kong muli at pinabasa ko sa kaniya. "No, yes. . . I mean. . Of course, yes. . I'm doing this because of that specific reason. And I wanted to do it now because I'm free and because I'm your fiance." ‘Sigurado ka? Hindi mo ako ibaba in the middle of the busy road?’ seryosong sulat ko at muli ko 'yong pinabasa sa kaniya. Tumaas ang kilay ko nang may iba't iba akong emosyong nakita sa mukha niya. Una ay gulat, napalitan ng hiya, kasunod no'n ay guilt. Gusto ko lang naman makasigurado. Alam kong hindi ako ang first priority niya, naintindihan ko 'yon. Kaya nagtanong na lang ako para sure kasi nag-insist siya eh. "I promise." determinadong sagot niya nakalipas ang segundo ng pananahimik niya. "And I'm so so sorry about what happened yesterday. It won't happen again, I assure you that." Annoying. Empty promises. Kinuha ko ang mini notebook at nagsulat muli. ‘It's fine by me. Just don't do it again.’ Pinabasa ko sa kaniya 'yon. ‘Now, change your clothes. Ihahatid mo pa ako, 'di ba?’ Nang nabasa niya 'yon ay napangiti siya at napabulong ng ‘yes’. "Wait for me, hmm? Mabilis lang ako." tapos patakbo pa siyang umakyat para lang magbihis. Naka-suot kasi siya ng black t-shirt at halatang pambahay lang niya. It's look good on him but not fit in the place we're going to. Alam kong babagayan niya ang formal na suot ko. At hindi ako nagkamali. He's wearing a white and blue stripe botton down shirts na hindi pa niya tapos i-butones. He paired it with trouser and a black shoes. "Let's go." aya niya. Kahit malayo siya ay naabot ng ilong ko ang mabangong perfume niya. "Ililigpit ko na lang ang pinagkainan natin mamaya. Makakahintay naman 'yan, Ikaw. . . hindi." ngumiti pa siya bago siya lumapit sa akin at kinuba niya ang kamay ko at sinabit niya 'yon sa braso niya. Hindi na lang ako pumalag. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto ng kotse. Hinayaan ko na lang. Habang nasa byahe ay sa text ko na sinabi kay Lou na huwag patuluyin ang driver niya dahil ihahatid ako ni Carmichael. From : Loud Lourdesz OMG :0 NAKAKAKILIG NAMAN SI GENERAL!!! KISS HIM IN THE CHEEK FOR ME!! EME!! INGAT KAYO!! Muntikan na akong napa-irap dahil sa OA ng reaksyon niya. "Where to?" tanong bigla ni Carmichael. ‘Rozanovz Company’ sulat ko at pinabasa sa kaniya. Kumunot ang noo niya. "Bakit diyan? Anong gagawin niyo sa kompaniya ni Romanovz?" medyo nagsalubong ang kilay niya at puno ng pagtataka ang tono niya. Nagkibit balikat ako. Isang beses na nabanggit sa akin ni Lou ang apelyido na Romanovz. Hindi ko kilala o wala akong ideya kung anong meron. Kung bakit doon kami pupunta ni Lou ngayon. Naroon na raw siya kanina pa. Nakita ko ang pagka-aburido ni Carmichael. "You know him?" I signed. "Please, Mayari. . . I don't understand. I'm sorry." sabi niya lang. Bumuntong hininga na lamang ako at napasandal sa kinauupuan ko. Tinawagan ko si Lou. "Hi, Carmichael!!" bati niya kaagad sa lalaki. Napapikit na lamang ako. Annoying. Si Carmichael pa talaga ang una niyang binati. "Lou, anong gagawin niyo sa kompaniya ni Romanovz? Bakit pupunta si Mayari diyan? Huh?" tanong ni Carmichael kay Lou na nasa kabilang linya. "Eh. . . Mr. Romanovz will pursue Mayari to signed a contract in his company. He requested a meeting for proposals. As Mayari’s manager, I agreed. Para sa career mo naman 'to Maya, hihi sorry, desisyon. Pero. . . Pero. . . Proposal pa lang naman 'yon Maya. . . Pwede lang tumanggi." and no further a due. . she ended the call. Annoying! Lou is so annoying! Desisyon talaga! "Tutuloy ka?" Yamot na tumango ako. "It's a modeling company, Mayari. . . You still up?" Of course not. Modeling company? Here in the Philippines? No. No f-cking way. Hindi pa naman ako sira para pumayag na maging modelo. Na ipaskil ang mukha ko sa kahit saang sulok ng Pilipinas. Makikilala ako ng taong bayan. Kung sa Spain o sa Italy, pwede pa. Pero. . dito sa Pilipinas? Para ko na ring pinahamak ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD