15 chances. That's many of chances, right, usually people give only 3 chances but I will give Carmichael 15 chances.
That's my ultimatum. If he disappoint me or hurt me 15 times, I will quit of pursuing him.
Pero gusto na lang din matawa sa sarili ko. I will pursue him? Make him fall in love with me, so it will be all worth it?
Magugustuhan niya kaya ang piping gaya ko?
Cut it, Mayari! I instantly scolded myself because I was belittling myself again. No, Mayari, stop pitying yourself.
Naghahanda na si Lou para sa pananghalian. Pinapanood ko lang siya at yamot na pinapakinggan ang pang-ra-rant niya sa akin.
Bago pa man siya matapos ay biglang sinabi ng katulong nila sa kanilang bahay na may tao raw sa labas at hinahanap ako. Pulis daw.
Nagkatinginan kami ni Lou at bahagyang kumunot ang noo niya. Ewan ko ba riyan, ayaw na raw niya si Carmichael para sa akin. Pero alam ko naman na magbabago ang isip niya kalaunan.
Sinabi ni Lou na papasokin 'to. Hinintay ko ang pagdating ng lalaki, pulis nga, nakasuot ito ng on duty uniform niya. . . Mukhang kakagaling lang niya ng work at naisipang pumunta rito.
Nothing's new. He look good.
"Oh, General Carmichael, anong ginagawa mo rito?" casual na tanong ni Lou kay Carmichael dahilan para nagtatakang tinignan siya ng lalaki, malamang ay nasanay siya masaya at masigla lagi ang salubong ng pinsan ko sa kaniya.
"I'm here to fetch Mayari," kalaunan ay sagot ni Carmichael, "I'm going to treat her for lunch." ani nito.
Muntik na akong mapa-irap dahil kaagad kong nabasa ang excitement sa mukha ni Lou nang marinig niya ang sinabi ni Carmichael.
"Magda-date kayo?!" ayan, bumalik na ang sigla niya.
Ngumiti naman si Carmichael sa pinsan ko bago niya ako hinarap, "You want? Let's eat lunch and I'll take you to the place you want. Let's date, Mayari," sabi niya.
Hindi nakatakas sa akin ang mahinang tili ng pinsan ko. See? Kanina lang ay parang ayaw niya pang makita ang lalaki at kung ano ano ang pinagsasabi niya sa akin, ngayon ay tila mas kinikilig pa siya keysa sa akin.
Napatingin ako kay Lou at talaga namang nakangiti na siya at tinatanguan ako, ini-ingganyo akong pumayag.
"Paano naman 'yang niluto mo? Niluto mo 'yan para sa akin, tapos aalis ako?" senyas ko.
"No problema, Mayari, makipag-date ka na lang sa FIANCEE mo." sabi nito at talagang pinagtabuyan niya ako. Mahina pa niya akong tinulak papunta kay Carmichael.
Napailing na lamang ako. Kahit naman hindi niya ako pilitin ay sasama ako kay Carmichael. It's the first time he invited for lunch, as a date.
Gusto ko lang malaman o makita kung ano pa ang gagawin niya.
"Let's go?" ani Carmichael at inilahad ang kamay niya sa akin pero tinignan ko lang 'yon bago ko siya nilagpasan. Kaya ko namang maglakad ng hindi nakapit sa kaniya.
Hinatid kami ni Lou sa labas ng bahay nila. Nagpaalam ulit ako bago ko binuksan ang pinto ng kotse ni Carmichael bago pa niya 'yon magawa. Pumasok na ako sa loob at kaagad ding sinuot ang seatbelt bago pa niya magawa. Nakita ko na napabuntong hininga siya dahil wala siyang magawa.
I don't know. . . Sa mga nalaman ko at sa nangyari ay ayaw kong subukang dumepende sa kaniya.
"So. . " panimula niya habang nasa byahe kami. "Where do you want to eat? May gusto ka bang puntahan na resto?" tanong nito at tinignan ako na para bang may makukuha siyang sagot sa akin.
Bumuntong hininga siya ilang segundo na hindi ko siya binigyan ng tango o iling bilang sagot.
"May paborito akong resto na pinupuntahan. Masarap mga pagkain doon, doon na lang tayo?" tanong niyang muli.
Tumango na lang ako.
Do I have a choice? Wala. Do I have any choices too? Wala rin.
"Good!" sumigla ang boses niya at ngumiti pa. Mukhang masaya na sa isang tangong sagot ko sa kaniya. "That resto became my favorite year ago, noong nasa mababang ranko pa lang ako ng pulisya. It was recommended by a friend. Tapos ayon, paborito ko na siya hanggang ngayon." kwento niya pa.
Friend?
"The friend your talking about was Ophelia? Right?" tanong ko gamit ang sign language na siyang nagpakunot ng noo niya. "Huwag ka na kasing magtanong nang magtanong, alam mo na ngang pipi ako at hindi mo ako maiintindihan." sabi ko pa.
But the thing is, I like it when he talk to me normally. . . Na parang hindi ako pipi, gano'n. Nagtatanong siya. Nagsasalita siya ng normal, hindi nag-aalangan.
But the thing is. . . I hate myself because I can't talk. And I hate it when he can't understand me. Alam ko naman na hindi ako mainis pero hindi ko mapigilang maramdaman 'yon kaya mas gusto ko na lang na. . . itrato niya ako kung paano ako itrato ng ibang tao. Huwag niya akong kausapin. 'Wag na. Layuan niya ako. Umiwas siya. Maging disappointed siya dahil person with disorder ako.
I don't know.
The problem was me. Only me.
Habang nasa byahe ay biglang tumunog ang cellphone niya. Kahit na malayo ako ay kitang kita ko kung sino caller.
Napapikit na lamang ako sa inis. Bakit ba. . . bakit ba walang araw na kasama ko si Carmichael na may nakikita o nabangbanggit ang pangalan ni Ophelia.
Kagaya ngayon, bakit na naman siya tumatawag? Ano na namang kailangan niya? At bakit ngayong oras na naman?
Walang pag-dadalawang isip niyang iginilid ang kotse at mabilis na sinagot ang tawag.
"Yes? What happened? Hey. . . Stay calm, Ophelia, stay calm. Yes. . . Yes. . . I'm going. Wait for me there, okay? Hang in there, okay? Hmm?" marahan, malambing at nang-aalo ang boses na sabi niya.
Walang hiya. Sinabi niya 'yon habang nasa tabi lamang niya ako. Sinabi niya 'yon kahit alam niyang naririnig ko. Sinabi niya 'yon at walang pakialam kung anong iisipin at mararamdaman ko.
Wala talaga siyang konsidirasyon pagdating sa akin 'no?
He. Let. Me. Hear. All. Of. That.
Napangisi na lamang ako sa inis. Kaagad nabawasan ng isang ang labing limang pagkakataong binigay ko sa kaniya.
Pagkatapos niyang ibaba ang tawag ay nilingon niya ako. Iba't ibang emosyon ang nakita ko sa mga mata niya. Konsensiya. Pakikiusap. At iba pa. Gusto pa sana niyang magsalita, bumukas at sara ang bibig niya pero walang salitang lumabas doon.
Magpaliwanag ka. Iyan ang gusto kong sabihin. Iyan ang gusto ko isa-tinig. Pero tinignan niya ako. . . Nagmamakaawa ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
Napuno ng pagkadismaya ang puso ko pero pinili kong huwag ipakita sa kaniya na apektado ako. Mabilis kong inalis ang seatbelt ko.
"I will explain to you later, okay?" marahan na sabi niya. Ginamit niya sa akin ang tonong ginamit niya sa babaeng kausap niya.
"It's fine." senyas ko at mabilis na binuksan ang pinto ng kotse niya.
"Mayari. . " tawag niya sa akin pero walang lingonang bumaba ako sa kotse niya.
Mabilis naman siyang sumunod sa akin. Bumaba siya ng kotse at hinawakan ang kamay ko para pigilan ako sa paglalakad palayo sa kaniya pero mabilis na binawi ko 'yon.
"It's an emergency, Mayari. . . Ihahatid muna kita bago ako pupunta kay. . ." hindi niya na masabi ang pangalan ng babae habang nakatingin sa mata ko.
So, what now? Na-guilty siya bigla?
"It's fine." senyas ko na lang ulit.
Pero kumunot ang noo niya kaya naman kinuha ko ang kamay niya at isa isang sinulat ang letra ng salitang "IT'S FINE." at mabilis ko ring binitiwan ang kamay niya.
"Are you sure? I'm going to call Seb to get you here. Huwag kang aalis rito ah? Dito ka hahanapin ni Seb. I'm so so very sorry, Mayari. . . Babawi ako." and then he kiss my check and he left. Just like that.
Nag-init ang tainga ko. . . hindi dahil natuwa ako sa ginawa niya kundi dahil nag-init bigla ang ulo ko at para na akong sasabog.
He's. . . irresponsible human being!
F-cking irresponsible!
Of course, it's not fine! IT'S NOT FINE!
Mag-aaya siya ng lunch tapos. . . tapos biglang cancel dahil tinawagan siya ng babae!
Like, what the f-ck?
Gusto kong pilitin niya akong sumakay sa kotse niya. Gusto kong sabihin niya sa akin na ituloy na muna namin bago niya puntahan 'yong babae na 'yon.
But then, it's turn out to be emergency.
Hindi ko naman kayang mag-inarte dahil nga emergency daw. Okay. But. . . Can Ophelia just call and ambulance or police officer If it's really emergency?! Bakit si Carmichael pa?
And then, dang it. Carmichael is a police officer.
Naiinis man ay wala akong maipinta na emosyon sa mukha ko. Nanatili 'tong blanko habang pinapanood ko ang papalayong kotse ni Carmichael.
Nang mawala na siya sa paningin ko ay dinaga ang dib-dib ko. Muli kong naalala ang nangyari sa akin no'ng kailan.
Naalala kaya ni Carmichael 'yon? O hindi na? Kasi naatim niyang iwanan ako ngayon dito sa kalye na hindi ako pamilyar. Mainit ang araw, maraming sasakyan, maraming tao na maaaring makakilala sa akin.
Paano kung makilala rin ako ng dating nakakakilala sa akin?
Kilala ako bilang anak ng corrupt na politician noon.
Hindi rin ako nakatakas sa batikos at pananakit nila.
Paano kung. . . makita nila ako rito?
Parang mas gusto ko na lang maulit na na-hold up ako keysa makilala ako bilang anak ng corrupt na politician.
People never move on. Lalo na 'yong mga nagawan ng kasalanan ng amahin kong umampon sa akin.
Mas lalo akong nakaramdam ng takot pero nawala 'yon nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa purse ko.
It was Seb.
Kaagad kong sinagot ang tawag.
"That Carmichael is a jerk. I'm on my way, Mayari, stay where you are." and then he ended the call.
Napangisi ako. Carmichael is indeed a jerk.
Hindi nagtagal ang pagtayo ko sa gilid ng kalsada na 'yon dahil kaagad kong nakita ang pamilyar na kotse ni Seb. . .
Bumukas ang bintana ng kotse at kaagad kong nakita ang masiglang ngiti sa labi ni Seb. Kumaway pa siya.
"Hi, Mayari! Pwedeng makahingi ng autograph?" sabi pa niya kaya napa-iling na lamang ako at pumasok na sa kotse niya. "Ayos ka lang? Ta-nga ta-nga talaga si Kuya, alam niyang na-hold up ka lang no'ng kailan iniwanan ka sa gilid ng kalsada. Paano na lang kapag busy ako? Diyan ka na poreber?" naiinis na pag-ra-rant niya bago niya pinaandar ang kotse.
Mukhang mas naiinis pa siya sa nangyari keysa sa akin. Salubong na salubong ang kilay niya.
"Oh, huwag kang ngumiti riyan, ano? Natutuwa ka pa na iniwanan ka ni Kuya? Tsk." asik niya.
"Naaaliw ako sayo." senyas ko.
At mas lumawak ang ngiti ko nang ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti.
Naintindihan niya ako.
And that's what I like about Seb. . He's my fan and he learned sign language so he can understand me.
"Psh. Hindi ka ba naiinis sa ginawa ni Kuya sayo? Ako kasi, inis na inis ako. Parang gusto kong bangasan 'yong mukha niya. ." he clicked his tongue. "pero syempre hindi ko gagawin 'yon, malaki katawan no'n eh. At baka balirin pa ako." aniya at umiling na parang problemado pa.
Kung nakakapag-produce lang ako ng tunog. . . tumawa na ako ng malakas dahil sa tinuran niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o humor lang talaga niya 'yon. . . But this man. . This man never failed to make me laughed.
So, I just smiled a little.
Oh. . . I just hope na sana siya na lang ang nagustuhan ko. . . hindi 'yong Kuya niya.
But then, you can't dictates your heart.
I like Seb.
I like him as a person and as my brother.
But I like Carmichael more. I like him better. I like him romantically.
And it's annoying!