Chapter 14 : Present

2439 Words
"Hinahanap mo siya 'no?" Napa-igta ako sa gulat nang may nagsalita bigla sa tapat ng tainga ko. It was Lou and she's grinning like an idiot. Tuwang tuwa pa talaga siya. "Wala siya, busy siya sa work sabi ni Sebo." sabi nito sabay turo kay Doc. Seb na may hawak na baso ng alak. Kakatapos lang ng concert ko at dinaluhan ko ang after party na inorganisa ni Tito Rojas para sa akin. Wala sa concert ko kanina si Carmichael, ang sabi niya sa akin ay pipilitin niyang humabol dahil abala talaga siya sa trabaho niya. Kaya ito. . . ayaw ko man ay hinahanap siya ng mga mata ko. Nitong dalawang araw na nagkasakit ako ay hindi niya talaga ako pinabayaan. Kagaya ng sabi niya, mas aalagaan niya na ako. He did that. Nagtrabaho siya sa bahay niya para lang mabantayan ako. . . Siya ang nagluluto at kumikilos sa bahay dahil ayaw niyang mapagod at mabinat ako. Kahapon lang din naging maayos ang pakiramdam ko. Parang ayaw pa nga niyang payagan akong ituloy ang concert ko pero wala eh, hindi pwede mag-cancel. At isa pa, maayos naman na ang kalagayan ko. Kaya ko na. Thanks to him. Kaya lang hindi siya nakadalo. He's loaded with his work. . . Napabayaan niya ang ilan dahil inalagaan niya ako kaya hindi ako pwedeng mag-demand at magtampo dahil lang hindi siya nakapunta. "It's fine. Trabaho 'yong pinagkakaabalahan niya." sabi ko kay Lou na bumusangot. "Hindi ko alam kung mabilis ka lang bang makaintindi ng sitwasyon ng iba, o wala ka lang ba talagang pakialam. . . o nagpapanggap ka lang na ayos lang eh. . " sabi nito. Kumunot ang noo ko. "Wala lang, ako kasi kapag hindi dumalo ang importanteng tao sa akin sa importanteng okasyon ng buhay ko. . . magtatampo ako." sabi ni Lou sa akin sabay tawa, "will, magka-iba naman tayo." kibit balikat na sabi pa niya. Naintindihan ko si Carmichael. Hindi dahil wala akong pakialam at nagpapanggap na walang pakialam. "You should wided your mindset then." senyas ko. Inirapan naman ako ng babae, "hindi ko kaya eh." sabi niya sabay tawa. "hindi ako kasing understanding at kasing kalmado mo. . Turuan mo naman ako." "Hindi ako kalmado. Hindi lang ako nakakapagsalita." senyas ko at tumawa naman siya. Hindi naman talaga ako kalmado, kung nakakapagsalita lang ako ay babanggitin ko lahat ng uri ng mura kapag naiinis at galit ako. Pero hindi ko kaya. "Okay. Understanding na lang." bawi niya sa nauna niyang sinabi. Tumango lang ako. After the party, I decided to go home. Inihatid ako ng driver ni Lou sa bahay ni Carmichael. I don't know why I still want to stay here or go home here. Wala naman si Carmichael dito, lagi siya sa trabaho niya. . he's always busy and dedicated. Pero nawala yata lahat ng pagod ko nang makita ko ang kotse ng lalaki na nasa parking space. He's home. He's here. Ayos ng andito siya. . Ayos na 'yon. Kahit hindi na siya pumunta sa concert ko at sa after party ng concert. Ayos na 'yong naka-uwi na siya. Baka pagod lang siya, gano'n. Baka nga tulog na siya at nagpapahinga. At hindi ako nagkamali ro'n dahil nang nakapasok na ako sa bahay ay nakita ko siyang nakahiga sa kama. . . Naka-suot pa rin ang uniform niya. Naka-sapatos pa nga. Mukhang sobrang pagod siya dahil hindi na niya nakayang magbihis o pumunta man lang sa kama upang mahiga at mapakapagpahinga. He look so tired. And so I am. Pumunta na ako sa itaas upang maligo at magbihis. Nang matapos ay kumuha ako ng kumot at unan. Kumuha rin ako ng towel at planggana. Nilinisan ko ang mukha ni Carmichael, marahan kong ginawa 'yon para maman hindi siya magising. Ayaw kong ma-istorbo ang tulog niya. Inalis ko rin ang uniform niya. . . mabuti na lang ay may suot siyang t-shirt kaya 'yon na lang ang naiwanang suot niya. Inalis ko rin ang sapatos at medyas niya. Inalis ko rin ang slacks niya at tahimik na nagpasalamat sa Panginoon dahil naka-boxer 'to. Nang matapos ko siyang linisan ay nilagyan ko ng unan ang ulohan niya at kinumutan siya. Gusto ko siyang makapagpahinga ng maayos pero hindi ko naman siya gustong gisingin para lang papuntahin siya sa kama niya. Kaya ginawa ko 'to para maging komportable naman siya kahit papaano. Naupo ako sa tabing sofa, pinanood ko ang mabibigat na paghinga. . . Ang payapa niyang pigura habang natutulog. At dahil na rin siguro sa pagod ko ay nakatulogan ko. Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone. Napayakap ako sa katawan ko dahil bigla akong nilamig. Madaling araw pa lang. Naramdaman ko rin ang sakit sa likod ko dahil naka-upo lang ako nakatulog. Huminto ang tunog ng cellphone pero kaagad uling tumunog. Hindi man lang nagising si Carmichael sa ingay ng phone na nasa tabi niya lang. Kinuha ko ang cellphone at nanliit ang mata ko nang mabasa ko kung sino ang caller. It was named Ophelia. At may nakalagay pang heart emoji sa dulo ng pangalan. Hindi ako 'yong tipo ng tao na nakikialam sa gamit ng iba. Hindi ako mag-iinvade ng privacy ng ibang tao. Hindi. . . Hindi ko gagawin. . Pero pinapatay ako ng kuryusodad ko. Ophelia. Siya na naman. Sino ba talaga siya sa buhay ni Carmichael? Bakit. . . mukhang napaka-importanteng tao niya sa lalaki? Bukod sa ex siya nito? Ano pa ba? Hawak hawak ko pa rin ang pa-ulit ulit na tumutunog na cellphone. Huminto ang pag-ring no'n pero ilang segundo lang ay muling tumunog. Lumuhod ako sa harapan ni Carmichael at marahan ko siyang niyugyog upang gisingin. I also tapped his cheeks. . Mukha kasing importante ang tawag dahil hindi man lang tumigil 'to kahit kanina pa walang sumasagot sa kaniya. At. . bakit ganito oras 'to tumatawag? Alas kwatro pa lang ng umaga oh. Sobrang importante ba? Nang hindi siya gumising at patuloy pa rin ang pag-ring ng cellphone niya ay sinagot ko 'to. "Carmichael?" malambing na boses babae ang nagsalita sa kabilang linya. "Hello? Carmichael? I need you right now. . . " bakas ang boses ng babae na naiiyak siya at kinakabahan? "Please, love, answer me. . . " Love? They're ex-lover, sabi 'yan mismo ni Carmichael. She's his ex-girlfriend pero 'love' pa rin ang tawagan nila? Kaagad kong napatay ang tawag at naibaba ang cellphone niya. Napa-upo ako at napatingin sa payapang mukha ni Carmichael. Natupok bigla ang apoy ng pag-asa sa puso ko. Natawa ako sa sarili ko. Napatapik ako sa noo ko. Damn, how can I forget about how he assured that Ophelia that I am just a business to him? Nakakatuwa na narinig ko lang na tinawag niya akong 'FIANCE' at pinakita at pinaramdam sa akin ang pag-aaruga niya ay nakalimutan ko na lahat ng 'yon. Why did I f-cking forget that he's a f-cking performative! Lahat ng kilos niya ay kalkulado niya at para mapaniwala at manipula niya ako. Inis na kinuha ko ang unan sa ulo niya. Napa-igik siya habang tulog dahil maring bumagsak ang ulo niya sa sofa. Ang petty pero kinuha ko rin ang kumot na nilagay ko sa katawan niya at umakyat ako sa kwarto upang doon na matulog. KINABUKASAN, nagising ako na nasa tapat ng pinto si Carmichael. Nakasandal siya ro'n habang nakatingin sa akin, hawak hawak niya ang cellphone niya. At bakas ang galit sa mukha niya na bigo niyang maitago. "Kanina ka pa riyan?" tanong ko gamit ang kamay. Kumunot ang noo niya dahilan para mas lalo kong makita ang galit sa mukha niya. "Did you touch my phone?" tanong niya imbes na intindihin pa ang sinenyas ko. "Mayari, did you touch my phone?" ulit niya nang wala siyang nakuhang sagot sa akin. "Ano naman kung oo?" matapang na sagot ko dahil alam ko namang hindi niya 'yon maiintindihan. "Just not or shook your head, you know I don't understand that." madiin ang tono niya. Hindi talaga niya maitago ang galit niya. He have a sharp features that's make him intimidating. Masasabi mo lang na mabait siya at gentle na tao kapag nakangiti siya pero ngayong nakabusangot siya, kitang kita ang intimidating aura niya. Umagang umaga ay 'yon ang sasalubong sa akin. Annoying. "I bet you can tell when I do or did not." senyas kong muli. Hindi niya ako naintindihan kaya napabuntong hininga na lamang siya. Halata naman na alam na niya ang sagot sa tanong niya. Hindi naman magtatanong 'yan kung hindi niya nahalata. Siguro nakita niya ang call history niya or what. "Next time, Mayari, don't touch any of my things without my permission. It's not good thing to do." pangangaral niya, madiin pa rin ang tono. "Are you mad because I touched it or mad mad because you're hiding something from me?" senyas ko. Palihim akong napangisi nang makita kong kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, nagtataka at nag-iisip kung ano ang ibig sabihin ng senenyas ko. Wala rin akong emosyon na nagpadagdag ng pagtataka niya. "Are you cursing me right now?" tanong nito. Hindi ko siya sinagot at bumangon na. Talagang hinintay niyang magising ako para lang natungin ako tungkol sa cellphone niya? Tss. Annoying. Pumasok ako sa banyo and do my things there. Nang lumabas ako ay nasa kwarto pa rin siya. "I saw the call history, may sinagot kang tawag. Anong sinabi niya? May sinabi ba siya?" tanong na naman niya. Lumabas ako ng kwarto at sinundan na naman niya ako. Tungkol lang ba ro'n ang pag-uusapan namin? Hindi ba niya ako kakamustahin? Iyong performance ko? Hindi ba siya magpapaliwanag kung bakit hindi siya nakadalo kahit na alam ko naman na kung bakit? Kasi. . mas may pakialam ako sa paliwanag niya keysa sa pag-usapan namin ang tungkol kay Ophelia na ex-girlfriend niya. Hindi ko na siya pinansin pa. At mukhang nagsawa naman siya sa pakikipag-usap sa akin ng walang natatanggap na tango o iling man lang dahil umalis na siya sa harapan ko. Naging payapa ang pag-kain ko ng almusal. Nagpaalam siya sa akin na papasok na siya ng trabaho at sinabi niya na hindi pa kami tapos mag-usap at babalikan niya raw ako mamaya. Pero hindi ko na naman siya pinag-aksayahan ng oras tignan o sagutin pa. Paki ko sa kaniya. . Bahala siya sa buhay niya. Pero dapat, mag-ingat pa rin siya. Nakakainis! Why I am still worried? Kaagad kong tinawagan si Lou at sinabi na sa bahay muna nila ako dahil wala na naman akong kasama ngayon. At kailangan ko ring tumugtog ang piano para mawala lahat ng bumabagabag sa isip. "Hindi na naman ba kayo ayos ni General?" tanong sa akin ni Lou habang mahinang tinitipa ko ang pyesa ng piano. "Ayos naman kami." sabi ko gamit ang kamay bago ulit nagtipa tipa. . "Eh bakit ka andito?" "Piano and I'm bored." sagot ko na naman. "Sus, huwag nga ako, Maya! Kilala kita 'no, mas gusto mong matulog keysa ang puntahan ako." sabi nito. Muntikan na akong matawa. Kilalang kilala talaga ako ng babaeng 'to. "Maayos naman kami ni Carmichael, Lou, we're just casual. . . and that's bothering me." pagsasabi ko ng totoo. "Parang may pakialam lang siya sa akin dahil finance niya ako at dahil obligado siya, hindi dahil may pakialam talaga siya at gusto niya." pinaghawak kamay ko ang dalawang kamay ko matapos kong isenyas 'yon kay Lou. That's what I observed about his performative performance. "Baka sariling konklusyon mo na naman 'yan." sabi naman ni Lou at tumango naman ako, "magtanong ka kasi," May punto naman siya kaso kasi. . . "I can't. He's always busy in working. . . And he's in love with someone else, Lou. . . He is still in love with his ex-girlfriend. They're still in contact and the girl still called him 'Love'. Hindi naman magiging komportable 'yong babae na tawagin siya gano'n kung ayaw niya, hindi ba?" senyas ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa. "Paanong may mahal siyang iba? Paano mo nasabi ang mga iyan? Mali ba ang iniisip ko na gusto ka niya? Hindi ba nag-leave siya sa trabaho niya para lang maalagaan ka no'ng nagkasakit siya? Ano 'yon? Eme eme?" "Because he has to. Because I am his fiance. . But that's all. Dahil lang 'yon sa fiance niya ako, nothing else. Iyon lang ang dahilan niya, Lou, hindi dahil gusto niya ako or what." "Oh, f-ck that, Mayari. Kung mahal pa niya 'yong babae, bakit pumayag siya na sa kasal." may pagka-asar sa tono niya. Hindi ko lang alam kung sa akin at sa mga sinasabi ko siya naaasar o kay Carmichael. "Because he have no choice, Lou. Like me, we both have no choice." "But he said, he agreed because you're beautiful." Naasar na napangiti ako. Maging ako nga ay naniwala rin doon. T-nga eh, Mayari. "He's good at lying. He's kind but he's a liar." Ulit ko na naman sa diskripsyon ko sa kaniya. I hate it but he is just like that in my perspective. "Remember when we go shopping with his Mom? I heard him talking with his ex, Lou, and he said of the girl told him not to go in our engagement party, he will not go." bigla akong nalungkot nang maalala kong muli 'yon. Tang Ina. Ilang araw lang ang nakalipas, nakalimutan ko 'yon dahil sa sweetness at caring side na pinakita sa akin ni Carmichael. Ngayon lang uli nag-sink in sa akin 'yon. "Maybe one of the reason he did not attend our engagement party is because the girl said so. . " senyas ko. "So, what's your plan?" iyon na lamang ang nasabi ni Lou matapos niyang manahimik, mukhang pati siya ay napaisip din sa mga sinabi ko. Normal niyang pinagtatanggol at sinusulsol sa akin si Carmichael pero ngayon. . . tinanong niya lang ako kung anong plano ko. "I don't know. . . Maybe make him fall for me so it will be all worth it?" nasabi ko gamit ang kamay. Hindi rin ako sigurado. Hindi ko nga alam kung itutuloy ko ba ang plano na nasa isip ko. "What?" gulat na tanong ni Lou nang masenyas ko 'yon sa kaniya. "I also don't know, Lou, I was debating on myself of what to do. . . " Hindi ko rin alam eh. Iyong nalaman ko pa lang na may ibang babae, ayaw ko na eh. . . Pero hirap naman akong bitawan siya. . . Kasi nga, gusto ko siya. . At dahil hindi pwedeng hindi pwede. And Ophelia was just his 'EX', his past that still ghosting him now in the present. I am his present.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD