"Siguro kung ikakasal man ako ay dahil lang sa pinilit ako, hindi dahil gusto ko. . . It's my family thing. Ipapakasal sa kung sino para lang magpayaman. Business."
"You know that you're the one I wanted to be my wife, Ophelia. . ."
Biglang nawala lahat ng galak sa puso ko nang maalala ko ang narinig kong sinabi niya sa kausap niyang si Ophelia no'n.
He still want me to be his wife? He still is and more that willing? Of course, dahil sa mamanahin niya! Not because he want or like it. He just need to.
Bakit ko ba inaalala noon kung magugustuhan pa ba niya ako o hindi kapag nalaman niyang pipi ako eh kahit ano naman ako ay papatulan niya ako dahil sa mana niya.
Annoying.
Kahit gutom na gutom ako ay hindi na ako lumabas ng kwarto para kumain. Ayaw ko siyang makita o kausapin man lang. Naiinis ako sa mukha niya.
At naiinis pa rin ako sa ginawa niya kanina!
Nahiga na lamang ako sa kwarto at dahil na rin siguro sa pagod ay kaagad akong kinain ng antok.
KINABUKASAN, nagising ako kinaumagahan na masamang masama ang pakiramdam at ang bigat bigat ng katawan ko. Pakiramdam ko may nakapatong na mabigat na bagay sa likod ko.
Gawa na rin siguro 'to ng paglalakad ko kahapon at paghihintay. . . at nalipasan din kasi ako ng gutom.
Napahawak ako sa tiyan ko. . . Napangiwi ako nang tumunog 'yon.
Lumabas ako sa kwarto at hinihiling na sana. . sana wala na si Carmichael, na sana pumasok na siya sa trabaho niya. Dahil bukod sa ayaw ko siyang makita ay ayaw kong makita niya na ganito ang kalagayan ko. Mahina, may sakit.
Pero bigo ako nang makita ko siyang nakahiga sa sofa sa sala.
Eh? He's working here? Dito na niya itinuloy 'yong na-iwang trabaho niya sa station nila kahapon.
Nagkalat kasi sa sahig ang ilang papeles, mukhang hinangin. May mga folders din sa lamesa, patong patong 'yon. Pero may isa akong papeles na napansin. Hinayaan ko na lang kahit na sobrang kuryuso ako sa kung anong laman no'n. Baka kasi confidential.
Napatitig ako sa maamo niyang mukha. Makapal ang kilay at pilik mata niya, walang kapores pores ang mukha. . . Gaya nga ng sabi ko no'ng una ko siyang nakita, Greek god. Makisig at talagang ang mukha niya ang una mong titignan kapag nakasalubong mo siya. Malakas ang dating niya. . . He's almost perfect. Sa ugali lang nagkatalo talaga. Mabait siya pero. . . sinungaling.
Marahan na naglakad ako upang hindi siya magising. Dumeretso ako sa kusina at binuksan ang refrigerator, kumuha ng tubig at uminom. Kaagad din akong naghanap ng makakain o pwedeng lutuin doon pero kaagad na napamura ako sa isip ko nang makita ko kung anong lahat ng 'yon.
Seafoods.
"May luto na riyan, ipapainit na lang." halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita, si Carmichael 'yon na nasa likuran ko na pala. "pero kung ayaw mo, hayaan mo na lang tapos sabihin mo sa akin kung anong gusto mong kainin at iluluto ko. . . "
Napalingon ako sa kaniya at titig na titig 'to sa akin.
"Mayari, alam mo ba na maraming nagugutom na tao ngayon? Mga hirap kumita ng pera para makakain ng tatlong beses sa isang araw? Huwag na huwag ka ng magsasayang ng pagkain ah? Huwag mo na ulit itapon ang pagkain kahit ayaw mo 'to." pangangaral niya sa akin sa mahinahon na tono at ngumiti pa siya matapos magsalita.
Kaagad na kinain ng hiya at guilt ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi niya.
"Nakita ko 'yong pagkaing hinanda ko last time, pati 'yong notes na iniwanan ko sayo sa basurahan. . . Huwag mo na uulitin 'yon ah? Hmm?"
Maayos naman ang pagkausap niya sa akin. Ang hinahon ng boses niya na tipong hindi ka ma-ooffend sa uri ng pananalita niya. Hindi niya naman ako pinapahiya, pinapagalitan, or what. . . Pinapangaralan niya ako sa maayos na paraan.
Tanggap at alam ko naman na mali ang ginawa ko. Hiyang hiya ako ngayon. Pero hindi ko siya mabigyan ng emosyon na gusto niyang makita. Blangko lang ang mukha kong nakatitig sa kaniya.
"Ano? Gusto mo bang kumain na? Ayaw mo ba ang mga naka-ready to eat na pagkain? Gusto mo bang lutuan kita ng bago or mag-order na lang?" atentibo niyang tanong, nakatingin siya sa akin at hinihintay ang sagot ko.
Tumunog ang tiyan ko at napatingin siya ro'n, nagpipigil na ngumiti.
"May menudo naman diyan, niluto ko kagabi." imporma niya. Nagulat ako nang bigla siyang naglakad papalapit sa akin, hindi man lang niya ako hinayaang makaalis sa harapan ng refrigerator.
Nakatalikod ako sa bukas na refrigerator at nakaharap sa kaniya na hinahanap ngayon ang container sa loob ng refrigerator. . . Sobrang lapit namin sa isa't isa.
Langhap ko lahat ng amoy niya. Ang pabango niya, ang natural na amoy niya. . . At ang liit ko pala tignan kapag magkatabi kami.
Ni hindi ko nagalaw ang sarili ko para umalis sa harapan niya. . .
"Here." anunsiyo niya at umayos na ng tayo. Para naman akong nakahinga ng maayos dahil doon. Hindi ko napansin na nagpigil pala ako ng hininga. "Nag-search na ako tungkol sayo. . . I've learned a lot about you now. Kausap ko rin si Lou. Tinanong ko siya kung may iba ka pang katangian para alam ko. . . May allergy ka pala sa seashell foods." sinasabi niya 'yon habang pinapa-init na ang pagkaing para sa akin.
Pinanood ko lang siya habang ginagawa niyang lahat ng 'yon.
Para pang ang saya saya niya sa ginagawa niya.
"Kaya pala tinapon mo 'yong hinanda ko sayo. . ." sabi pa niya. "Dapat pala mas kinilala kita no'ng una pa lang para. . . para hindi na nangyari 'yong nangyari kahapon. I'm unaware, and I know it's my fault."
Tapos bigla siyang humarap sa akin . . .
"I wanted to know my finance more. To know you," walang hiya siyang nakangiti ng matamis at nakatitig sa akin habang ako ay nakasiksik ang sarili sa counter, hindi ko alam ang gagawin ko o ang magiging reaksyon ko.
Ang galing niya.
Ang galing galing niyang baguhin ang nararamdaman ko sa isang ngiti at matamis na salita niya lang. Dalang dala ako na nakalimutan ko na naiinis lang lala ako sa kaniya kanina.
Alam ko sa sarili na matigas akong tao pero ang bilis lang lumambot no'n sa taong kaharap ko.
At napuno ng pag-aalala ang puso ko. Pakiramdam ko. . . mabilis lang niya akong masasaktan. Inilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyong alam kong masasaktan ako.
"Mayari Grace Oriña, CEO of Aliveros Empire. Famous Voiceless Pianist in Spain. . and a model. Bukod doon ay wala na akong alam tungkol sayo. Ay! I know, masungit ka. . ." punto niya.
At. . . nakita ko kasi ang sarili ko na nakangiti ng maliit sa lalaking kaharap ko ngayon na kaagad na bumakas ang gulat sa mukha ng makita ang bagong emosyong pinakita ko ngayon sa kaniya.
"Wow. . " he said as If he was mesmerized. "You have a beautiful smile, you know that?" aniya.
Nawala tuloy ang ngiti ko.
"You should smile more, Mayari, it's suit you very much." tapos biglang tumunog 'yong oven, indikasyong ayos na 'yong pinapa-init niyang ulam.
Kikilos na sana ako upang ako ang maglalagay ng ulam at kanin sa plato ko pero mabilis niya akong pinigilan.
"Hayaan mo muna akong pagsilbihan ka." ngiting aniya. Pinaghugot niya lang ako ng upuan sa counter.
Wala akong ibang magagawa pa kaya naupo na lang ako.
"Here. Magpakabusog ka ah? Luto ko 'yan." aniya matapos niyang ilapag ang plato sa harapan ko.
Hindi ko alam kung gutom lang ba ako o inaantok pa dahil nakita ko ang pagkindat niya bago niya ako tinalikuran at naglakad lang siya patungo sa sala, kung saan tanaw ko siya at tinuloy ang trabaho niya.
Pinilit kong kumain kahit na ang sama ng pakiramdam ko.
Tumingin tingin ako sa paligid upang tignan kung may medicine kit or box ba siya rito sa bahay niya pero wala.
"What's you're looking for?"
Napapikit ako. Kung nakakapagsalita lang ako ay napamura na ako sa gulat. Pasulpot sulpot kasi 'to, hindi ko napansin.
"Ano. . . Paano ka nakikipag-usap sa mga taong hindi marunong ng sign language? Please? I want to know, I want to talk to you. . . Kahit anong way pa 'yan."
Kaagad kong kinuha ang kamay niya. Ibinuka ko ang palad niya at walang tanggi niyang ginawa 'yon. At isa isa kong isinulat sa palad niya ang letra ng "GAMOT"
"Gamot? Why? Are you sick?" tanong niya at nagulat ako nang bigla niyang pinunta ang kamay niya sa noo ko, at biglang sa leeg ko. "F-ck! Ang init mo, Mayari! F-ck! Sorry. . . Hindi ko napansin. . " sabi niya.
Mabilis siyang pumunta sa isang drawer at binuksa 'yon, naroon ang medicine kit niya.
"Tawagan ko ba si Seb, hmm?" tanong niya.
Mabilis na nilapitan niya ako at inalalayan nang makita niyang naglakad ako. Sobrang gaan ang hawak niya sa akin na para bang isa akong babasaging bagay.
"Sh-t. Kasalanan ko 'to. . . Alam ko dahil 'to kahapon kaya nagkakaganiyan ka. . . " sunod sunod ang mura niya.
Hindi siya mapakali samantalang ako ay mahinahon na hinahanap ang gamot na para sa lagnat at sakit ng ulo sa medicine kit niya.
Mabilis niya akong dinaluhan at nagdala ng panibagong tubig matapos kong inumin ang gamot. .
"Ano pang kailangan mo? Here, isulat mo rito sa kamay ko. . " sabi niya at inalok niya ang bukas niyang palad sa harapan ko.
"Rest." iyan ang sinulat ko sa palad niya.
Mabilis naglakad siya patungo sa likod ko. Nagulat ako nang muli niya akong hawakan sa kamay at wala akong palag nang inilalayan niya ako, hinawakan niya ang beywang ko. . . Talagang kinokontrol ang katawan ko para siguro hindi ako matumba.
Kaya ko naman maglakad. . . pero gusto ko rin ang pag-aalaga niya kaya naman hindi na ako nagprotesta. . .
"Buhatin na lang kaya kita?" maya maya ay sabi niya.
Walang ganang tinignan ko siya.
"Mayari, I'm serious when I said, I will take care of you more. . . I really am." seryoso ring sabi niya.
"I can manage." I signed.
"I'm sorry, I don't understand you. . . And I'm sorry again but I have to do this." hindi ko naproseso ang sinabi niya. Naramdaman ko na lang na lumutang ako sa ere!
Binuhat niya ako!!
Kaagad kong kinawit ang braso ko sa leeg niya upang hindi ako mahulog o what kahit na alam kong hindi niya naman ako hahayaang mahulog.
Inihiga niya ako sa kama.
"I'll call Seb, okay? Mas maganda na matignan ka niya at maresitahan ng gamot. . May concert ka pa sa Sabado, hindi ba?" puno ng pag-aalalang sabi niya.
Nagpaalam siya sa aking lalabas muna saglit.
"Seb, come here in my house. ASAP. Mayari needs a doctor." then biglang walang nagsalita.
Babalik na sana siya, rinig ko kasi ang yabag ng paa niya pero tumigil kasi dahil tumunog ang cellphone na hawak niya, indikasyong may tumawag.
"Yes? No, I'm here in my house. I can't come. . . I'm working home. No. I can't finish my loads today, you should come and get this. . I can't finish this because MY FIANCE is sick. Yes. MY FIANCE, do you have a problem with that? Of course, good answer. Now, please, give a break? I will just take care of my fiance and I'll get back to work." iyan ang pabulong na sagot niya sa katawag niya. Pabulong 'yon na parang takot na maingayan ako sa boses niya.
And I don't know what to feel. . . Did he just address me as his FIANCE?