Pagkatapos na pagkatapos ng isang click ng camera ay mabilis na umalis ako sa pwesto ko. Kung wala lang ang Ina at Ama ng mga Andrado ngayon ay umalis na ako pero ayaw ko namang maging bastos sa harapan nila. . .
"We'll wait for the both of you outside." biglang nagsalita si Tito Rojas. "I think Mayari and Lou were gonna get their things first." tapos inaya na niya ang mga Andrado sa labas.
"Miss Mayari! Dinner tayo later ah?" pahabol na sabi ni Seb sa akin bago sila umalis. Walang emosyon ko lang siyang tinignan. Ang kulit niya! Ang ingay niya.
Para pa akong nakahinga nang maluwag ng mawala na sila sa paningin ko.
Pumasok na ako sa dressing room at nagpalit ng damit. Nang lumabas ako ng banyo ay nakita ko si Tito Rojas na kausap ang anak niyang si Lou at natigil ang usapan nila nang makita ako. Maganda at malawak ang ngiti niya at nilapitan ako.
He kissed my forehead before he tapped my head.
"Walang kupas, Mayari, magaling na magaling ka pa rin sa pagtugtog." papuri nito sa akin.
Tumango lang ako.
"Anyways, mauuna na ako sa labas. The Andrado's are waiting for us." sabi nito. "And I want you to meet someone!"
Hindi pa ako nakakapag-reak ay nawala na sa paningin ko si Tito kaya naman ang anak niya ang tinignan ko.
"Ano na naman?" senyas ko. Nakakunot ang noo ko, nagtataka kahit na may kaunting ideya ang utak ko kung sino ang makikilala ko, at kung ano ang malalaman ko.
"I don't know."
I deadly looked her in the eyes.
"I really don't know. I have no idea, okay?" sabi ng pinsan ko sa akin.
Pumintig ang sentido ko. Wala akong magawa kundi ang sumama sa kaniya sa labas at hindi kalayuan sa labas ng theater, sa lobby, ay naroon si Tito Rojas at ang mga Andrado, talagang hinintay kami.
Sinalubong kami ni Tito Rojas.
"Come here, Mayari. . . Ipapakilala kita sa mga Andrado." sabi nito sa akin. Bakas na bakas ang saya sa mukha niya.
Ipinakilala niya sa akin ang Mom and Dad ng mga Andrado, magalang na tinanggap ko ang pakikipagkamay nila.
"Nakita na kita sa resto, I'm Damain," pakilala ng lalaki na malamig pa sa yelo kung tumingin. Mukhang pareho kami ng vibes, bad vibes. Inabot ko ang kamay niyang naka-angat sa ere para makipagkamay.
"I'm Seb, tanda mo naman siguro ako." sabi niya, ang lawak lawak ng ngiti niya, "fan na fan mo ako!" sabi na naman niya.
"She's Mayari Grace Oriña, but she's using my family name which makes her Mayari Grace Aliveros." si Tito Rojas ang nagsalita at nagpakilala sa akin sa mga 'to.
Nagtaka man sila dahil hindi ako nagsalita ay agad din silang ngumiti at tumango. Isa isa kong tinapunan ng tingin ang mga Andrado at isa lang ang masasabi ko, magandang lahi. . .
Hinanap ng mata ko ang isa pang Andrado. . . He's not here. Umalis na ba siya?
"Oh! Kuya Michael! Halika na rito! You're so tagal ah." sabi ni Seb kaya naman mabilis kong nilingon ang tinitignan niya at gano'n na lang ang pag-awang ng labi ko dahil biglang bumagal ang ikot ng mundo.
He's fixing his hair while walking and looking at our direction. . Or at my direction? Kahit na hindi sigurado kung ako ba ang tinitignan niya ay umiwas ako ng tingin.
"Oh, andito ka pa pala anak, akala ko umalis ka na." sabi ng ginang ng Andrado.
"I was about to." sagot ng lalaki nang makarating siya sa amin. Tumayo siya sa mismong harapan ko. . . at hindi ako makahinga ng maayos.
"Here, ito pala ang panganay ko, Rojas, isang heneral sa Pilipinas." pakilala muna ni Mrs. Andrado sa lalaki kay Tito Rojas.
"I know, I know! Lagi ko siyang nakwe-kwento sa inyo, Mayari and Lou, right?" sabi ni Tito sabay tingin sa akin kahit na katabi lang naman niya ang anak niyang si Lou na tumango at sumagot.
Habang ako, hindi ko alam. . . Pipi naman ako pero natameme ako sa kaharap ko.
"Why isn't she talking?" bulong no'ng Damain sa Ama nila na narinig ko naman. Kibit balikat lang ang sagot nito sa anak niya.
"Baka hindi siya nakakaintindi masyado ng Tagalog o baka ayaw lang niya kayong kausap. Lalo ka na, Seb, ang ingay mo." suway ni Mrs. Andrado sa bunso nila na maingay talaga. Bumaling 'to kay Carmichael na abala sa cellphone niya. "And you, don't be rude. Using your phone while facing other people?"
"I'm sorry. . " sabi kaagad ni Carmichael sabay tago ng cellphone niya. Tumingin siya sa akin kaya naman nahuli niya akong nakatingin sa kaniya.
"Boom, huli. Kuya alam mo ba na kanina pa 'yan nakatingin sayo." humagikhik na sumbong ni Seb sa Kuya niya.
Tumaas naman ang dalawang kilay ni Carmichael na nakatingin sa akin.
Tumikhim ako at umiwas ng tingin.
"You really aren't talking huh." sabi nito, amusement was in his voice. At alam kong nakatingin pa rin siya sa akin kahit na hindi ko siya tignan.
"She's a bit. . . quite and looks cold. And it's her normal." sabi ni Lou kay Carmichael at tumawa pa ng mahina.
I tugged my cousin's clothes. Tinignan ko siya at agad niyang nalaman kung ano ang gusto kong sabihin.
Akala ko ba ipapakilala lang? Tapos ko na silang makilalang lahat. Pwede na kaya akong umalis at sila na lang ang mag-usap usap dito kasi gusto ko ng umuwi at mahiga sa kama para makapagpahinga.
"Papa," tawag ni Lou kay Tito Rojas na may ibang mundo na kasama ang sina Mr. and Mrs. Andrado.
Tumikhim si Tito, nilapitan ako at inakbayan bago niya ako iniharap sa lalaking iniiwasan kong makatitigan.
"General Carmichael, this is my nephew Mayari." muling pakilala sa akin ni Tito sa lalaki, ngumiti ng maliit ang lalaki sabay tango.
"Hi," Carmichael said, again, for the second time.
Tinabig ng mahina ni Tito ang balikat ko sabay sabing, "Batiin at ngitian mo naman ang fiance mo, Mayari."
Tila sasabog yata ang ulo ko sa sinabi ni Tito Rojas at bumilis din ang kabog ng dib-dib ko habang nakatingin sa lalaking nagtataka rin yata sa narinig niya.
Nakaawang ang labi niya, bakas ang gulat sa mga mata niya. Tapos biglang nawala lahat ng emosyon sa mukha niya. Hindi siya sang-ayon. Gano'n din naman ako.
Like, what the hell?
"Siya 'yong sinasabi ko sayong lalaki na gustong gusto ng Lolo mo para sayo. He's your fiance and your engagement party will be hold in the Philippines one of this days." masayang pagpapahayag pa ni Tito sa akin na para bang masaya rin akong marinig ang binabalita niya.
"So. . . you're my fiance huh." magalang man ang boses ni Carmichael sa iba, rinig na rinig ko ang sarkasmo ro'n.
Walang emosyon ko lang siyang tinignan.
Nagwala ang puso ko at uminit ang pisngi ko nang bigla niyang kunin ang kamay ko at dinala sa labi niya, marahan niyang dinampihan ang magaan na halik ang likod ng labi ko.
Mukhang malambing 'yon sa tingin ng iba dahil nakangiti sila nang makita ang ginawa niya pero wala akong makita sa kaniya kundi pagkadismaya.
Magaling ako bumasa ng tao. . .
Pinipilit niyang pinapakita na ayos lang sa kaniya ang lahat kahit na hindi. Mabait siyang tao, dahil kung ibang tao siguro siya ay umalis na siya ngayon sa harapan ko at. . pinahiya ako sa pamilya niya at kila Tito.
"She's beautiful, isn't she?" sabi ni Seb sa Kuya niya.
Tumaas ang sulok ng labi niya, hindi niya na magawang ngumiti.
"Pwede ba kaming mauna ng umalis? Ihahatid ko na lang siya sa hotel kung saan siya tumutuloy. I just want some. . . privacy. I want to talk to my. . . fiance." parang labas pa sa ilong na sabi niya.
Gusto kong mapangiti dahil magaling siyang magpanggap pero pinigilan ko ang sarili ko. I acted cold and unbothered.
Kaagad namang pumayag sina Mr. and Mrs. Andrado, lalo na si Tito Rojas sa sinabi ni Carmichael. Natuwa sila at mukhang excited pa nga dahil sila na mismo ang nagtataboy sa amin.
"You're lucky to have her." pahabol na sabi ni Mr. Andrado.
"Yey! Magiging sister in law ko pala ang idol kong si Mayari? Instant autograph makukuha ko niyan!" rinig ko pang sabi ni Seb habang naglalakad na kami palabas.
Hawak hawak pa rin ni Carmichael ang kamay ko. Ewan kong aware ba siya na hawak niya pa rin ako pero ako, aware ako at hindi ko alam sa sarili ko pero gusto ko ang pakiramdam ng hawak niya.
Pumunta kami sa parking area at inalalayan pa rin niya ako hanggang sa marating namin ang sasakyan niya, hanggang sa makasakay ako.
Nahigit ko ang hininga ko nang bigla siyang lumapit sa akin at inilagay ang seatbelt ko.
Nakalimutan kong ikabit. . . masyadong lutang ang utak ko sa kamay niyang nakahawak sa akin kanina.
"What do you think about that?" bigla siyang nagsalita kaya naman tinignan ko siya. Wala yata siyang balak na i-pagdrive ako pa-uwi sa hotel na tinutuluyan ko. He's interrogating me!
Tinignan ko lang siya.
"I don't want this set up, Miss Mayari Grace Aliveros." sabi niya sa mahinahon na tono. "Hindi ko gusto na matali tayong dalawa sa isa't isa. Kahapon lang kita nakita at nakilala tapos. . . ikakasal tayo bigla? Hindi ayos sa akin 'yon. Alam kong ikaw din, hindi ba?"
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Mag-si-sign language ba ako?
Maintindihan ba niya?
Iiling na lang? Tatango?
Umawang ang labi niya nang makita na wala akong balak sumagot.
"Tanggihan mo na lang kaya? Reject it and you're free. We're both free. . " suhesyon niya.
Okay. Okay. . . I also don't want this. . .
Na-ooverwhelmed ako. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagotin. O kung ano ang isasagot ko.
Nagsusumamo niya akong tinignan.
Dang.
Inabot ko ang seatbelt na ikinabit niya. Aalisin ko na sana 'yon para makaalis na lang dito ngayon mismo sa kotse niya, sa harapan niya, tatakasan ko na lang siya at hindi sasagutin ang mga tanong niya pero mabilis ang kamay niya.
Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako sa balak kong gawin.
Naramdaman ko ang panglalambot ng buong katawan ko dahil sa biglang pagdaloy ng kung anong kuryente sa buong katawan ko dahil sa paghawak niyang 'yon. Sa tingin ko naramdaman niya rin ang kuryenteng 'yon dahil mabilis niyang binawi ang kamay niya.
"Aalis ka? Don't tell me you want it?" kunot noo niya akong tinignan. "Gusto mo ang arrangements natin?"
No.
Gusto ko ng organic encounter. Gusto ko, gusto talaga ako. Hindi 'yong ganito. . .
I like him. His looks, his personality, him. But not this situation.
Gusto ko na siya simula pa no'n, gusto ko na kasi si C.Andrado eh. Tapos turn out na siya pala si C.Andrado. Itong nasa harapan ko na pala 'yong unknown person na gusto ko noon pa.
"Why, Miss Aliveros? Do you like me?" tanong na niya. Sumeryoso na ang tono niya at tingin niya sa akin.
Tinignan ko lang uli siya.
Yes.
I wanted to answer him. Pero wala eh. . .
Iiling na lang sana ako bilang sagot pero nagulantang ang puso ko nang bigla niyang iniangat ang kamay niya. I flinched by his action and close my eyes.
Pero dumampi ng marahan ang kamay niya sa pisngi ko at hinaplos 'yon na para bang ito ay isang napakahalagang bagay na dapat ingatan.
"You're so breathtakingly beautiful, Miss Mayari. . . no. . no words can describe how beautiful you are, really. . " papuri niya sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko, "lahat ng lalaki maiinggit sa akin kapag nalaman nila na sa akin ka. Beautiful. Talented. . . But sorry to disappoint you, Miss Mayari. . . You are not my type."
Parang kinuha niya ang puso ko nang araw na nagkita kami at tinapaktakapan niya 'yon ngayon.
Those words made my heats throbbed in pain.
Sa unang pagkakataon ay nasaktan ako. Nasaktan ako sa mga sinabi ng isang lalaki, ng isang tao.
Akala ko immune na ako sa sakit.
Siya lang pala ang makakapagparamdam uli ng sakit sa akin.