"Welcome to the Philippines, Mayari!" masayang sabi ng pinsan ko nang makarating na kami sa bansang pinagmulan namin.
Ngumisi lamang ako. "Aalis din tayo rito pagkatapos ng concert ko. And this will be my first and last concert here." I signed. Seryoso ang mukha kong nakatingin sa pinsan ko na nginisian ako.
"Nah, you don't mean that. Dahil sure na sure ako na mananatili ka na rito dahil ikakasal ka at mapapang-asawa mo si General Carmichael! He's a good guy, Mayari—" hindi ko na pinatapos ang sasabihing papuri ni Lou sa lalaking 'yon dahil umalis na ako sa harapan niya.
Yes, he's a good guy. Pero hindi niya ako gusto.
I'm not his type.
Annoying.
Gusto kong umirap sa hangin dahil naalala ko na naman kung paanong pinuri pa niya ako ng malala bago niya sinabi na hindi naman pala niya ako tipo.
"Alam mo ba na pumayag na si Carmichael sa engagement niyo?" habol sa akin ni Lou, pareho na naming bitbit ang maleta na naglalaman ng gamit namin.
Kumabog ang dib-dib ko sa narinig. Nagpantig din ang tainga ko.
What?
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya. Tinignan ko kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. Maganda ang ngiti niya sa akin.
Akala ko ba ayaw niya?
"I don't care." sabi ko gamit ang sign language bago uli ako nagpatuloy na maglakad. Ramdam ko na sumunod na si Lou sa akin.
"Oh, my goodness!" biglang hiyaw ni Lou kaya natigilan ako at tinignan siya. Nakatakip ang kamay niya sa kaniyang bibig at bakas ang gulat sa mukha na nakatingin sa kung saan kaya kunot noong tinignan ko ang tinitignan niya.
At kitang kita ko kung gaano kalaki ang mga tarpaulin na nakasulat ang pangalan ko at may mukha ko sa may labas ng airport.
"Wow, I am not aware that you're famous here in the Philippine, Maya! Ang daming fans mo ang naghihintay sayo sa labas!" she exclaimed!
May tila malambot at mainit na kamay ang humaplos sa dib-dib ko nang makita ko na may iilan ngang mga tao na naghihintay sa akin sa labas. May nakalagay na pangalan ko, litrato ko at kung ano ano pa na tungkol sa akin.
Muntik na akong mapangiti.
Ang ilan sa kanila ay ka-edaran ko pero mas maraming mga nakababata.
Nag-init ang pisngi ko.
How come that I have fans here?
"Hay naku, kaya pala halos magmaka-awa sa akin si Romanovz na sabihin sayo na tanggapin mo na ang offer niya." sabi ni Lou.
Nagtataka man ay hindi ko siya binigyan ng sagot sa sinabi niya.
Romanovz? Sino na naman 'yon?
"Paano na tayo makakalabas niyan? Ano ka, k-pop? Sikat yarn?" nakakalokong usal niya pero kabado ang tawang pinakawalan niya. Hindi niya siguro siya makaisip ng paraan para makaalis kami rito ngayon.
Hindi ko rin naman inaasahan 'to eh. Akala ko normal lang. Nakakagulat.
Masaya ako na makita sila pero. . . ayaw ko ng interactions muna ngayon dahil ubos na ubos na ang social battery ko. Saka na, sa fan meetings or sa mismong concert ko sila haharapin.
"Hi, ladies!" in middle of our confusion, biglang sumulpot ang maingay at makulit na si Seb.
Parang nakahinga ng maluwag si Lou nang makita niya ang lalaki.
"Alam ko kasi na sikat ka, at andito ako para sunduin ka, itatakas kita sa mga kapwa fans ko." sabi nito sabay kindat sa akin. Natawa naman si Lou sa tinuran ng lalaki pero walang emosyon ko lang siyang tinignan. "Sungit." busangot na sabi nito.
Binigyan niya ako ng shade at leather jacket na malaki sa akin.
"Ang lakas pa rin ng dating, putcha." sabi ni Lou habang sinusuri ako. "Mag-pusod ka muna ta's mag-cap." sabi nito kaya sinunod ko.
"Nah, edi halata ng artista at sikat siya kapag ganiyan. Dapat parang normal na tao lang siya." sabi ni Seb sabay alis no'ng cap.
"Makikilala pa rin siya,"
"Aakbayan ko na lang siya palabas para hindi agaw pansin."
Napatingin ako kay Seb sa suhesyon na sinabi niya. Hindi pa man ako nakakareklamo ay sumang-ayon naman kaagad si Lou sa lalaki.
What the. . .
Annoying!
"Kay Kuya Carmichael lahat 'yan," masayang imporma niya nang makita niyang naka-suot na lahat ng binigay niyang gamit sa akin. "Mukha ka ng normal na tao na siraulo lang kaya nagasuot ng ganiyan, at hindi na mukhang si Mayari sungit." komento pa niya sabay palakpak habang nakatingin sa kabuuan ko.
"Let's go." sabi ni Lou.
"No, Loulou, hindi ka dapat sasabay sa amin. Alam nila na ikaw ang manager ni Mayari, i-distract mo sila ro'n para makaalis kami ng mapayapa ni Mayari rito."
Ngumuso naman si Lou pero wala siyang nagawa kundi ang sundin ang plano ng lalaki dahil may point naman siya.
"Pain ka bio!" pahabol ni Seb kay Lou na lalabas na sabay tawa. "Tara," sabi niya sabay kuha ng maleta na hawak hawak ko.
Hindi na ako umangal nang bigla niya akong inakbayan nang nasa bungad na kami ng airport. Tatawa tawa pa siya nang makita niya si Lou na na-stress na yata sa pakikipag-interact sa mga fans ko.
"Kawawa. I will just treat here later." sabi ni Seb sabay iling iling.
Matagumpay na nakarating kami sa kung saan nakaparke ang kotse niya. Pinanood kong ilagay niya sa likod ang maleta ko. Papasok na sana ako sa kotse nang inunahan niya ako sa pagbubukas ng pinto.
Nilingon ko siya at malawak ang ngiti sa akin.
"Thank you," I signed.
"Walang ano man!" sabi niya, "mauna na kayo ah? Kukunin ko na si Loulou ro'n sa loob." sabi niya sabay sara ng pinto ng kotse.
Gano'n na lang ang pagtataka ko sa sinabi niya. At gano'n na lang din ang gulat ko nang pagharap ko kung sino ang nasa drive seat!
"Hi!" sabi niya.
Kumabog ng mabilis ng dib-dib ko nang makita ko ang maliit na ngiting sumilay sa labi niya.
In panicked, I just nodded.
He started the engine and muttered the word "let's go". . .
Walang hiyang nakatingin pa rin ako sa kaniyang habang nasa byahe kami. . . He's wearing his uniform. .
Isang siyang General. . . General na general siya tignan ngayon keysa no'ng nakita at nakilala ko siya sa Spain. His look. . . from the tip of his hair to his shoes. . looks so neat and intimidating yet approachable.
"Enjoying the view, huh?" rinig kong sabi niya kaya mabilis pa sa alas kwatro kong inalis ang tingin ko sa kaniya.
Napakagat labi akong napatungo. Gosh. . . nakakahiya! Hindi ko namalayan na titig na titig na pala ako sa kaniya.
Ibang iba ka kasi tignan ngayon. . . Gusto kong sabihin 'yan pero paano? In sign language? Maintindihan niya kaya? Huwag na lang. Kaya naman nanatimik na lang ako.
Sumandal ako sa kinauupuan ko at tinignan ang paligid na nadadaanan namin.
Seven years. .
Pitong na ang nakalipas simula nang nahanap ako ni Lolo sa puder ng adoptive parents ko at nilisan namin ang bansang 'to. I was 20 years old back then. . Young, dumb, and literally broke emotionally and financially.
Pitong taon na kaagad ang nakalipas pero 'yong pakiramdam ng mga pang-aabuso ng umampon sa akin at kinilala kong Tatay ay parang kahapon lang. Pitong taon na ang nakalipas pero 'yong pakiramdam na kamuhian ka ng lahat at saktan ka dahil lang anak ka ng corrupt na politician ay nanatiling nasa utak ko, nag-iingay pa rin sila tuwing matutulog o mag-isa ako.
"Anak ng corrupt na politician!"
"Mamatay ka na! Anak ng buwaya!"
"Yuck! Magnanakaw ang Tatay! Siguro magnanakaw ka rin 'no?"
"Luxury life from tax ng bayan"
Tapos babatuhin nila ako ng kung ano ano, kamatis, itlog. . . bato. .
Sinasaktan nila ako dahil ginago sila ng politikong binoto nila. Sinasaktan nila ako dahil anak raw ako ng taong nagnakaw ng dapat ay para sa bayan.
Sinasaktan nila ako pero hindi nila alam. . . kahit kailan hindi ako nakatikim ng sinasabi nilang sarap sa buhay dahil sa nakaw. Hindi nila alam na ako ang unang nakakaranas ng sakit. . ng mas malalang trato keysa sa kanila.
Anak nila ako, inampon nila ako para may pagbuhusan sila ng inis, galit.
Kaya ayaw ko sa bansang 'to eh. Ayaw kong bumalik rito. . Puros mga masasamang ala-ala lang ang ma-aalala ko rito.
I never had a happy memories here.
I never had a happy memories here. . .
"Are you okay?"
Nabalik ako sa ulirat nang biglang nagsalita ang taong nasa harapan ko. Hindi ko namalayan na nakahinto na pala ang kotse at puno ng pag-aalala siyang nakatingin sa akin.
"You look so. . . down." punto niya. Ngumiti siya, "hindi ba next week ang concert mo? Are you not excited? Or may masakit lang sayo?" sunod sunod ang naging tanong niya.
Puno ng pagtataka at makikitaan din ang pag-aalala ang tingin niya sa akin.
"Nice talking." sabi na lang niya nang hindi ko siya sinagot at muli niyang hinarap ang manibela at pinaandar ang kotse.
Did he stop the car just to check on me? Gano'n ba ako ka-down tignan na umabot sa puntong nag-alala siya at hininto pa niya ang kotse? Nag-aalala siya sa akin?
I wanted to answer his question. I wanted to say that I am okay. To re-assure him.
But then again, I can't.
I just can't.
And he look pissed because I didn't answer him.
"Uhm, siguro naman nasabi na sayo. . ." panimula niya, "I already accepted the proposal of our family. Pumayag na ako sa engagement natin. Magpapakasal na ako sayo." imporma niya.
Gusto kong ngumiti sa tinuran niya pero pinigilan ko ang sarili ko.
Like, why?
Ano ba ang dahilan niya? Bakit niya tinanggap? Bakit siya pumayag? I'm sure that I am not the reason because he already rejected me. He said it on my face. Pinamukha niyang ayaw niya sa akin at sa kasal dahil hindi niya ako tipo tapos ngayon. . .
I'm sure it's because of his inheriting something or what.
Sinong matutuwa sa gano'n?
Well, not me.
"Okay? How about you? Did you accept it?" tanong niya pero bumuntong hininga na lamang siya nang wala na naman siyang matanggap na sagot mula sa akin. "It's not nice of you for not answering me. You're a bit rude." komento niya.
Psh.
Annoying.
Kung nakakapagsalita man ako, I wanted to tell him that I do, I accepted it. Kasi it was arrange before I was born. Plano na 'yon ng Lolo ko at ng Lolo niya noon pa. Na kahit ayaw ko ay magpapakasal pa rin ako sa kaniya kasi gusto ng Lolo ko.
Pero gusto ko rin eh. I wanted to try. Pero gusto ko, gusto niya rin. . . hindi 'yong dahil sa mana niya.
Nanatili na kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa village ng mga Andrado. Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng village nila. Ang gaganda ng bahay. . . Magaling ang enhenyero na gumawa ng mga 'to.
"Oh, nauna pa pala sila sa atin." sabi nito kaya naman tinignan ko ang tinitignan niya at nakita ko si Lou at Seb sa labas ng isang bahay.
Nag-uusap sila at mukhang nagbabangayan pa nga.
Kumaway kaway sa akin si Seb at nagmamadaling nilapitan ang kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
"Ang tagal niyo ah, saan kayo nag-go?" tanong niya.
"We just talked." sagot ni Carmichael sa kapatid niya.
"Oh, anong pinag-usapan niyo?"
"Anong paki mo?" sagot ni Carmichael sa kapatid niya at nag-unahan pa silang dalawa na kuhanin ang maleta ko sa likod ng kotse. Sa huli, si Seb ang nagwagi.
"Sus, napag-usapan niyo ba 'yong tungkol sa engagement niyo? Nasabi mo na ba kung ano ang dahilan mo kung bakit ka pumayag sa kasal niyo?" daldal ni Seb sa Kuya niya.
"She seems not so interested about anything to our engagement so. . . no." sagot ni Carmichael habang nakatingin siya sa akin, "she's boring and cold." sabi nito.
"Sus, pero maganda." nang-aasar na sabi ni Seb.
"Yap. Boring and cold. Pero maganda." hindi ko inaasahan na pasasang-ayonan ni Carmichael ang sinabi ng kapatid niya.
Sinabi niya 'yon habang nakatingin sa akin.
Sinabi niya 'yon ng walang pag-dadalawang isip.
Kumabog ng malakas ang dib-dib ko nang ngumiti pa siya sa akin.
"You know why I accepted the arrangement?" tanong na naman niya pero hindi na naman ako nakasagot. "Because you're beautiful, and I was enchanted from your beauty."