Chapter 6 : Gentleman

2066 Words
Still in awe, sinundan ko sina Lou at Seb na naunang pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung kaninong bahay 'to? "Wait for me!" rinig kong sabi ni Carmichael at alam ko na nakasunod na siya sa akin pero hindi ko na siya nilingon o tinignan pa. Ayaw kong makita niya ang pisngi ko, alam kong namumula 'yon ngayon. "Kuya! I-tour mo muna kaya sila rito sa bahay mo?" sabi ni Seb, naka-upo na siya sa sofa na parang pagod na pagod. Gano'n din si Lou, pero siya ay pagod talaga. "Bakit sila? Siya lang," turo sa akin ni Lou, "hindi naman ako titira rito eh. Aalis na rin ako maya maya, hinatid ko lang talaga siya." sabi niya sabay ngisi sa akin. "Mamaya na," sagot ni Carmichael kay Lou at nahigit ko ang hininga ko nang naramdaman ko na tumabi siya sa akin, "magpahinga ka muna. I'm sure you're tired in your flight." he said in his gentle voice. Tumango lang ako. "Halika, dadalhin na kita sa kwarto mo." aya niya at hindi ako nakapalag nang hawakan niya ang pala-pulsuhan ko para igaya ako sa paglalakad. "Aalis na pala kami, 'di ba Seb?" sabi bigla ni Lou. Mabilis na nilingon ko siya at nagmamakaawang tinignan. Ayaw kong iwanan niya ako rito ngayon ng kami lang ng lalaki! Bakit na siya aalis kaagad? "Oo! Oo! Aalis na kami! Bahala na kayo! Ikaw na bahala kay Mayari, Kuya ah? Ba-bye!" sabi naman ni Seb at sabay silang umalis. Pareho naming pinanood ni Carmichael ang pag-alis ng dalawa. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. "Uhm. . Let's go?" sabi nito at naglakad na. Doon ko lang uli naalala na hawak hawak pa rin pala niya ako kaya naman marahan na binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Napatingin siya sa akin sabay hingi ng pasensiya. "It's my house, for your information. Sabi ni Mom and Dad, pati si Tito Rojas na mas maganda raw na rito ka muna mag-stay para mas makilala raw natin ang isa't isa. It's their idea. . ." kwento niya habang pa-akyat na kami sa second floor. Pinakinggan ko lang ang sinabi niya at tumatango tango kahit na hindi naman niya ako nakikita. Abala rin kasi ako sa pag-tingin ng kabuuan ng bahay. All I can say is. . . this house really belongs to him. To Carmichael. Ang warm ng ambiance ng buong bahay. Halatang mabait ang may ari, gano'n ang vibes niya. "Wala pala akong stay in employee, wala akong mga katulong dito sa bahay. Okay lang ba sayo?" tanong nito sabay lingon sa akin. I nodded. Tumaas ang kilay niya. Huminto siya sa paglalakad nang nasa parteng hall way na kami ng bahay nila. Nagtataka ko siyang tinignan. Nakatitig siya sa akin at sumandal sa pader. "May helper akong pumupunta rito, isang beses sa isang Linggo para mag-linis ng bahay kaya hindi mo na iintindihin 'yon." nagsasalita siya habang nakatingin sa akin. Siguro para tignan ang magiging reaksyon ko sa sinasabi niyang information? Again, I nodded. "Gusto mo bang mag-hire ako ng katulong? You know, so someone will accompany you here while I was in work? May katulong sa mga bagay bagay." he said and smile. Umiling ako. "You can cook?" tanong niya, nababasa sa kaniyang nga mata na naaaliw siyang tinitignan ako. I nodded. And he smile widely. "Perfect." sabi niya, "let's go." aya niya at tinalikuran na niya ako at muli siyang naglakad. Napahawak naman ako sa dib-dib ko dahil parang may kabayong mabilis na tumatakbo sa loob no'n. Huminga pa ako ng malalim para pakalmahin ng nagwawala kong puso bago ako sumunod sa paglalakad sa kaniya. Kung normal na babae lang siguro ako ay kanina pa ako nakangiti dahil sa kilig dahil sa uri ng tingin niya sa akin. He just happy to look at me. . . parang gano'n. And I wanted to clap, to give myself around of applause for being calm amidst of that. General Carmichael Andrado staring at you like that while he's wearing his uniform? I'm dead. He's so so handsome. Maya maya ay nakarating na kami sa kwarto na tutuluyan ko. Muntik ng tumaas ang kilay ko nang makita ko ang loob no'n. . at nang pumasok ako ay agad kong natukoy na sa kaniya ang kwartong 'to. Amoy na amoy ko kasi ang perfume niya rito. "It's my room." sabi niya at inimbitahan na niya ako sa loob. "ayaw ko namang patuluyin ka guest room because I don't want to treat you like a guest." sabi niya sabay ngiti. Tumango na lang ulit ako. But how about him? Saan siya matutulog? Sa guest room siya matutulog gano'n? I wanted to ask him. . . Nakatalikod siya sa akin kaya naman lumapit ako sa kaniya at hinila ko ang dulo ng suot niyang uniform. Kaagad niya akong nilingon. "Hmm?" Bigla akong nataranta. Ang lapit ko pala sa kaniya kaya napaatras ako. Nakita niya 'yon at natawa naman siya ng mahina. Natulala ako sa mukha niya. "Gusto mo bang umalis na ako? Magpapahinga ka na? Pwede mo namang sabihin ng direkta." sabi niya at bumuntong hininga, "paano kaya natin makikilala ang isa't isa kung ganiyang. . . ayaw mo naman ako kausap?" bumakas ang pagkadismaya sa mukha niya pero saglit lamang 'yon. Ngumiti naman siya kaagad pero 'yong pagkadismaya niyang 'yon ay kitang kita ko. "Have a good rest, baba ka na lang kapag gutom ka. I'll cook something for you." he said and left the room. Hahabulin ko pa sana siya, gusto ko siyang kausap. I wanted to talk back. Pero napahinto ako. Biglang nagbago ang isip ko. Biglang ayaw ko na lang mag-sign language sa harapan niya. Biglang ayaw kong makita niya na. . . pipi pala ako. Biglang. . . na-insecure ako sa disability ko. Paano kapag nalaman niyang pipi ako? Papayag pa ba siyang pakasalan ako? Hindi ko pa nga lang siya sagutin ay nadidismaya na siya. . . paano pa kaya kapag nalaman niya na hindi talaga ako nakakasagot kasi nawalan ako ng kakayahang magsalita? Napatingin ako sa salaming nasa harapan ko at kitang kita ko ang malungkot na mukha ko. Psh. Annoying. Mabilis na inalis ko ang malungkot na emosyon sa mukha ko at pumunta na sa banyo para makapag-linis ng katawan bago mahiga sa kama niya at matulog. Dapat sanay na akong nadi-disappoint ang mga tao sa akin. . . at sanay na ako na nadi-disappoint ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Pero ngayon. . . ngayon ko lang uli naramdaman na malungkot. Tanggap ko naman na isa akong pipi, noon pa. . . Ngayon ko lang uli naramdaman maging insecure dahil sa pagiging pipi ko. F-ck it. Dati naman ay wala na akong pakialam pa. Ano bang meron sa Carmichael na 'yan? Inis na inalis ko ang lahat ng nakasuot sa akin at naligo upang mahimasmasan. Ano bang nangyayari sa akin? Wala dapat akong pakialam kung magustuhan niya ako o hindi kapag nalaman niya na pipi ako. Kung ayaw niya, edi huwag. Gano'n lang dapat 'yon. Gano'n dapat. Dapat. You need to understand that, Mayari. No exceptions. Kahit na gusto ko siya. Ginamit ko na ang mga gamit niyang shampoo at body wash dito. I have no choice. Pero habang patapos na ako sa pagligo ay doon ko lamang naaalala na hindi ko pala nadala ang mga gamit ko rito sa loob ng kwarto niya. Napatapik na lamang ako sa noo ko. What I'm going to do? Wear my used clothes again? Nah. . . I'm not doing that. Kinuha ko ang hindi gamit na towel sa drawer at binalot ko 'yon sa katawan ko. Wala ba siyang bathrobe? Mas comfortable sana if 'yon ang gamit ko ngayon. He have one but it used. . Nakasabit sa gilid pero ayaw ko 'tong gamitin. Dang. Lalabas ako ng kwarto niya ng nakabalot lamang ng towel? Nag-init kaagad ang pisngi ko sa isiping 'yon at umiling iling. No. I'm not also doing that. That's. . . so inappropriate and not so elegant of me showing my skin to the man I just met? At kay Carmichael pa? Hinawakan ko ang doorknob ng banyo at huminga ng malalim bago ko 'yon pinihit pabukas. Naka-ipang hakbang pa lang siguro ako palabas ng banyo ay biglang bumukas ang pinto at niluwa no'n si Carmichael na mukhang nabigla sa nakita niya. Umawang ang labi niya. Bakas ang gulat sa mukha niya. Medyo nanlaki ang mga mata niya. Nagkatinginan kami bago niya tinignan ang kabuuan ko. . Gusto kong sumigaw na tumalikod siya pero hindi ko magawa. Pero 'yon ang ginawa niya. Mabilis niya akong tinalikuran. "F-ck, I'm sorry. . . I. . . I didn't know. . .I. . I didn't mean to. I'm sorry, Mayari." pa-ulit ulit na sabi niya. Bakas ang hiya at taranta sa boses niya. "Dadalhin ko lang sana 'tong mga gamit mo rito. . hindi ko alam. . . " As usual, I can't say anything. I wanted to say that it's okay, na walang may gusto sa nangyari. Na hindi dapat siya nagso-sorry. And I like what he did. . . tumalikod siya kaagad. Aside from being kind and a gentleman, he's also respectful. Hinawakan ko ng mahigpit ang towel na nakabalot sa katawan ko na parang malalaglag 'yon kahit na hindi naman. I was just conscious about it. Hindi ako sanay na may nakakakita ng katawan ko lalo na at may mga bakas 'yon ng nakaraan ko. Ang bilis bilis ng kalabog ng dib-dib na parang ano mang oras ay lalabas na ang puso ko dahil doon. "Uhm. Aalis na ako. . . Again, I didn't mean to. I'm sorry. . . " mahina ang boses na sabi niya, hindi na ako nilingon pa, kita ko pa ang pagyuko niya ng mahina at rinig ko ang mahinang pagmumura niya bago niya isinara ang pinto. St-pid, Mayari. . St-pid!! Napatapik na naman ako sa noo ko at napasalampak sa kama na nasa tabi ko. Nang mabawi ko na ang lakas ko dahil sa nangyari ay kinuha ko na ang maleta ko at binuksan. Kaagad kong kinuha ang underwear at pajama set ko at nagbihis. Nang matapos magbihis ay tulala akong naupo sa kama ni Carmichael at tinuyo ang basang buhok ko gamit ang towel. Nahiga ako sa kama nang matapos. Gustuhin ko mang matulog para makapagpahinga ay hindi ko magawa dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kanina at. . . nasa kwarto kasi ako ni Carmichael. All the things around me was his. Nakatulala lang ako sa kisame niya. Bukas ng gabi na ang concert ko. Dapat nagpapahinga ako ngayon, tapos hanggang bukas. Hindi naman ako sobrang pagod. Maya maya ay natigilan ako sa pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto. "Mayari," boses 'yon ni Carmichael. "I already cooked, adobong manok, tinola, and chicken curry. . . Bumaba ka na lang kapag gutom ka na." Bumusangot ako. Bumuntong hininga. Pinikit ko na lamang ang mga mata ko. Matutulog na lang ako. Bukod sa nahihiya pa akong harapin siya dahil sa nangyari kanina. Ayaw ko rin ng mga pagkaing niluto niya. "I'll wait for you to come down, hmm? Alam kong hindi ka pa tulog, may jet lag ka pa eh. Kumain ka sa baba ta's uminom ka ng meds." Ayoko. "Mayari? Okay. . . Aalis na lang ako? Para hindi ka mailang or what." sabi niya at lumipas ang ilang segundo, wala na akong narinig na pagtawag. Aalis siya? Sa sarili niyang bahay? Akala ko hindi totoo ang sinabi niya pero nang lumalim na ang gabi, kumulog ang tiyan ko. Gutom na ako. Kaya naman bumaba ako para kumain. At umalis nga siya. Wala akong Carmichael na nadatnan sa baba. Wala sa kahit saang sulok ng bahay niya. Pumunta ako sa ref para kumuha ng makakain ng makakita ako ng notes sa pinto no'n, nakadikit. Dear Mayari, I've already put the food I cooked in the refrigerator. Just reheat it when you're ready to eat. I'm just at my sibling's house so don't worry. I made all that food for you – hope you enjoy every bite! And I hope you finish it all up! Enjoy eating! Carmichael :) Napangiti ako dahil sa smiley emoji sa dulo ng pangalan niya at dahil ang ganda ng sulat kamay niya. . . pero kaagad ding natunaw ang ngiting 'yon dahil hindi ko talaga makakain ang niluto niya. I feel bad. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD