"Oh my gosh, Mayari!"
Malakas na buntong hininga ang ginawa ko nang matapos ang first day ng concert ko rito sa Pilipinas. One more. Two day concert kasi ang concert ko rito sa Philippine, every Saturday lang. Next Saturday will be the last.
Niyakap ako ng maingay kong pinsan. Halatang masayang masaya siya sa tagumpay na concert ko.
Sumunod namang yumakap sa akin si Tito Rojas. "I'm really super proud of you, Mayari. . "
"Me too! I am more more super duper proud than my Papa!" ayaw magpatalo ni Lou, hinawi pa niya pagilid ng Ama niya ang muli niya akong niyakap.
Naka-steady lamang ang kamay ko sa katawan ko, walang emosyon ang mukha ko pero sobrang taba naman ng puso ko habang naririnig ko ang pagiging proud nila at nararamdaman ko ang mainit na yakap nila.
Will, it's normal for them. Lagi nilang ginagawa 'yan kapag natatapos ang concert ko pero it's not normal for me. . It's keeping me warm and feel loved.
I am grateful. . . I just don't know how to show it them.
Hindi ako lumaki sa bahay na puno ng pagmamahal. Hindi ako naturuan kung paano ibalik sa iba ang pagmamahal na binibigay nila sa akin. Sinusubukan ko naman.
I smiled. I actually smiled and signed 'Thank you'. Nagkatinginan ang mag-ama at ngumiti.
"Kamusta pala kayo ni Carmichael? Kamusta ang makasama siya sa iisang bubong?" tanong ni Lou sa akin nang nasa dressing room na kami.
He didn't came home.
Simula no'ng umalis siya ng gabing 'yon, hindi ko na siya nakita hanggang maghapon ngayong araw. Kahit ngayon. . . Hindi siya pumunta para manood.
"It's boring." I signed.
"Weh? Paano ka niya tratohin? Wala eh, makiki-chismis pa sana ako sa ganap niyo kahapon kaso kailangan ko ng umalis."
I look her dead in the eyes.
"Para kasi magka-moment kayo. Magka-usap gano'n. . . Para mas makilala niyo ba ang isa't isa." pagsasabi niya ng totoong dahilan niya kung bakit biglang umalis sila kahapon ni Seb at iniwan ako roon ng mag-isa.
"Did you forget that I am mute? Hindi kami magkaka-moment, hindi kami magkaka-usap, at hindi kami magkakakilala kasi hindi kami magkaka-intindihan." sabi ko sa gamit ang sign language. Seryoso ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya mula sa salaming nasa harapan namin ngayon.
Ngumiti siya pero napangiwi na lang siya kapag kuwan at napakamot ng kilay.
"Hindi ko naman nakakalimutan 'yon, pinsan kong Mayari na maganda. . . Pwede naman kayo mag-usap gamit ang papel. . gano'n?" biglang hindi na siya sigurado sa sinasabi niya.
I scoffed.
"Hindi siya interesado sa akin, Lou." I signed. Kung nakakapagsalita lang ako, kung naririnig lamang ang boses ko ngayon, malalaman kaagad ni Lou na dismayado ako.
"Sus, bakit may pabulaklak ulit siya sayo kung hindi siya interesado sayo? Ano 'yan, trip? Gusto ka no'n." turo niya sa bulaklak na nakalapag sa isang mesa.
"Kung interesado siya sa akin ay alam niyang pipi ako, Lou, pero hindi niya alam 'yon. He never bothered to search about me and even cared to asked you, or Tito Rojas, or his brother Seb about me. He didn't even curious why I never spoke to him ever since we met. I am mute. That's the basic thing about me. . It's all over the internet but yet. . . he didn't even know. . . " mabilis ang pagkilos ng kamay ko, may diin at may pagka-irita. "So, don't you ever said that he's interested in me. . ."
"Mayari. . . "
"It's okay. I'm okay. I'm just frustrated."
"You like him, do you?" sabi niya at siya naman ngayon ang seryosong nakatingin sa akin. "Of course, you do. Hindi ka naman papayag sa engagement kung hindi."
"It's because of my Lolo's will, Lou." I signed. Of course, it's a lie. . . Bukod sa gusto 'yon ng Lolo ko, gusto ko rin. .
"Sinungaling." umirap pa siya. "Don't worry, sasabihin—"
"No." mabilis ang kamay kong senenyas 'yon. "Hayaan mong siya ang makaalam. . Hayaan mong siya ang magtanong. . "
Tumango naman 'to. Sumang-ayon sa gusto ko.
"Lou," I signed her name.
"Hmm?"
"I felt insecure. . ." pag-aamin ko sa pinsan ko at agad namang lumambot ang mukha niyang tumingin sa akin.
"Mayari. . . "
"What if he found out that I am mute? And he will call off the engagement because of that?" I signed.
"Hindi niya gagawin 'yon. I know him. I know Carmichael, hindi niya magagawa 'yon. He's kind and he's a man with principle. Pumayag na siya sa kasal niyo, hindi niya 'yon basta basta babawiin dahil lang sa pipi ka."
"But what if. . . yes, he's kind and a man with principle but what if he doesn't like woman who have disability to be his wife?" I signed. . naging mabagal na ang kilos ng kamay ko.
"Don't say that. . " and then, she hugged me. At ibang uri ng yakap ang ginawad niya sa akin keysa kanina. Mas magaan at masarap sa pakiramdam 'tong ngayon. "Disability doesn't mean disadvantages. You're beautiful, talented. . And will, a wealthy woman." ngumiti pa siya sa akin at tumaas taas pa ang kilay niya.
"But I'm mute. I am not perfect."
"You don't have, by any means, to be perfect to be worthy of love, Mayari. . " she said and it warms my heart even more.
Gusto kong umiyak pero pinanatili ko ang straight face ko. .
Ngumiti sa akin si Lou at pagkatapos ay iniwanan niya muna ako saglit. Kinuha ko ang oras na 'yon para magbihis at alisin ang mga make up sa mukha ko.
Hawak hawak ang bulaklak na bigay sa akin ni Carmichael ay lumabas ako ng dressing room. Nasa labas lang pala si Lou at kausap niya si Tito Rojas na kaagad naman akong niyakap.
"Tara," aya na ni Lou sa akin, "saan mo gusto? Ihahatid na kita sa bahay ni Carmichael o gagala muna tayo?"
"I want to sleep." sagot ko gamit ang kamay na kaagad niyang kinabusangot.
"Ang boring talaga ng buhay mo. Gusto kitang pasayahin eh. . "
"Malalim na ang gabi, at ayos lang ako." I signed. Tinignan ko siya at talagang pinakita ko na ayos lang ako.
Ayos lang naman talaga ako.
Ayos lang ako.
Inihatid niya ako sa bahay ni Carmichael. Buong byahe ay nakinig lamang ako sa mga kwento at pagda-daldal niya.
"Pwede namang sa bahay ka pa lang muna namin ni Papa, Mayari eh. Kahit ngayong gabi lang?" sabi ni Lou sa akin nang nasa tapat na kami ng bahay ni Carmichael, pababa na sana ako ng kotse nang sinabi niya 'yon. Nakatingin siya sa akin, ini-ingganyo ako na pumayag.
Tumanggi ako. Alam ko naman na ginagawa niya lang 'yon dahil sa nasabi ko kanina. Siguro akala niya ay hirap akong pakisamahan ang lalaki. Akala lang niya 'yon.
Matapang akong umuwi dahil alam kong wala naman siya ngayon dito sa bahay niya. Pero mali ako dahil pagkapasok ko sa sala ay kitang kita ko siyang nasa kusina, kumakain ng kung ano na namang niluto niya. Nakatalikod siya sa gawi ko and he's talking with someone in his phone kaya hindi niya napansin ang pagdating ko.
"No, hindi totoong ikakasal na ako." rinig kong sabi niya at tumaas ang kilay ko dahil doon.
Na-intrega ako sa sasabihin pa niya kaya nanatili akong nakatayo sa pwesto ko. Nag-cross arm ako upang hintayin na lang siyang malaman na narito ako ngayon sa likuran niya.
"No, Ophelia, it's not true. Kanino mo naman nalaman 'yang balitang 'yan? Source mo? Trust me bro?" pabirong sabi niya sabay tawa.
Ophelia huh.
"Yeah yeah, siguro kung ikakasal man ako ay dahil lang sa pinilit ako, hindi dahil gusto ko. . . It's my family thing. Ipapakasal sa kung sino para lang magpayaman. Business." tumawa pa siya matapos niyang sabihin 'yon. "You know that you're the one I wanted to be my wife, Ophelia. . . "
Oh.
"If I'm going to marry someone, it's because of heiress and because of my Lolo's will. . . It's not because I love someone else. I only love and will only love you, remember that, Ophelia. . Hmm?"
At parang may pumiga ng madiin sa puso ko habang pinapakinggan ang malambing niyang boses, ang matatamis niyang salita sa kung sino mang babae ang kausap niya ngayon.
"You're perfect, Ophelia. . . So perfect to be my wife in the near future."
At sa wakas, humarap na rin siya sa gawi ko.
Sobrang bakas na bakas ang gulat sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Nakaawang ang labi niya, nanlalaki ang mga mata niya, halos nabitawan na rin niya ang cellphone na hawak niya.
"Kanina ka pa riyan?" halos utal pang tanong niya. "Narinig mo ang mga sinabi ko kanina lang?" tanong na naman niya.
Bumakas din ang takot? sa mga mata niya.
Walang emosyon ko siyang tinignan at hindi ko siya sinagot ng tango o iling man lang. Nilibot ko ang tingin ko at tinungo ko ang nakita kong trash can saka ko tinapon ang bulaklak na hawak ko.
"Wait, what? Kanino galing 'yan? Bakit mo naman tinapon?" gulat na tanong niya matapos niyang makita ang ginawa ko. Tinignan niya ang basurahan bago niya binalik ang tingin sa akin.
Hindi ko na naman siya sinagot.
"Hey!" agaw pansin niya sa akin. Pinulot niya muna ang phone niya, mabilis na nagpaalam sa kausap na si Ophelia at hinabol ako.
Naabotan niya ako, hinawakan niya ako sa braso para pigilan sa paglalakad pero kaagad kong hinawi ang kamay niya.
"Can you please talk to me at least once? Just say yes or no." mahinahon na pakiusap niya. "Kanina ka pa ba roon? Narinig mo ba lahat ng. . . sinabi ko? Kasi kung oo, magpapaliwanag ako. . . "
At kung hindi? Gano'n na lang 'yon?
Parang ayaw kong malaman kung sino si Ophelia. . parang ayaw kong marinig ang paliwanag niya.
Tama na 'yong disappointment na nararamdaman ko ngayon sa kaniya. Huwag na niyang dagdagan dahil baka hindi ko rin kayanin.
Kaya naman. . . umiling ako.
"I changed my mind." sabi niya bigla na siyang pinagtaka ko. Sinabi niya 'yon na parang kausap niya ang sarili. "I'm talking with Ophelia. . . " umpisa niya. Parang nag-alangan pa nga.
I lost control. Tumaas ang kilay ko.
"Uhm. She's my. . . she's my ex-girlfriend and. . I am helping her."
Helping her?
Gusto kong matawa dahil hindi naman gano'n ang narinig ko kanina.
Pinaglalaruan niya ako.
Akala ko ba pumayag siya sa engagement dahil maganda ako? Kalokohan. Pumayag siya dahil pinilit siya, dahil sa mana niya, dahil sinabi at utos ng Lolo niya. . .
"I think, that's all you need to know now." ngiti niya.
Kung noong una ay ang saya at ang sarap sa pakiramdam ang ngiting 'yon, ngayon ay nakakairita na.
Umirap ako. He gasped. Nagulat siya nang makita ang panibagong reaksyon sa mukha ko.
"Finally, a new emotion. Akala ko talaga titigan mo lang ako ng parang robot ka." sabi niya pa. "Anyways, kamusta pala ang concert mo?" tanong niya at bumuntong hininga siya nang hindi siya makatanggap ng sagot. "Sigurado naman ako na successful 'yon, ikaw pa." ngiting sabi niya.
I look him dead in the eyes.
Natigilan siya pero muling ngumiti.
"Pasensiya ka na ah, hindi ako nakadalo. . hindi rin ako nakapagbigay ng gifts. . . May mga ginawa kasi akong trabaho sa station, hindi ko namalayan ang oras. Babawi ako sa second day ng concert mo, promise 'yan."
Tumango lang ako ng maliit bago ko ulit siya tinalikuran at naglakad ulit palayo sa kaniya pero sinundan niya lang ako.
Hindi siya nakapag-bigay ng gifts? Eh ano 'yong tinapon ko kanina lang?
"I'm so excited to watch you earlier. . It's just that I got so busy. I'm really sorry about that. I know that I am not that important person in your concert but still, I'm sorry for not attending. Hmm?"
Daldal siya nang daldal at naiirita na ako sa boses niya kaya naman nang malapit na kami sa kwarto niya ay binilisan kong maglakad hanggang sa makapasok ako sa kwarto niya. Nang nasa tapat na siya ng pinto ay walang pag-dadalawang isip kong sinara 'yon kahit na ang lapit ng mukha niya sa pinto.