Hindi inaasahan ni Luna ang nangyayari sapagkat labis niyang ikinagulat ang pag-aaway ng dalawang kapatid. Alam niya ay magkakampi ito laban sa kaniya ngunit sa nakikita niya ngayon ay matindi ang tension ang namamagitan sa dalawa. At pawang si Dievor ay may gigil nang patayin si Dallas at gano’n din naman si Dallas na halos dama niya ang matinding galit nito. Hindi na maalis ang kabang namamayani sa dibdib ni Luna ngunit kahit gano’n ay hindi siya binitawan ni Dallas bagkos ay mahigpit pa rin ang kapit nito sa kamay niya. “Hindi na ako nagulat sa ginawa mo. Unang-una naman taliwas ka na sa pinaplano ko. Kaya hindi kita matatawag na kapatid ko kasi traydor ka! Kinukuha mo ang lahat na dapat sa akin lang!” sigaw ni Dievor at napakalalim ng boses nito na dumadagundong at nagpapayanig sa bu

