Kitang-kita ni Luna ang pagbulagta ni Dievor at laking gulat niya sa ginawa ni Dallas. Hindi niya akalain na kaya niya itong gawin sa kapatid niya. Labis ang pagtatakang nararamdaman niya sapagkat nagawa nito ni Dallas at akala pa naman niya ay kasabwat ito sa pagpapahirap sa kaniya. Agad na hinawakan ni Dallas ang kamay niya ngunit para siyang natulala nang ilang segundo dahil sa nangyari. At bago niya ihakbang ang paa niya upang sumunod kay Dallas ay nagitla siya sapagkat biglang bumangon si Dievor at agad na nanlaki ang mata niya nang wala man lang bahid ng dugo ito sa damit nito. Agad namang lumipat ang tingin niya kay Dallas at halatang-halata naman sa mukha nang binata ang pagkabigla rin sa nangyari. Ngunit agad din itong napailing nang biglang naghubad si Dievor. At agad na bumun

