Chapter 79

1053 Words

Hawak-hawak ni Dallas ang kamay ni Luna nang mahigpit. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya na pawang ayaw niyang makawala ang dalaga sa kaniya. Hindi man maalis ang takot ni Luna habang naglalakad sila sapagkat kakaiba ang paligid.  Parang pakiramdam niya ay may nakamasid sa kanila at kahit anong oras ay puwede silang tadtaran ng bala. Ngunit kahit gano'n ay panatag ang loob niya sapagkat sa pinapakita ni Dallas sa kaniya ngayon ay sinisiguro nito ang kaniyang kaligtasan. Awtomatiko naman siyang napatingin sa kamay nito na nakahawak sa kamay niya. Sakop na sakop ng kamay nito ang kamay niya at sa pagkakahawak nito ay pakiramdam niya ay iniingatan siya nito at hindi nito hahayaan na masaktan siya. Hindi maipaliwanag ni Luna sapagkat pawang kinilig at natuwa siya sa kaniyang iniisip a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD