''Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?'' tanong ko naman sa kaniya at agad na tinabig ang mga kamay nito na nakahawak sa akin. Hindi naman ito kumibo agad at tiningnan lang ako nito na pawang nang-uusisa. ''Kailangan ko ng bumaba,'' dagdag ko pa't sapagkat pawang nailang ako sa paraan ng titig niya sa akin. Ngunit imbis sumagot ito sa mga sinabi ko ay tiningnan lang ako nito nang mas mataman kaya't awtomatikong nagsalubong ang kilay ko sa inaasta nito. ''Ano ba?! Bakit ka ba nakatingin?! Kailangan ko ng makaalis---'' ''Bakit mo ginawa iyon?'' biglang tanong nito na awtomatikong nagpatigil sa akin. Napailing-iling naman ako agad sa sinambit niya at agad na iniwas at hindi ko nagawang salubungin ang tingin nito. ''Hindi ko alam ang sinasabi mo, aalis na ako,'' saad ko at tinuon ang atens

