Kitang-kita ang pamumula ng pisngi nito sa lakas nang pagsampal ko sa kaniya. Hindi naman maipinta ang pagmumukha niya. Matalas na tingin naman pinukol nito sa akin na pawang gusto na ako nitong kainin nang buhay. ''Iwan mo na ako---'' Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay hinigit ako nito at agad na nilapit sa kaniya. ''Sa tingin mo saan ka pupunta sa lalaking iyon?!'' sigaw nito na nagpakislot sa akin. Dumadagundong ang boses niya at pawang nagpapabingi ito sa tainga ko. ''Ano bang pinagsasabi mo?! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan na ako!'' malakas na sigaw ko sa kaniya. Tila bigla naman itong natauhan at agad na binitawan ang kamay ko. Binigay ko ang lahat ng makakaya ko na pigilang 'wag tumulo ang nagbabadyang luha. ''Sumama ka sa akin.'' Namilog naman agad ang mata ko sa sina

