Abala ito sa kaniyang pagmamaneho at ako naman ay mataman na tinititigan ito. Hindi ko mawari kung ano ang tumatakbo sa isip niya dahil napakahirap nitong basahin. ''Pinapatay mo na ba ako sa isip mo?'' Nanlaki naman ang mata ko nang magsalita at tinapunan pa ako nito nang saglit na tingin bago nito tinutok na ang tingin sa kalsada. Napalunok naman ako nang sunod-sunod at pinilit na patatagin ang sarili. Hindi maaaring mahalata na naman nito ang takot na namamayani sa akin. ''Paano mo alam?'' tanong ko naman sa kaniya at talagang sinadya kong pataasin ang boses ko at bawat pagbigkas no'n ay madiin at may gigil. Napatingin na naman ito saglit sa akin at agad ako nitong binigyan ng nakakalokong ngiti na talaga ngang nakakainsulto at nakakapangtaas ng dugo. Inirapan ko naman ito at tin

