Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at naulinanigan kong nakatulog pala ako at nagulat na lamang ako nang makita ko ang mukha niya na sobrang lapit na sa akin. Konting galaw ko na lang ay lalapat na ang labi nito sa labi ko at halos hindi naman ako makakurap ng mata sapagkat halos malunod ako sa tingin nito. “Da..llas…” pagbanggit ko pa lang sa pangalan niya ay tila nanginginig na ako’t nawawalan pa ng boses. Halos ‘di na magkamayaw sa pagtibok nang malakas ang puso ko nang nakita kong napatingin ito sa labi ko at agad itong napakagat sa kaniyang ibabang labi. Hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman ko sa oras na ito. Tila wala akong maisip na gawin at nawawala ako sa sarili lalo nan ang maulinanigan ko ang paglapit nang mukha nito sa mukha ko hudyat na balak ako nitong halikan. N

