Nakatulala ako sa kawalan at 'di ko mawari kung tama pa ba 'tong ginagawa ko. ''Luna?'' Napaigtad ako sa gulat nang tawagin ako ni Marie at nanlaki rin ang mata niya nang makitang gulat na gulat ako. ''Ano ka ba Luna! Masyado ka namang magugulatin! Akala ko pa naman kung napaano ka na! Ayos ka lang ba ha? Kanina ka pa tulala at balisa riyan at tingnan mo pa ang itsura mo, namumutla ka na. May sakit ka ba? Bakit ka pa kasi pumasok at pinilit mo pang magtrabaho?'' mahabang litanya nito. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya sapagkat ang dami ng pumapasok sa utak ko at 'di ko na mawari kung ang desisyon ko ngayon at pagpayag sa gusto ng lalaking iyon ang tanging solusyon sa lahat. ''Luna nakikinig ka ba? Naku naman! Magpaalam ka kaya kay Senior Dallas---'' ''Huwag! Okay

