Naalimpungatan si Luna nang maramdaman niyang parang may kumalabit sa kaniya. At unti-unti namang napamulat ang mata ni Luna at laking gulat niya nang bumungad si Dallas sa harapan niya. Nakakunot ang noo nito at pawang mataman ang titig sa kaniya. Halos mapakurap-kurap naman si Luna sa paraan ng pagtingin nito. ''Ano? Sasama ka ba sa akin o hindi?'' parang naiinis na saad sa kaniya ni Dallas at 'di pa nakaligtas sa paningin niya ang matalim na tingin nito. Ibubuka na sana niya ang bibig niya nang napansin niyang hindi na nakatali ang kamay niya. At tila malaya na niyang nagagalaw ang kaniyang katawan. ''Paanong---'' ''Aalis na ako,'' mabilis na saad ni Dallas. At agad na tumalikod na ito sa direksyon niya. Kung kaya't mabilis na napatayo si Luna at 'di niya namalayang hinawakan niy

