Pawang nanghihina namang minulat ni Luna ang kaniyang mga mata. At agad na napansin niyang nakatali ang kaniyang mga kamay at paa kung kaya’t agad-agad siyang napabangon sa pagkakahiga at napatingin sa buong paligid. At laking gulat niya nang mapansin niyang nakaupo si Dallas sa upuan at pawang wala itong malay at Dali-dali naman siyang nagsisigaw at dahil do’n ay agad niyang naramdaman na may mga yabag ng paa na paparating sa kung saan man sila naroroon. Ngunit hindi siya natinag sapagkat kakaiba ang kutob niya at alam niyang malapit sila sa kapahamakan. Agad namang bumukas ang pinto at namilog ang mata niya nang bumungad doon ang lalaking nakamaskara at halos tumaas ang balahibo niya nang sumalubong sa kaniya ang nag-aalab nitong tingin gamit ang mapupula nitong mga mata. “Napak

