''Aray!" Napadaing naman ako nang sobrang sakit nang bigla kong maigalaw ang aking kamay. 'Di ko mawari at bigla itong namanhid at pawang hindi na ito makaramdam. Sa tindi siguro ng pagod nito. Ilang oras ba naman ang inabot ko para mag-ensayo. At pati ang taynga ko ay pawang nabingi na't hindi na ako makarinig. At sigurado ang mukha ko ngayon ay hindi na maipinta dahil sa sobrang haggard na dahil sa pinanggagawa ko kanina. Agad naman akong napaayos nang upo nang maramdaman kong paparating ito. 'Di ko mawari kung bakit kahit malayo ito ay ramdam ko na ang kaniyang presensya na pawang gano'n din ang naramdaman ko sa kaniyang kapatid. ''Sa pag-upo mo ba na iyan, alam mo na ang dapat mong gawin? Kabisado mo na ba kung paano humawak ng baril at iputok ito sa tamang direksyon?'' pambungad

