Hindi ko mawari kung bakit biglang natuod ako't hindi makagalaw dahil sa paghalik niyang iyon at tila nawala ako sa sarili at natagpuan ko na lamang na tumutugon na ako sa halik niyang iyon. At dahil sa pagtugon ko at pagganti sa kaniya ay agad na naging mapusok pa ang paghalik nito sa akin kung kaya't napapaungol na lamang ako sa sarap sa ginagawa nito. ''Ahh!'' Halos namamaos na rin ako't mawalan ng boses dahil sa galing nito sa paggalaw ng kaniyang dila at dahil sa ginagawa niya ay pawang nalalasing ako't nawawala sa sarili. Awtomatiko pang napapikit ako nang mata sa ginagawa nito sa akin at 'di ko alam kung bakit nanghihina ako lalo at 'di ko man lang ito itinulak bagkos ay hinahayaan ko lang ito sa ginagawa niya sa akin. Habol ang aking hininga nang maramdaman kung tumigil ito sa

