''I hate you Dallas Connor!'' malakas na sigaw ko kasabay ng pagpunit ko ng papel kung saan ako nagpipinta. Nakailang ulit na ako nang draft at talagang hindi ko ito maperfect sapagkat nasa isip ko ang itsura ng demonyong lalaking iyon. Ang mata niyang nanlilisik na akala mo lalamunin ka nang buo. Ang mga ilong niya na ang sarap pisilin dahil sa labis na pamumula nito sa galit. At ang labi nitong ang sarap humalik. Awtomatiko namang namilog ang mga mata ko sa mga naisip kong kalokohan. At pawang gusto kong magsuka sa mga bagay na pumasok sa isip ko. Ano ba iyon? Hindi ko mawari kung nasa tamang katinuan pa ako? Diniin ko naman ang paint brush ko sa papel at pawang 'di ko mawari kung anong ipipinta kong tamang imahe. At pawang napapangitan na ako agad sa mga nalilikha kong larawan.

