“Ako ang biktima rito pero bakit parang sa akin niyo pa sinisisi?” Napabuntong hininga ito nang malalim at ipinakita ang medical result sa akin at mabilis ko naman itong tiningnan.
“Nakalagay riyan na wala kang kahit anong sugat o nagpapakita na may s****l abuse kang natamo. Walang nakitang sugat sa pinakamaselang parte ng katawan mo at bukod doon ay wala namang kahit na anong nagpapatunay na ikaw ay ginahasa at prinuwersa,’’ saad nito at bakas sa boses nito ang pagiging walang gana.
Napailing-iling ako sa mga nakasaad sa medical result na ito.
“Kaya wala ka dapat ireklamo, kung tutuusin dapat kang magpasalamat sa lalaking naghatid sayo rito. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka tuluyan ka na nga talagang ginahasa---”
“Kalokohan!” malakas na bulyaw ko sa kaniya at nanlilisik ang mga mata kong tiningnan ito.
“Hindi niyo ba pinakinggan ang kuwento ko kanina? Hindi ako lumaban sa kaniya kasi nga sobrang trauma ang dulot niya sa akin! Kusang nanginginig ang tuhod ko at ‘di ako makagalaw!” dagdag ko pa’t sabay buhos ng luha mula sa aking mata.
Nanliit naman ang mata ko nang nginisian lamang ako nito.
“Bakit ‘di ka lumaban? May sarili ka ng isip para protektahan ang sarili mo. Kung hinahayaan mo lang baka gusto mo talaga,” natatawang ani nito na ikinataas ng dugo ko.
“ ‘Pag hindi ka lumaban ibig sabihin, ginusto mo rin. Hinayaan mo eh. Kaya wala kang lugar para magreklamo dahil wala ka namang ginagawa para tulungan ang sarili mo,’’ dagdag pa niya at nagsitawanan ang lahat nang nasa paligid.
Napatingin naman ako sa kanila, isa-isa. At ‘di ako makapaniwala sa mga tinuturan at tingin nito sa akin.
“Kaya nga ako humihingi ng tulong sa inyo---”
Hindi na nito pinatapos pa ang sasabihin ko at agad na nagsalita.
“Hindi kami tumutulong sa mga taong ginugusto naman ang nangyayari sa kanila. Dahil ‘di iyon natatawag na krimen kun’di isang kahinaan---”
Isang malakas na sampal ang pinatamo ko sa kaniya. ‘Di ko na hinayaan pang magsambit ito ng mga salitang hindi nararapat at pawang pangbaba ito sa pagkatao ko.
“ Hindi ibig sabihin na ‘di ako lumalaban ay ginusto ko na. Hindi porket hinayaan ko na gawin sa akin iyon ay hindi ko na matatawag ang sarili ko na biktima. Kahinaan ko iyon ang maging takot, duwag at ‘tong trauma na nakatatak sa akin ay ‘di ko na malabanan! Kaya nga ako humihingi ng tulong sa inyo dahil naghahangad ako ng kalayaan mula sa nakaraan na hanggang ngayon hindi pa rin ako tinitigilan!” sigaw ko’t kahit na mapaos na ako ay pinilit kong maging malinaw ang lahat ng mga sinambit ko.
Pero tila ba’y wala talaga silang naririnig sa mahabang litanya ko bagkos ay tiningnan lang ako nito na animo’y nagdadrama lamang ako sa harapan nila.
“Alam ko na. Malinaw na sa akin. Ano pa bang maaasahan ko sa inyo? Una pa lang hindi na kayo naniwala sa akin. Walang naniniwala sa akin. Imbes na alamin niyo ang totoo ay pinili niyo pang husgahan ang pagkatao ko,” natatawang saad ko sa kanila.
At agad na pinunit ang Medical Record sa harapan nila. At pinili kong umalis sa lugar na iyon.
Walang lingon-lingon. Diretso akong lumayo sa mga taong alam kong hindi makakatulong o walang kahit anong maiaambag sa sitwasyon na mayroon ako.
“ ‘Pag hindi ka lumaban ibig sabihin, ginusto mo rin. Hinayaan mo eh. Kaya wala kang lugar para magreklamo dahil wala ka namang ginagawa para tulungan ang sarili mo…’’
Habang naglalakad ako ay paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang salitang sinambit ng Chief Police na iyon.
Kusa akong napakuyom sa aking palad. Kasalanan ko ba talaga? Ang dapat ko bang sisihin sa nangyayari sa akin ay ang sarili ko dahil napunta ako sa sitwasyon na ganito?
“Hindi ka kasi nag-iisip nang tama Luna! Nagpapadala ka sa kaniya! Ano bang ginagawa mo?! ‘Wag mong sabihing nagugustuhan mo ang mga kababuyang ginagawa niya sa katawan mo?! Nasisiraan ka na ba ng bait---”
“Mukha ngang nasisiraan ka nga nang bait.”
Awtomatiko akong napaatras nang marinig ko ang malalim na boses na iyon. At inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nanginginig man ang tuhod ko dahil sa matinding kaba ay pinilit kong maging kalmado.
“Kailan mo ba ako titigilan? Oo! Wala na akong takas sa’yo. Walang kumakampi sa akin. Kahit mismong sarili ko kinakalaban ako! Kaya paanong mananalo ako sa’yo?!” sigaw ko sa kaniya.
Awtomatikong kumabog ang dibdib ko nang maramdaman ko ang bawat yapak ng kaniyang paa papalapit sa akin.
Pinikit ko nang mariin ang aking mata at hinanda ang aking kamao. Kailangan ko nang lumaban. Hindi maaaring habang-buhay ay ganito ako.
“Paano ka mananalo kung nababaliw ka na?”
Narinig kong mapang-insultong turan niya at marami pa itong pinagsasabi ngunit hindi ko na iyon napakinggan pa nang maayos. Inihanda ko na lamang ang sarili ko at nagbilang pa ako sa aking isip kung kailan ko ito aambahan nang suntok.
“Isa…”
“Dalawa…”
“Tatlo…”
“Ahh! Napakasama mo! Ito ang nararapat sa’yo!” malakas na bulyaw ko pagkaharap ko sa kaniya at walang tigil ko itong pinagsusuntok sa kaniyang dibdib. At kahit nakapikit ako ay alam kong natamaan ng kamao ko ang gilid ng labi nito.
“ Oh sa tingin mo ba sa pagsuntok mo sa akin ay natalo mo na siya?”
Kusang napadilat ang mata ko at sumalubong sa akin ang nakataas nitong kilay at matalim na titig. Hindi pa nakaligtas sa mata ko ang padugo ng gilid ng labi nito.
“Pasensya ka na, akala ko kasi---”
“Ano ba naman ‘yan oh! Tumakas nga ako para maging malaya tapos makakakita pa ako ng ignoranteng babae na lalong sumira sa araw ko,” iritableng turan nito at mabilis nitong pinunasan ang dugo na nasa gilid ng kaniyang labi at inayos pa nito ang suot nitong hoodie.
Pawang siga-siga ito kung kumilos at ang tindig nito at pananamit ay makikita mo kung anong klaseng lalaking ito.
“Hoy! Ignorante girl! ‘wag mo nga akong titigan nang ganiyan! Alam kong guwapo ako at masarap akong tingnan pero parang awa mo na nakakatakot ‘yang tingin mo parang anytime kakainin mo ako,” sambit niya at bakas sa boses nito ang pagmamayabang at pagiging mahangin.
Napailing-iling ako sa taas ng tingin nito sa sarili niya. Pinukulan ko na lamang ito nang ngiti na nagpapakita ng pang-iinsulto.
“Mister, kung sino ka man. Unang-una humihingi ako ng pasensya kung nasuntok man kita. Hindi ko iyon sinasadya. May demonyo kasing sumusunod sa akin kaya akala ko ikaw ‘yon. My bad. At pangalawa, ‘wag mo akong tatawaging ignorante girl---”
“Demonyo? Sa guwapo kong ‘to mukha ba akong demonyo? Aba kung kamukha ko lang naman pala ang demonyo, baka marami ng babae ang gumawa ng krimen para lang makarating sa impyerno at makita ako,” nakapangising pagpuputol nito sa sasabihin ko.
Napahinga ako nang malalim sa mga pinagsasabi ng lalaking ito. Halos masuka-suka ako sa pagbubuhat nito sa sarili niyang bangko.
“Tapos ka na ba? Hahayaan mo na ba akong magsalita?” walang emosyong tanong ko sa kaniya.
Pawang nabigla naman ito sa paraan nang aking pagsasalita, at nawala pa ang nakaguhit na ngiti sa labi nito.
“Ang sungit mo naman, sige magsalita ka. Ignorante girl!”
Umikot na lang ang mata ko sa ere sa ugali ng estranghiyong ito. Dinaig pa ang babae sa paraan nito nang pagsagot sa akin.
“ ‘Wag mo akong tatawaging ignorante, dahil ‘di ako ignorante. At wala rin akong panahon makipagbiruan sa’yo. Kung naghahanap ka ng kalayaan, hanapin mo ‘yon mag-isa. ‘Wag mo akong idadamay at sisisihin kung galit sa’yo ang mundo. Naiintindihan mo?” sambit ko sa kaniya.
Hindi naman ito makapaniwalang napatingin sa direksyon ko at animo’y ‘di niya inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at agad ko itong tinalikuran.
“Bago ko makalimutan, kulang pa kung tutuusin ang suntok ko sa iyo. Kailangan ka pa ‘atang mas bugbugin para kahit papaano matauhan ka at mabawasan ang hangin sa katawan mo. Baka ikaw pa ang mauna sa mga babaeng makakita ng totoong demonyo sa impyerno,” dagdag ko pa’t napangisi.
Mabilis kong hinakbang ang mga paa ko palayo sa lalaking baliw na iyon.
Napadako ang tingin ko sa paligid. Mukhang tago ang lugar na ito kaya’t walang masyadong dumadaan na sasakyan ngayong hapon.
Napakagaling talaga ng demonyong nakamaskara na iyon. Alam nito kung saan ako dadalhin. Sa lugar na alam kong walang makakatulong sa akin.
Pinipilit kong maging panatag ang loob ko kahit kinakabahan na ako dahil bukod sa hindi ko alam kung nasaan ako ay wala pa akong kapera-pera.
Hindi ko alam kung paano ako makakauwi, o makakauwi pa ba ako.
“Ano ba naman ‘tong buhay mo Luna!” asik ko sa aking sarili.
Napapakamot na lamang ako sa batok ko sa nangyayari sa buhay ko ngayon.
Wala akong dalang cellphone, paano ko ba ‘yon mabibitbit kung kinidnap naman ako ng demonyong iyon?
Tama nga si Mommy, bakit pa kasi ako bumalik sa bansang ito? Tahimik na ang buhay ko sa Amerika pero mas pinili kong bumalik sa madilim na mundo.
“Mommy…” mangiyak-ngiyak na bulong ko. At ‘di ko na napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha mula sa mata ko.
“Ang tapang-tapang mo kanina, akala mo kung sinong angas na babae tapos ngumangawa rin pala.”
Napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ko ang mahangin na naman nitong boses.
Agad na dumako ang masamang titig ko sa kaniya ngunit hindi naman ito nagpatinag bagkos ay nginitian pa ako nito nang malapad na aabot na sa kaniyang tainga.
Napapakunot noo naman ako sa itsura nito dahil napakasagwa nitong tingnan.
“Ngumiti ka naman, hindi naman mahirap ngumiti. Alam mo ba na ang pagngiti ay nakakadagdag ng resistensya sa katawan? Hindi mo ba alam ‘yon?! Ako rin hindi eh,” sambit niya at maya-maya ay tumawa pa ito nang malakas.
Ni hindi man lang ako natuwa sa mga pinagsasabi nito bagkos ay lalong kumulo ang dugo ko sa kaniya. Unti-unti naman itong napahinto sa pagtawa nang napansin na yata nito ang malamig kong tingin.
“Tapos ka na? Kung wala ka nang sasabihin, puwede bang lubayan mo na ako?” walang ganang saad ko sa kaniya.
Napangisi naman ito sa sinambit ko kaya’t tinaasan ko ito nang kilay. Talagang napakapapansin ng isang ‘to.
“Ano ba?! Hindi ka ba---”
“May sasabihin pa ako.”
Pagkasabi niya ‘yon ay agad itong lumapit sa akin at umupo pa ito sa tabi ko. Kaya’t agad-agad naman akong lumayo sa kaniya.
“Nakikita mo ba ang motor na iyon?” tanong niya sa akin sabay turo nito sa motor na nakaparada sa ‘di kalayuan sa pwesto namin.
Napabuntong-hininga naman ako nang malalim sa katanungan niyang iyon.
“Malamang, tingin mo sa akin bulag? Oh ano naman ngayon?” pagtataray na tugon ko naman sa kaniya.
Napailing-iling naman ito at mabilis na sumagot.
“Akin ‘yan. Ako ang may-ari ng motor na iyan,’’ mahangin na namang ani nito.
Napairap na naman ako sa ere sa kayabangang taglay ng lalaking ito. Bawat buka talaga ng bibig ay puro kahanginan at kataasan sa sarili.
“Ano ngayon? ‘Yon lang ba ang sasabihin mo? P’wes wala akong pakialam,” saad ko at bakas sa boses ko na ‘di ako interesado sa mga pinagsasabi niya.
“Oo, pero alam ko ikaw, may sasabihin ka sa akin,” nakangiting turan niya at nagawa pa ako nitong kindatan.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para singhalan siya ngunit bigla kong naintindihan ang nais niyang iparating.
Mataman ko itong tinitigan at inusisa kong mayroon bang masamang kutob akong mararamdaman sa taong ito.
“Hey, hindi ako masamang tao, guwapo lang ako pero mapagkakatiwalaan naman ako. Here’s my ID. Ibibigay ko sa’yo ‘to para naman malaman mo kung sino talaga ako,” sambit niya at agad nitong inabot sa akin ang ID niya.
Mabilis ko naman itong kinuha at tiningnan. At agad ding binalik ang tingin sa kaniya.
“Hindi ‘yan peke. Passport ko ‘yan. Tingnan mo rin ang ID Picture, ang photogenic ko ‘di ba? Hindi na kinailangan ng filter---”
“Grion Malkway?”
Napalunok naman ito nang maraming beses nang banggitin ko ang pangalan nito.
“Kilala mo ako? ‘Wag mong ipagsabi sa iba na nakita mo ako. Nagsasawa na kasi ako sa buhay ko na puro---”
“Hindi kita kilala,” mabilis na sambit ko na ikinatigil niya.
Sa sinabi kong iyon ay pawang nakahinga ito nang maluwag.
“Tutulungan mo ba ako?”
Napatingin naman siya sa akin nang mataman. Hindi ko alam kung anong iniisip nito. Kaya’t magsasalita na ako nang bigla na lamang itong tumayo.
“Pag-iisipan ko,” sambit niya at nagmamadaling nagtungo sa direksyon kung saan nakaparada ang kaniyang motor.
Napailing-iling na lamang ako nang agad niyang sinuot ang kaniyang helmet at mabilis na pinaandar ang kaniyang motor at agad na nagtungo sa akin.
“Nakapag-isip na ako. Sakay na,” nakangiting ani nito.
Hindi ko alam kung tama bang pagkatiwalaan ko ang estranghiyong ito ngunit bahala na. Wala naman akong magagawa. Ayokong magtagal sa lugar nito kung saan alam kong mapapahamak lang ako o baka balikan lang ako ng demonyong iyon.
“Ayos ka lang ba? Bakit ka nanginginig? Hindi naman kita sasaktan o dadalhin sa kapahamakan. Nakikita ko sa mata mo na natatakot kang magtiwala, naiintindihan ko ‘yon. Pero this time, let me help you. Hindi ka na nagkakamali sa taong pagkakatiwalaan mo.”
Nabalik naman ako reyalidad nang marinig ko ang mga sinambit niya. Natulala pala ako sa harapan niya at halatang-halata nito ang takot na namamayani sa akin ngayon.
Inisip ko nang mabuti ang sitwasyon. At alam kong walang mangyayari sa akin kung magpapadala na naman ako sa takot. Maiiwan lamang ako ritong mag-isa.
Kaya’t walang salitang sumakay ako sa likuran nito. At ‘di ko mawari kung bakit ‘di ako nakaramdam ng kahit anong kaba nang pinili kong pagkatiwalaan ito.
Agad nitong pinaandar ang motor nito ngunit napamaang ako sapagkat napakabagal ng takbo nito. Pawang daig pa namin ang nasa prosesyon.
“Wala na bang mas babagal pa rito?” nakapangising ani ko sa kaniya.
“ ‘Pag binilisan ko ang takbo ko, baka bigla kang mapahawak sa baywang ko at baka bigla kang makaramdam ng kuryente, at masabi mong ako na ang hinahanap mo. ”
‘Di naman ako makapaniwala sa sinambit na kacornyhan ng lalaking ito. Halos manggigil ako sa inis sa kaniya.
“Ibaba mo na lang ako, mas pipiliin kong maglakad kaysa----s**t!”
Napahinto ako sa pagsasalita at napatili pa ako nang walang pasabing binilisan nito ang pagtakbo nang kaniyang motor. Kaya’t awtomatikong napapulupot ang mga kamay ko sa baywang nito at napadiin pa ang mukha ko sa likuran niya.
Pinagsisigaw ko ito at pinagmumura ngunit pawang ‘di nito naririnig ang bulyaw ko sa kaniya dahil sa lakas nang hangin na tumatama sa amin.
“Mamatay ka na!” sigaw ko at kung puwede lang na kagatin ko ang likod nito ay ginawa ko na dahil sa matinding inis na nararamdaman ko rito.
“Hindi ako maaaring mamatay, kasama kita eh. Pero kung gusto mo sige. Till death do us part naman ‘di ba?”
Shit! Puro kamalasan talaga ang natatamo ko sa araw na ito.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa kantong itinuro ko sa kaniya. Hindi pa bumubuka ang bibig niya ay agad na akong bumaba sa motor nito.
“Salamat,” walang emosyong saad ko sa kaniya.
Nakita ko naman ang pagguhit nang malapad na ngiti nito sa kaniyang labi.
“Dito ka ba nakatira? Bakit parang wala namang katao-tao rito?” tanong nito habang nililibot ang tingin niya sa paligid.
“Kailangan ko pa bang sagutin iyan?” balik tanong ko naman sa kaniya at tiningnan siya na pawang alam na niya ang ibig sabihin.
“Sige sabi ko nga, mag-iingat ka?----”
“Luna…”
Huling saad ko sa kaniya bago ko ito tinalikuran at nagsimulang ihakbang palayo ang mga paa ko.
“Salamat Luna sa pagpili mong magtiwala sa akin! Sabi ko sa iyo hindi ka nagkamali nang pinagkatiwalaan!”
Narinig ko pang sigaw nito at awtomatikong sumilay ang ngiti sa aking labi.
At tuluyan ko nang binilisan ang lakad at lumiko sa kabilang kanto. Hingal na hingal man ay napahinga naman ako nang maluwag nang masilayan ko ang gate ng aking condo.
Nakauwi rin ako. Mabilis akong umakyat sa gate at pagkapasok ko ay agad akong nagtungo sa pasikretong pinto papasok sa aking bahay.
At pagkapasok ko ay agad akong napaupo sa sofa, at mabilis na nagtungo sa ref upang kumuha ng maiinom.
Agad kong nilagok ang isang basong tubig at pagkatapos niyon ay napangiti ako sapagkat nakauwi rin ako nang ligtas.
Kailangan ko nang bumalik sa America. Hindi na tamang manatili pa ako rito. Kaya’t nagmamadali kong kinuha ang laptop ko at magpapabook na sana ako nang flight nang biglang bumungad sa akin ang mensahe galing sa aking ina.
“Luna, ‘wag ka ng babalik dito sa America. Hinahabol na ako ng mga taong pinagkautangan ko. Ang business na pinundar natin dito ay tuluyan nang nalugi. ‘Wag kang mag-aalala sa akin kasi nagtatago naman ako ngayon sa bahay ng Tito Olive mo, I’m safe here. Ikaw ang gusto nilang ipambayad ko kaya ‘wag ka na munang bumalik dito o ‘di kaya manatili ka na lang diyan sa Pilipinas. Hintayin mo lang akong makapunta riyan. Ingat ka anak. Mahal na mahal kita.”
Halos nanindig ang balahibo ko sa message na natanggap ko mula kay Mama. Kaya agad-agad ko itong ni-replayan ko at nanginginig pa ang daliri ko habang tinatype ang sasabihin ko sa kaniya.
Hindi. Kailangan kong balikan si Mama sa America, hindi ako makakapayag na mag-isa ito roon, at mapahamak.
Kaya agad-agad akong nagpabook ng flight at nagmamadali kong inayos ang mga gamit ko at nagsimula nang mag-empake.
Pagkatapos kong mag-empake ay nagdesisyon akong maligo. Agad akong nagtungo sa banyo at malayang hinubad ang lahat ng saplot sa katawan ko.
At mabilis na nagtungo sa shower at hinayaan ang tubig na dumaloy at umagos sa bawat parte ng aking katawan.
Napapikit pa ako nang mata habang ninanamnam ang lamig na bumabalot sa akin.
At laking gulat ko na lamang na sa pagdilat nang mata ko ay bumungad sa akin ang lalaking nakaluhod sa harapan ko.
Basang-basa ang buong katawan nito, nakasuot ito ng purong puti na sando, kaya’t hulmang-hulma ang matikas nitong braso.
At kumabog nang malakas ang dibdib ko nang tumingala ito sa akin. Halos matumba ako sa pagkabigla nang masilayan ko ang nag-aalab nitong titig gamit ang kaniyang mapupulang mata.
“Luna… Ang sarap mo talagang pagmasdan lalo na kung wala kang ni-isang saplot sa katawan,” malalim ang boses na saad nito na pawang paulit-ulit na umuugong sa aking tainga.
Ang malalim na boses na iyon na nagpapahina sa tuhod ko’t nagpapawala sa akin ng lakas.
Ngunit kailangan kong lumaban. Pinilit ko ang sarili kong tumayo nang diretso at alisin ang pagkagaralgal nang aking boses.
“P-paanong nakapasok ka rito? Umalis…ka…na!” nahihirapang sigaw ko, lahat ay ginawa ko para lang maging matuwid ang aking pagsasalita ngunit hindi ko nakayanan.
“Gusto mo ba talaga ako umalis?” husky ang boses na pagkakatanong niya na ‘di ko mawari sobrang kakaiba ang nagiging epekto sa akin.
Tumango na lamang ako nang sunod-sunod dahil hindi ko na alam bakit ‘di ko na kayang ibuka pa ang bibig ko at baka iba pa ang lumabas doon.
“Pero bakit hinahabol mo ang iyong hininga na para bang naghihintay ka sa susunod kong gagawin?”
Awtomatiko naman akong napatingin sa kaniya. At gusto ko mang tumutol at tumanggi sa tinuran nito ay tila napipi ako bigla at hindi makapagsalita.
“Ang katahimikan ang nagsasabi ng totoo, hindi ang salitang lumalabas sa bibig mo.”
Hindi na ako nakapalag pa nang marahas nitong hinawakan ang kaliwa kong paa at ipinatong iyon sa kaniyang balikat.
Awtomatiko akong napadaosdos pababa ngunit maagap niyang inilagay ang mga kamay ko sa ulo nito.
At hindi ko na mawari na may sariling isip ang mga kamay kong sabunutan ito at idiin ang kaniyang mukha sa kaselanan ko.
At ito na nga’t nagpatalo na naman ako sa init na hatid niya sa aking katawan.
Walang tigil na lumabas ang mga ungol mula sa bibig ko habang walang hinto rin ito sa pagsamba sa aking hiyas.
Patuloy na nababaliw ako sa galaw ng malikot na dila nito, ramdam na ramdam ko ang pag-ikot ng malikot niyang dila sa butas ko. Matinding init ang naramdaman ko kahit na may tubig na patuloy na umaagos sa aking katawan. Hindi nakakatulong ang lamig ng tubig upang mawala ang umaalab na init na bigay niya.
“Ahh…Shit!”
Walang ano-ano’y hinawakan niya rin ang kabila kong binti at ipinatong din ito sa kaniyang balikat. Kaya’t lalong naging malaya siya na sambahin ang aking namamasang b****a.
Hanggang sa nawalan na ako nang balanse at mapapaupo na sana sa sahig nang maagap niyang hinawakan ang puwetan ko nang madiin at pinisil pisil pa ito.
“Hindi ako magsasawa sa lasa mo Luna, napakasarap mo.”
Ang init nito sa aking pandinig, kaya’t lalo akong nakaramdam nang matinding pagnanasa’t pagkataranta sapagkat pawang nanginginig na ang mga binti ko hudyat na malapit na akong labasan.
At halos ‘di ko na alam ang gagawin nang mas lalong bumilis ang galaw ng dila nito.
Sinisipsip na nito at biglaang hinihigop ang aking c******s dahilan upang umikot ang mata ko sa ere.
At nang ipasok pa nito ang malikot at mahaba nitong dila sa loob ko ay tuluyan na ngang nanginig ang buo kong katawan.
Damang-dama ko ang pagdaloy ng aking katas mula sa aking kaselanan.
At pagdilat nang mata ko ay nakita kong nababalot na ng sarili kong katas ang aking daliri.
Matinding mura ang pinagbabato ko sa aking sarili nang matauhan ako sa aking ginawa.
“Nakakadiri ka Luna! Bakit nagawa mong paligayahin ang sarili mo habang iniisip ang demonyong nakamaskara na iyon? Nababaliw ka na ba? Nababaliw ka na!” maiyak-iyak at malakas na sigaw ko at nanghihinang napaupo sa sahig.