Chapter 39: Death

1060 Words

Awtomatikong nanginginig na ang binti ko nang marinig ko na ang sunod-sunod na putok nang baril. Tila hindi ko na mawari kung paano ako makakalaban dito. Bukod sa wala akong alam sa dapat na pag-asinta ng baril ay natatalo pa ako sa tindi nang kabang nararamdaman ko. Halos habol na ang aking hininga sa nangyayari at gusto ko na lamang magtago sa sulok at hintayin na lamang ang maaaring kahinatnan ko. Nagitla na lamang ako nang may malamig na kamay ang humawak sa braso ko at nang mapadako ang tingin ko sa kaniya ay ‘di ko namalayan ang ginawa ko. Mabilis ko itong niyakap nang mahigpit at ‘di ko mawari kung bakit tila naglaho ang takot na namamayani sa akin. “Huwag kang matakot, andito ako. Nakalimutan mo bang lagi kitang binabantayan?” Dahil sa malalim niyang boses ay biglang napabita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD