“Are you leaving, Kuya?” Pumasok si Martha sa loob ng silid. Bumaling si Kai sa kaniyang pinsan. Kinagat ni Kai ang labi tapos ay tumango. “She did not approve at wala na ‘kong magagawa. I’ll be disowned if I’ll be disowned. “Kai.” Nagtiim-bagang si Sir Jude. “Kuya Kai! No!” Tinakbo ni Martha si Kai upang mawala ang kanilang distansiya. Kumandado ang dalawang kamay nito sa baywang ni Kai. “You’re not leaving! Is it because of her? E, ‘di pakasalan mo na kasi si Gabriella---” hikbi nito. “Martha! ‘Wag ka nang dumagdag. C’mon, this is it...” bawal ni Kyen. Napakalas ang mga kamay ni Martha. Yumuko ito at humikbi sa tabi ni Felisha. Hindi ko kayang tingnan ang labing-limang taon na si Martha, o ang kahit sino pa man sa loob ng silid ng ito. Nananakit ang puso ko.

