Hindi pa sinisikatan ng araw ang Hacienda Donofrio. Maaga pa man ay pinagmamasdan ko na ang mukha ni Kai. Bawat maingat na ukit, mariing mga haligi ay minahal ko. Naging kumplikado ang paghinga ko. Kumatok sina Sir Jude sa pintuan ng quarters nang umakayat na ang liwanag. Sinungaw niya ang mukha sa kabubukas na pinto. “What have you done, Kai? You idiot!” Sumungaw kaagad galit na mukha ni Sir Ibrahim. Isa-isa silang pumasok sa loob ng quarters. Pati si Felisha na hindi pa rin makatingin sa akin ay narito. Mailap ang mga mata ni Martha ngunit napako sa singsing sa akign daliri. “Why are you here? Si Yllana?” Humalukipkip si Kai. “Ewan ko! Don’t lecture me! I’m asking you! Anong ginawa mo?” asik ni Sir Ibrahim. Magkasabay na dumaloy ang yelo at apoy sa balat ko. Bumab

