Minulat ko ang mga mata. Bumabalot ang lamig sa buong kwarto at sa aking buong katawan. Nang luminaw ang aking paningin ay nasilaw ako sa puting-puting ilaw kasabay ng puting-puting mga dingding at kisame. Nagpapanting ang aking dalawang tainga sa paulit-ulit na tunog na iyon, ngunit ang humigit na katahimikan ang nakagigimbal sa lahat. Nasaan ako? Pumikit ako ng ilang beses. Bumukas ang pinto at isang babaeng nurse ang pumasok. Habang may tulak ay nadatnan nito ang aking mga matang mulat na naghihintay. “Gising na pala kayo, Ma’am!” bungad nito. “Kagigising ko lang po.” garalgal ang boses kong sumagot. Umubo ako ng ilang beses dahil mahapdi ang pagkatuyo ng lalamunan. “Miss, anong nangyayari?” Hininto ng nurse ang kaniyang tulak. Inabot nito ang nakasabit na solusyon n

