Nakarating kami sa ginagawang race track. Narito ang ibang mga tao at makinarya. Mahangin at maalikabok dito kaya naman panay ang hawi ko sa buhok. “Paano kapag natapos na itong race track?” sabi ko. “A race, perhaps? I’ll make sure na dadayuhin ito.” Naniningkit ang mga mata ni Kai sa pinagmamasdan. Hinahangin ang kaniyang humahaba ng buhok. May kapit si Kai sa renda na para bang sa isang pitik lang ay iikot ang mundo sa nais. Bumuntong-hininga ako. “Why are you sighing? Ayaw mo ba?” Binaling sa akin ni Kai ang nakasingkit na mga matang nakangiti na ngayon. “Ayos lang. Ikaw ang bahala, Kai. Sa iyo ang hacienda...” Ngumiti ako. Hindi ko kayang ikaila ang kislap sa mga mata ni Kai. Humigpit ang kaniyang hawak sa renda at bahagyang dumukdok sa aking balikat. “Yes. Min

