Kabanata 15

2145 Words

Nasa isang lupain ako kung saan inaabangan ang bagsik ng nyebe. Hindi mainit at hindi rin malamig ang kulay-kapeng batong sahig. Nararamdaman ko ang parisukat na mga biyak nito sa aking talampakan habang nagpapadala ang aking katawan sa himig ng hangin. Dumudungaw ang sikat ng araw sa bintanang bukas, ang sikat nito’y dumudulas sa sumasayaw na maninipis na mga kurtina. Tatlong ikot ang aking ginawa. Sumusunod ang aking buhok sa marahas kong na paggalaw. Tumigil ako nang nakatayo gamit ang isang paa dahil ang isa ay nasa ere. Pumikit ako dahil dangkal na lamang ang layo ng sahig sa mukha ko.   Nakadinig ako ng bahagyang palakpak kaya naman nagmulat ako ng mga mata at unti-unting umayos ng tayo. Nawala ako sa aking imahinasyon, nasa sinehan na ulit ako ng mga Donofrio.   “That’s good, Ri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD