“Antagal niyo? You two did your funny business....” Nanliit ang mga mata sa amin ni Hazel nang makabalik kaming bahay. Para kaming santo dahil bumuntong-hininga silang lahat. “Because it’s fun! Funny business nga.” Tumatawa-tawa si Miles. Hindi ko alam ang ibig sabihin niya. “What funny business?” Sumungaw bigla ang ulo ni Gadriel mula sa kusina. Napatingin kaming lahat sa kanya na may kinakain na tinapay. “Eew, Riel! Kapag talaga ganito ang usapan uhaw na uhaw ka e, ano?” Nag-apir si Hazel at Kyen. Pinasadahan ko ang tingin sa sala at doon nakita sina Jeff na may kausap sa phone, sina Felisha at James na mukhang nagtatalo, sina Hazel sa aming harapan at pati na rin si Martha na busy siguro sa assignments. “Let’s go, people!” Tuloy-tuloy si Felisha sa pinto. Kita ko

