Kabanata 10

1821 Words

“Rina Donofrio! Tulala ka r’yan! Amagin iyang saya mo, halaka!” Siniko ako ni Ava.   Napasinghap ko sa gulat at hinarap ang naghahalakhakang si Ava at Amaris. Napanguso na lamang ako at bumalik sa pagtatanim.   “Hindi ako Donofrio, Ava, Amaris. Magtigil ha,” buntong-hininga ko.   Sa gilid ng aking mga mata ay nagtinginan sila ay naghagikgikan. Panay na ang tanong nila sa akin kung ano ang nangyari sa amin ng señorito kahapon. Para silang itinakas na isda sa tubig sa kilig.   Napanguso ako. “Akala ko ba ay naniniwala kayo sa akin na walang nangyari sa amin ni Sir Kai?”   “Naniniwala kami, Rina! Talaga! Pero nakasama mo ang Adonis na señorito. At gusto namin ng detalye kesyo may nangyari o wala!” halakhak nila.   Napaikot na lamang ako ng mga mata. Daig na daig pa nila si Genesis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD