Kabanata 9

2154 Words

Kusa akong nagising nang madinig ang kawala ng hampas ng hangin at lakas ng ulan. Umayos kaagad ako ng upo at kinusot ang mga mata. Inumaga na kami! Tiyak ay mga alas singko y media na. Tinitigan ko si Sir Kai na nasa tabi ko, tulog na tulog pa rin.   Isang anghel talaga si Sir Kai, iyon lang sinabi ng aking utak.   Tumakbo ako patungong silid kung saan ako nagpalit ng malong kagabi. Doon ko rin kasi iniwan ang blusa. Tuyo na iyon ngunit malamig sa balat nang sinuot ko. Lumabas ako upang makitang pupungas-pungas na rin si Sir Kai.   “The rain has stopped, Rina...” Kinukusot pa nito ang mga mata.   Kinagat ko ang labi. “U-Uwi na ho tayo, señorito.”   Napatigil ito sa kilos. Tinitigan ako nito nang may malaking tandang pananong sa mukha.   “Babalik na ho tayong mansion, Sir Kai.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD