Kabanata 3

1812 Words
Hiyang-hiya ako sa ginawa niyang isang pasada sa kabuuan ko bago ipinirmis ang mga mata sa akin. Pumutok na ang pisngi ko habang hawak-hawak ang dalawa kong dibdib. Sa sobrang linaw ng talon, hindi ko alam kung may itatago pa ba ako.   “S-Sir Kai, p-pwede ho bang tumalikod kayo?” pumiyok na ang aking boses. Naluluha na ako sa kahihiyan.   Kinagat ni Sir Kai ang pang-ibabang labi bago bumaba sa kanyang itim na kabayo. Nakapirmis lang ang kanyang mga mata sa akin, habang tahimik na lumalakad papunta sa pwesto ko.   Hindi ko na kinaya ang kahihiyang bumabalot sa aking sistema at katawan. Ano na lang ang kanyang iisipin tungkol sa akin? Kung bakit ako nag-iisa ritong naliligo at walang saplot? Na isa akong hindi kapuri-puring babae? Na wala ako sa tamang pag-iisip? Hindi ko na kayang humarap kay Sir Kai. Mamamatay na ako sa hiya.   Tumigil si Sir Kai sa aking tapat ngunit hindi lumulusong. Tinanggal nito ang kanyang polo. Iniabot niya iyon sa akin. “Rina. Wear this.”   Saglit kong tinitigan ang kanyang polo bago iyon nahihiyang kinuha. Inilihis kaagad ni Sir Kai ang tingin sa akin at saka tumalikod.   Kahit kaharap ko ang umuusok niyang likod ay hiyang-hiya pa rin akong umahon ng tubig. Sinuot ko ang kanyang polo. Binalot kaagad ako ng kanyang bango. Medyo nahimasmasan ako roon, ngunit nangingilid pa rin ang luha sa aking mga mata.   “Pwede na ba?” Malalim ang kanyang boses.   Tumango ako ngunit nang malamang nakatalikod ito ay nilakasan ko ang boses. Ni-hindi ako hinarap ni Sir Kai. Tuloy-tuloy siya sa kanyang itim na kabayo. Napayuko kaagad ako. Ni-hindi ako makapagsalita sa kanyang naabutan, ngunit aaminin kong may kiliti sa aking tyan nang ibigay niya sa akin ang polo at hindi ako binastos dahil kabastos-bastos naman ang pangyayari.   “C’mon, Rina. Sakay.” sabi niya bigla.   Nag-angat ako ng tingin. Nakatingin sa iba si Sir Kai na nag-iigting ang panga.   “S-Sir?”   Papasakayin niya ako sa kanyang kabayo? Dalawa kami roon? Ngunit ano na lang ang sasabihin ng kanyang mga ranchero at ranchera? Ng aking mga kaibigan. Wala siyang saplot pang-itaas, umuusok ang kanyang gintong dibdib. Habang ako naman suot-suot ito. Anong klaseng babae ako?   “Ang sabi ko, Rina. Sakay.” Punong-puno ng awtoridad ang kanyang boses ngunit hindi pa rin ako nililingon.   “M-Maglalakad na lang ho ako, Sir Kai. Hindi na—-”   “And what will they say, you running around the ranch like that? Every men will stare, I hardly can.”   Sa sobrang bilis niyang magsalita ng ingles ay hindi ko medyo naintindihan. “P-Paki ulit po, sir. P-Pasensiya na ho.”   Lalo nangilid ang luha sa aking mga mata. Heto ako at naabutan niyang hubad na naliligo. Binigyan ng damit, at pinasasakay sa kanyang kabayo. Ngunit hindi ko maintindihan ang kanyang ingles sa sobrang bilis ng pananalita. Hiyang-hiya na ako.   Hinarap ako ni Sir Kai gamit ang matutulis na tingin. Namumutla na ako. Nahihiya. Hindi niya ibinaba ang tingin sa katawan ko, bagkus, sa aking mga mata lang.   “Mas ligtas kung sa akin ka sasakay, Rina. Titignan ka ng mga lalaki dyan dahil ganyan lang ang suot mo.”   Aaminin kong totoo iyon pero ako na lang ang mawawalan ng kahihiyan kaysa naman magkaroon pa ng bulungan tungkol sa akin at Sir Kai. Ano na lang ang sasabihin ng kanyang mga tao?   “A-Ayos lang po ako, Sir...” sabi ko.   Pinasadahan niya ng palad ang buhok senyales na naiirita na siya. Umatras ako ng isa.   “Sasakay ka, Rina. Sa ayaw at sa gusto mo dahil ako ang amo mo. I cannot afford my men to see you like that, unless you are with me. Sakay, please,” aniya.   Ang ibang ingles ay hindi ko masyado maintindihan. Ngunit tama si Sir Kai. Siya ang amo ko, siya ang susundin ko. May parte sa aking gustong magtanong kung naalala niya pa ba ang Rina na kanyang kalaro na ni-minsan ay hindi niya itinuring na trabahador, bagkus, isang kaibigan. Pero hindi na lang ako tumalima dahil alam kong naiirita na siya.   Naglakad na ako papunta sa kanyang kabayo. Tumikhim ito at hinawakan ako sa baywang. Walang hirap-hirap ay naisakay niya ako kagaad roon. Sunod ay sumakay na rin si Sir Kai. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang dibdib sa aking likod, at ang kanyang mga hita sa akin. Hindi ko alam kung bakit hinahabol ko ang hininga ko.   “S-Salamat po, Sir Kai,” mahina kong sabi nang naglalakad na ang kabayo.   “Ayos lang. Ano ba kasing ginagawa mo, Rina? Skinny dipping?” sagot niya.   “H-Ho? Skinny Dimpeng?” Namumula ang pisngi ko. Hindi ko talaga maintindihan kapag ganyan na siya magsasalita. Pakiramdam ko, ang tanga-tanga ko.   “Wala,” mabilis niyang sagot.   Matapos noon ay wala nang nagkikibuan sa aming dalawa. Ayoko rin naman itong kausapin dahil hiyang-hiya na ako. Ang Sir Kai ko, tahimik rin lang at parang alam na ayaw kong pag-usapan ito.   Impit akong napasigaw nang medyo nagulat ang kabayo. Hindi naiwasan ang pagbangga ng aking likod sa matigas na dibdib ni Sir Kai. Halos maramdaman ko ang lahat sa kanya. Sa sobrang liit ng katawan ko ay binalot kaagad ako ng kanyang mga bisig dahil hindi pwedeng bitiwan ang renda ng kabayo.   “Shh, Uno...” Hinimas ni Sir Kai ang buhok ng kabayo nitong nagngangalang Uno. Kumalma naman kaagad ang kanyang kabayo.   Hindi sinasadya ay pati hita ko ay nadamay. Nanigas kaagad ang kamay ni Sir Kai sa lubid habang ako ay nanlalaki ang mga mata.   “s**t. Hindi ko sinasadya, Rina. Tsk,” nagmamadali niyang sabi.   Yumuko ako at pilit na tinataklob ang kanyang polo sa aking katawan. Hiyang-hiya na talaga ako. Tumango-tango na lang ako. Buong lakbay ay nakaupo akong maayos at hindi ko hinahayaang magtama ang aming balat. Kahit na nahihirapan na ako ay hindi ako umangal. Sobra-sobra na ito para sa isang trabahador na tulad ko. Hinding-hindi ko lalandiin ang aking amo.   Ginagalak naman ako dahil sa liblib na parte kami dumaan ng rancho. Walang magsasaka at tiga-linis kaya naman walang nakakita sa amin. Tinigil lang ni Sir Kai ang kabayo nang nasa likod na kami ng mansion. Miski roon ay walang tao.   Nauna siyang bumaba at inilahad ang kamay sa akin. Nasa iba siya nakatingin. Kitang-kita ko ang hulmado niyang panga. Kinagat ko ang labi habang inabot ang kamay sa kanya at muli’y inalalayan ako pababa.   “Maraming-maraming salamat ho ulit, Sir Kai. P-Pasensiya na rin ho.” Yumuko ako. “Lalabhan ko na lang ho ang polo niyo—   “Huwag na. Sa iyo na iyan.” mabilis niyang putol sa akin.   Pumula ng todo ang pisngi ko at nagsipagkalabugan ang dibdib ko. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango.   “Pumasok ka na sa loob at sabihin mo kay Madame Lourdes na bigyan ka ng damit. And next time, don’t go in there let alone naked.” Umiling si Sir Kai sa akin at nilagpasan niya ako. Tuloy-tuloy siya sa pintuan.   Naiwan akong naluluha sa hiya habang nilulukot ang lalaylayan ng kanyang polo.   Sumunod na rin ako matapos ng iilang minutos. Hindi ko diniretso ang aming mayordoma dahil takot akong kurutin ako ng matanda sa singit dahil sa aking hitsura. Bagkus, nagdiretso sa labahan at kumuha ng hindi kilalang damit. Dumiretso akong quarter namin at doon na nagbanlaw at nagbihis. Minadali ko dahil ang bati sa akin ni Kuya Abel kanina’y pinatatawag raw ang lahat ng trabahador upang pag-usapan ang nalalapit na selebrasyon para kay Sir Kai.   “Ang amo mo ay hindi na ako kilala, polo. Ang init pa ng dibdib, pati ang kanyang kamay sa hita ko ay ang sagaran sa init.” Binulubungan ko ang polo habang isinasampay ko ito.   Uminit muli ang aking pisngi nang maalala kung papaano dumausdos ang kamay niya sa aking hita. Hindi na nahiya si Rina! Napailing ako at dumiretso na ng mansion.   “Kambing, baka, baboy, manok, bibe at tupa ang kakatayin, mga kaibigan. Sa istasyon ng mga tiga-pastol, pakihanda na ang mga hayop. Kakausapin ko kayo mamaya kung ilan. sa mga tiga-ani naman, piliin ang pinakamagandang bunga at siyang ipangrerekado. Nariyan na ba ang mga tiga-pamalengke at tiga-luto?” Ang boses kaagad ni Madame Lourdes ang aking naabutan sa malaking kusina ng mansion.   Pumuslit ako sa tabi upang makinig. Kanya lamang ay nahagip ko ang aking mga kaibigan sa gilid. May isang hilera sila habang nakayuko lamang. Napanguso ako.   Nakita ko si Halil sa tabi kaya naman sumiksik ako sa tao at tumabi rito.   “Halil?” tawag ko.   Nilingon ako nito nang may ngiti sa labi. “Rina?”   “Alam mo ba kung bakit naroon lang sina Ava sa tabi? Bakit hindi sila narito?” tanong ko.   Napakamot ito sa ulo. “Hindi ko rin alam, Rina. Pero iyon ang sabi ng Señorito. Sila raw ang mag-aayos ng lahat, pati sila lang maglilinis at magdidisenyo buong villa para sa selebrasyon.”   “B-Buong villa? Labing dalawa lang ang bilang nila! Hindi nila ito kaya, Halil!” Nanlaki ang aking mga mata.   Naiisip ko ang sampung mga babaeng ito na naglilinis ng sobrang dumi at luwag na villa. Mula kasi nang umalis ang mga Donofrio ay hindi na ito nalinis dahil ito lang naman ang nagsisilbing lugar tuwing may okasyon o fiesta na sila’y magpapahanda. Kasya ang limang daang tao roon at hindi lang dalawang gusali ag nakatayo sa malaking espasyo.   “Wala tayong magagawa, Rina. Iyon ang sabi ni Sir Kai.” nalulungkot niyang pahayag.   Ayokong umasa ngunit kasalanan ko ito kaya sila naparurusahan. Wala akong sinasabi kay Sir Kai ngunit baka natugunan na ito ang nangyaring pangloloko sa akin kaya naiwan akong hubad. Nananakit ang dibdib ko, ngunit may mainit sa aking tyan.   Nakinig na lamang ako kay Madame Lourdes ngunit naitatak ko sa isip na kakausapin ko mamaya ang mga kaibigan.   “Madame Lourdes, liliban muna ako. Pinatatawag ako ni Señorito Kai.” singit ni Kuya Abel.   Tumango naman roon si Madame Lourdes. “Sige, Abel. Pakibilisan rin dahil importante ka rito, Abel.”   Umiling kaagad si Kuya Abel. “Hindi kakayahin, Madame. Partida matagal dahil pupunta raw kami sa isa niyang nobya.” anito.   Nabaling lahat ang atensyon sa nag-uusap na dalawa. Ako ay hindi ko matanggal ang tingin kay Kuya Abel.   “Isa sa kanyang nobya, Kuya Abel?” singit ni Halil.   Nagkibit-balikat ang driver. “Lahat yata ng mga señorita ng mga sikat na signor, siya ang punterya. Isang binata, libong dalaga. Donofrio si Señorito Kai. Matinik. Sigurado akong alam niya kung anong ginagawa niya, Halil.”   Sabay-sabay na naghalakhakan ang mga trabahadorat napapailing na lamang. Kumikislap ang kanilang mga mata dahil sa paghanga sa kanilang amo sa tinik sa pagroromansa ng mga babae - mga sikat at galing sa mataas na pamilyang mga babae.   Napanguso ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD