CHAPTER 44 – RESCUE Madilim ang paligid sa loob ng lumang bahay sa Antipolo. Tanging mahihinang ilaw mula sa isang sirang bombilya ang nagbibigay-liwanag sa kwarto kung saan nakakulong si Lia. Nakatali ang kanyang mga kamay, ngunit mas mahigpit ang kapit ng takot sa kanyang dibdib. “Camille…” mahina niyang bulong, habang pilit pinipigilan ang pag-iyak. Sa kabilang kwarto, si Camille ay yakap-yakap ang kanyang teddy bear, nanginginig sa takot. Katabi niya si Roxanne na tahimik na umiiyak, puno ng pagsisisi. “Sorry, baby… sorry talaga…” paulit-ulit na bulong ni Roxanne habang hinahaplos ang buhok ng bata. Hindi niya inakala na ang sariling ina ang gagawa ng ganito. Samantala, sa Montefalco mansion— Halos hindi na makaupo si Gino sa sobrang kaba. Pabalik-balik siya sa sala habang hawa

