bc

The CEO's Sweet Disaster

book_age16+
2.2K
FOLLOW
22.7K
READ
HE
opposites attract
arrogant
boss
sweet
bxg
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Kaia Ramirez is from a simple family. Nang makatapos siya sa pag aaral ay lumuwas siya ng Maynila upang doon magtrabaho. But she never expected that she would meet the drop dead gorgeous yet arrogant and full of himself, Zale Elizondo, ang kaibigan ng kababata niya.

At sa hindi inaasahang pagkakataon ay magiging boss niya pa?

Ano gagawin niya kung sa tuwing magkikita silang dalawa ay parang may gyera. May pag asa pa bang magkasundo sila? O, totoo ang kasabihan na, the more you hate the more you love?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"MANONG pakihinto na lang po diyan sa tabi." Sabi ni Kaia nang marealize niya na lagpas na pala siya sa dapat niyang bababaan. Kung bakit ba naman kasi nakatulog siya. Ngayon tuloy ay hindi na niya alam kung nasaan na siya. Pagbaba niya ng bus ay inilibot niya ng tingin ang paligid. Maraming gusali roon. Baka nga nasa Maynila na siya. Sabi ni Caite, iyon daw ang palatandaan na nasa syudad na siya. Pero syempre hindi siya maaaring magbase na lang sa palatandaan, kaya naisipan niyang magtanong sa guard sa isang establishment doon. "Hi sir! pwede ho bang magtanong? Nasa Maynila na ho ba ako?" Tanong niya sa security guard na nilapitan niya. "Naku ineng nasa Makati ka. Saan ba sa Maynila ang punta mo?" Tanong ng guard sa kanya. Sinabi naman niya ang address na pupuntahan niya. "Kailangan mo pang sumakay ng jeep. Maglakad ka papunta roon tapos magtanong ka kung saan ang sakayan papuntang Sta. Ana." Sabi nito at itinuro nito ang lugar na pupuntahan niya. "Maraming salamat ho." Sabi niya rito. "Advice lang ineng. Ingatan mo ang mga gamit mo ha? Maraming snatcher sa tabi-tabi, baka maisahan ka. Mukhang bagong dayo ka pa naman." Paalala pa ni manong guard. "Opo maraming salamat po uli." Sabi niya at nagpaalam na siya dito. Naglakad na siya sa lugar kung saan siya sasakay ng jeep. Nang makarating siya doon ay nakita niyang marami pala ang mga tao sa lugar na iyon. Samu't sari ang mga tindero sa tabi. Mabuti iyon para marami siyang mapagtanungan. Lumapit siya sa isang nagtitinda ng sigarilyo. "Kuya saan dito ang sakayan papuntang Sta. Ana?" Tanong niya sa tindero. "Doon." Tinuro nito ang terminal ng jeep malapit sa kinaoroonan nila. "Tumawid ka papunta doon, tapos pumila ka. Doon ang sakayan papuntang Sta. Ana. "Maraming salamat." Sabi niya dito at tinanaw ang sakayan. Medyo malayo ang nilakad niya kaya nangalay ang balikat niya. Naisip niyang ibaba muna ang bag na hawak niya upang masahiin ang balikat niya. Nagulat siya nang bigla na lang may dumampot ng bag niya at agad tumakbo papalayo. "Snatcher!" Sigaw niya at hinabol ang lalaking kumuha ng bag niya. Hindi maaaring makuha ang bag niya, dahil na roon lahat ang mga importanteng gamit niya. Nang papatawid na ang snatcher ay nabigla ito sa pagbusina ng isang sasakyan. Naging dahilan iyon upang mawalan ito ng balanse at madapa. Iyon ang naging pagkakataon niya upang makalapit dito. "Ibigay mo ang bag ko! walanghiya ka!" Pilit niyang kinukuha ang bag niya na hawak pa rin nito. Mukhang ayaw pa rin nitong magpatalo. "What the hell is going on here?" Habang hinihila ang bag niya na hawak ng snatcher ay napaangat ang tingin niya sa lalaking nagsalita. Pansamantalang napatunganga siya sa lalaking ngayon ay nakalapit na sa kanila. Napaka gwapo mukha ng nito. Naka business suit ito at nakakunot ang noo na nakatingin sa kanila ng snatcher. Ang buhok nito ay brush up at nakasalamin ito na bumagay lang sa mukha nito. Hindi pa siya nakaka kita ng ganoon ka gwapo sa tanang buhay niya. Naalala niya si superman sa hitsura ng lalaki. "Hey woman, stop staring at me. Anong drama tong ginagawa niyo?" Lalong kumunot ang noo nito. Doon siya natauhan. 'Oo nga pala.' Nilingon niya ang snatcher na nakadapa pa rin sa kalsada. Mabuti na lang at mukhang nasaktan ito sa pagkakatalisod nito, kung hindi ay baka nakatakas na ito dahil na pagtunganga niya sa gwapong nilalang sa tabi nila. "Sir, pwede mo ba akong tulungan dito? Snatcher to. Kinuha niya ang bag ko at ayaw niyang bitiwan." Pakiusap niya sa gwapong lalaki. "Miss, I don't care if he stole your bag. What I care about is you getting out of my way." Sabi ng gwapong lalaki. 'What?' Okay, binabawi na niya ang papuring sinabi niya sa isip niya kanina. Napaka antipatiko pala ng lalaking ito. Bigla niyang hinila ang bag niya sa lalaking snatcher at sinapak ito nang malakas. Hindi niya alam pero parang lumakas siya. Marahil ay dahil sa pagkainis niya sa lalaking antipatiko. Pero bigo pa rin naman siyang makuha ang bag niya. "Sir, nakikiusap lang naman ako dahil mahalaga ang nasa loob ng bag kong ito. At least call a police para naman mapagbayaran nito ang pang i-snatch nito." Pakiusap niya sa lalaking pinagmamasdan lang siya. 'Ang sarap kutusan.' SAbi na lang niya sa isip. Yumuko ito at hinawakan ang bag na hawak ng snatcher at malakas na hinila iyon. Sa isang iglap ay hawak na nito ang bag niya. "Happy?" Sabi nito habang iwinawagay-way ang bag niya. Agad namang tumayo at tumakbo ang snatcher. Maraming bumubusinang sasakyan rito ngunit wala itong pakialam. Patuloy lang ito sa pagtakbo sa kabilang panig ng kalsada. Siya naman ay hinayaan na lang ang snatcher. Tutal naman ay nakuha na ang bag niya. Ngunit nang aabutin na niya ang bag sa lalaki ay bigla na lang nitong inihagis ang bag niya sa sidewalk. Mabuti na lang ay agad iyong dinampot ng isa sa mga barangay tanod na kararating lang. "Bakit mo ginawa iyon?" Galit na tanong niya sa lalaki. "Bayad iyon sa ginawa niyong pag-antala sa pagda-drive ko. I'm running late because of you. Now grab your bag and move out of my way." Sabi nito saka tinalikuran siya. Napatitig na lang siya sa likod ng lalaki. May ganoon pala kasamang tao. Mukhang anghel pero ang pag-uugali ay kasuka-suka. Nagulat pa siya nang bigla nalang bumusina ng malakas ang sasakyan nito. Sumenyas pa ito na tumabi siya. "Miss, tumabi kana at baka sagasaan ka pa ni bossing. Mukhang badtrip pa naman iyan." Sabi ng isang usyosero. Agad naman siyang tumabi. Kahit naman inis siya sa lalaki ay mahal pa rin niya ang buhay niya. Kaya naglakad na siya papunta ng sidewalk. Agad namang pinaharurot ng antipatikong lalaki ang sasakyan nito nang makaalis siya sa gitna ng kalsada. "Miss ito na ang bag mo." Inabot ng rumispondeng tanod ang bag niya. "Pwede mong i-report ang nangyari sayo. May malapit na Police Station rito. Pwede ka naming samahan." "Hindi na lang ho. Nakuha ko na rin naman ang gamit ko. Abala lang po iyon. Maraming salamat po." Sabi na lang niya sa tanod na iyon. Ang hirap pala sa syudad. Maraming mapag-samantalang tao. At hindi ka man lang tutulungan ng mga tao sa paligid mo. Napailing na lang siya sa naisip. ----- "KAMUSTA ang byahe? Mabuti naman at nakarating ka nang maayos." Sabi ni Caite. Nasa living room sila ng bahay ni Caite. 7pm na ng makarating siya sa bahay nito. Ilang oras din siyang nagpabyahe-byahe bago tuluyang makarating sa bahay nito. Sa bahay siya nito titira. Wala naman siyang ibang kakilala sa syudad kung hindi ito lang. Matalik niyang kaibigan ito noong college dahil parehas sila ng kurso. Ito rin ang pinaka sikat sa lugar nila dahil ang pamilya nito ang nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ng mga tao roon. Kasama ang tatay niya. Noong una niyang nakita si Caite ay akala niya ay ito ay napaka suplada dahil sa istado ng pamilya nito. Ngunit nang makilala niya itong mabuti ay mali pala ang akala niya. Nang gruma-duate sila ay lumuwas ito ng syudad upang dito magtrabaho. Siya naman ay nagbaka sakali sa kanilang probinsya ngunit hindi sapat ang kinikita niya roon para sa kanyang pamilya. Kaya ng makausap niya si Caite at iminungkahi nitong lumuwas siya ng syudad upang dito magtraho ay ginawa niya. "Kamuntikan pa akong ma snatch-an ng bag. Mabuti nalang at nahabol ko." Pagku-kwento niya rito. "Oh my god!" Gulat na sabi nito. "Nai-report mo ba sa mga pulis ang nangyari?" Umiling siya. "Abala pa kasi iyon. nakuha ko naman ang bag ko kaya okay lang." Naalala na naman niya yung lalaking nakasagutan niya kanina. Gwapo nga, antipatiko at mayabang naman. Bakit kaya ganun ang mga mayayaman. Akala nila lahat ng taong mas mababa sa kanila ay hindi dapat binibigyan ng importansya. "It's okay. At least safe ka. Wala namang nawala sayo? Did you check your things?" "Wala naman chin-eck kong lahat kanina habang nasa jeep ako, kumpleto naman lahat." Sagot niya rito. "Marami ka pang makakasalamuhang mga ganoong tao kaya lagi kang mag iingat." Paalala pa nito. Tumayo ito at tinungo ang isang kwarto sa kaliwang bahagi ng bahay. "By the way. Ito nga pala ang magiging kwarto mo." Binuksan nito ang kwarto. Tumayo rin siya at sinilip ang kwartong binuksan nito. "Kumpleto na ang gamit rito ah." Sabi niya nang makita ang loob ng kwarto. "Ito kasi ang guest room ng bahay. Kung may gusto kang palitan, ikaw na ang bahala." Sabi naman nito sa kanya. "Wow! Iba talaga ang mayayaman may pa guest room pang nalalaman. Wala na akong babaguhin dito. Maganda nga ang ayos nito kaysa sa kwarto namin sa probinsya." Sabi niya. Totoo naman iyon dahil sa probinsya ay wala naman siyang sariling kwarto. Magkakasama sila ng mga kapatid niya sa iisang kwarto. Wala naman siyang magagawa dahil mahirap lang talaga sila. Nag part-time job nga lang siya para masuportahan ang pag aaral niya. "Aalis nga pala ako tonight." Sabi ni Caite habang kinukuha nito ang bag nito sa sofa. Kaya pala ganun ang suot nito. Kanina pa siya nagtataka kung bakit naka make up ito at naka tight dress. May pupuntahan pala ito. "Party?" Tanong niya rito. "Nope. Sa bar lang with my colleagues." Inayos nito saglit ang sarili. " Ikaw na ang bahala rito ahh. If you're hungry, you can cook. Maraming maluluto sa ref. Sige aalis na ako ah." Hinatid niya ito hanggang pintuan. "Mag iingat ka ahh." Kumaway ito sa kanya at sumakay na ng sasakyan. Nang makaalis ang sasakyan nito ay pumasok na siya sa bahay at nagtungo sa kwarto. Hindi naman siya nagugutom kaya aayusin na lamang niya ang mga gamit niya. Inilibot niya ng tingin sa kwarto. Napakaluwag niyon. Nasa gawing kaliwa ang kama na sa tingin niya ay queen size at nasa gilid naman niyon ang study table at cabinet. Tinungo niya ang cabinet upang ilagay ang kanyang mga damit. Kakaunti lang ang dala niyang damit kaya mabilis niya ding naayos ang mga iyon. Pagkatapos mag ayos ay naligo na siya. Habang naliligo siya ay hindi maiwasang sumagi sa isip niya ang lalaking nakasagutan niya kanina. Iniisip niya kung gaano ba ito kayaman at ganun nalang ito magsalita? Malayung-malayo ito sa ugali ng kaibigan niya si Caite. Napakabait ni Caite. Pinatira pa siya nito sa bahay nito ng libre. Maya maya ay natapos na din siyang maligo at nahiga ni siya sa kama. Gusto na niyang magpahinga. Masyado siyang napagod sa unang araw niya sa syudad. Habang nag mumuni-muni ay napatingin siya sa bag niya. Kumunot ang noo niya nang makita na parang may nakasabit sa gilid non. Nilapitan niya ang bag at kinuha. May nakasabit nga roon na isang gold bracelet. Hindi niya iyon napansin kanina. Pinagkatitigan niya ang bracelet. May nakasulat sa gitna niyon. "RE?" Basa niya sa nakasulat doon. Kanino naman kaya iyon? Hindi kaya isa ang may-ari ng bracelet na ito sa nabiktima ng snatcher na kumuha ng bag niya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

His Obsession

read
104.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook