CHAPTER 2

2327 Words
"YOU'RE hired." Kinamayan si Kaia ng interviewer na si Mr. Thomson. Sa wakas ay magkakatrabaho na siya. Ilang linggo na din siyang nag a-apply. At ang company na in-applya-an ay sinasabing tatawagan siya pero wala namang tumawag ni isa sa mga ito. Nahihiya na siya kay Caite dahil nagiging palamunin na siya nito. Ito na ang pang sampung company na in-apply-an niya at wakas ay na hired na siya. Gusto na sana niyang umiyak ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili. Baka kasi biglang bawiin ni Mr. Thomson ang desisyon nito na i-hire siya. "You can go to the HR on the left room to sign some documents for your employment." Sabing muli nito at itunuro ang gawi ng HR. "Thank you so much sir. It means a lot to me." Ngumiti ito. Kinamayan niyang muli ang lalaki. At tinungo ang lugar na sinasabi nito. Nang makapasok siya sa lugar kung nasaan ang HR office ay nagtanong siya sa babaeng nakaupo malapit sa pinto. "Hi miss, itatanong ko lang kung saan ako pwedeng pumirma ng contract? Sabi kasi ni Mr. Thomson ay dito raw iyon." Nag angat ang tingin ng babae. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na wari ba ay pinagaaralan nito ang hitsura niya. "You can wait here, I just need to prepare the contract for you. Can I have your ID?" Sabi nito. Agad naman niyang ibinigay ang kanyang ID. Saglit nitong ininspeksyon iyon at saka tahimik na tinungo ang harap ng computer nito. Siya naman ay umupo sa bakanteng upuan habang nag-aantay. Inilibot niya ang paningin sa buong silid na iyon. Nakalagay sa taas ng pinto ay HR Department. At kung bibilangin ay nasa 13 na tao ang naroon. Inilibot niya rin kanina ang paningin habang tinutungo ang silid kung saan ginanap ang interview session at napagtanto niyang napaka-laki ng company na iyon. Sabagay, sabi nga nung isang kasabayan niyang interview-hin ay ito daw ang pinaka kilalalang company pagdating sa real state business. Hindi lang daw ito kilala sa buong bansa kung hindi na rin sa buong mundo. Nang makabalik ang babaeng nag-ngangalang Sophie, na nabasa niya sa name plate nito, ay ibinigay nito sa kanya ang papel na hawak nito. "Here, read the contract and then, pirmahan mo sa baba with your complete name." Tumango siya at binasa ang nakalagay sa contract. Nanlaki ang mata niya nang makita ang magiging starting salary niya. It is 35,000 pesos. Normal lang na office staff ang posisyon pero ganito na kalaki ang starting salary? Tapos may transportation allowance na 500 pesos kada araw na papasok, free lunch at meryenda, medical benefits at may mga bonuses pa. Hindi niya inakala na maganda din ang benefits ng company na iyon. Mukhang malaki-laki ang maiipon niya habang nagtatrabaho sa kompanyang ito. Binasa niya ang pangalang ng company, ELIZONDO REALTY ESTATE. Pangalan pa lang ay talagang masasabi mong bigatin na. "Here." Sabi niya at inabot niya sa babae ang contract matapos niyang pirmahan. Saglit na tiningnan ni Sophie ang papel upang masiguro na lahat nang dapat pirmahan ay napirmahan niya. "Okay, sa lunes pagpasok mo ay dumertso ka ulit dito dahil i-issue-han ka ng ID at dadalhin din kita kung saan ang department mo." Saglit nitong inayos ang papel. At inilahad ang kamay nito sa kanyang harapan at ngumiti. "Welcome to Elizondo Realty Estate." "Thank you." Tinanggap niya ang kamay nito. "Paalala lang, perfectionist ang big boss natin. Kaya galingan mo, see you on monday." Paalala nito. Ngumiti naman siya ang akala niya ay mataray ito, pero hindi naman pala. Tumayo na siya at nagpaalam sa babae. Nang makalabas siya sa HR department ay nagtungo muna siya sa rest room upang mag ayos ng sarili. Tingin niya kasi ay na haggard siya sa interview kanina. Inilibot niya ang paningin sa rest room dahil pati ito ay napaka elegante. May nakita pa siyang free sanitary napkins, tissue at wet wipes sa gilid ng lababo. Talagang lahat ng kailangan ng bawat empleyado ay nandito na. Napaurong siya ng may dalawang babae ang pumasok sa banyo. "Napaka gwapo talaga ni sir Renzale no? Parang tumigil ang mundo ko nung nakita ko siya." Malanding sabi ng isang empleyado na kasama niya sa rest room. "Kaya nga ehh, pag nakikita ko siya feeling ko pwede na akong kunin ni lord." Natatawa pang sabi ng isa. Marahil ay isa sa mga big boss ang Renzale na pinag uusapan ng dalawa. 'Ano kayang department niya?' Tanong niya sa isip. Inabala na lang niya ang sarili habang naghuhugas ng kamay. Saka na niya pag-papantasyahan ang Renzale na iyon. Nang makalabas ay agad siyang nagtungo sa elevator. Napaka taas ng gusaling iyon. Halata talagang hindi basta-basta ang kompanyang Elizondo Realty Estate. Maya-maya ay tumunog na ang elevator. Hudyat na nasa ground floor na siya. Lumabas siya roon at naglakad na sa reception area upang kunin ang isa niya pang ID na iniwan niya roon upang makapasok siya. "Hi miss, kukunin ko lang yung ID ko." Ibinigay niya ang visitor pass sa babae. "Mag log out ka na lang dito." Sabi ng receptionist at inabot sa kanya ang isang log book. Habang nagsusulat siya ay may narinig siyang impit na tilian malapit sa entrance. "Oh my god! Nandito na naman siya!" "Ang gwapo talaga niya. May girlfriend na kaya siya?" Narinig niyang tanong ng isang pang empleyado roon. Napalingon naman siya sa tinitingnan ng mga babae. Isang lalaki ang naglalakad papasok sa gusali. Naka sunglasses ito at naka business suit. Matangkad ang lalaki. Inaninag niya ito ng mabuti. Parang kilala niya ito. At tama naman ang hinala niya dahil napalingon ito sa kanya at tinanggal ang suot nitong sunglasses. "Izaiah?" Bulong niya ng makilala ang lalaki. Wari naman na narinig ng lalaki iyon at agad siyang pinuntahan. Ito pala ang long lost childhood friend niya! ----- "HINDI ba masyadong mahal ang mga pagkain dito? Sinasabi ko sayo Zai, pamasahe lang pauwi ang dala kong pera." Nagpa-panick na sabi ni Kaia nang makapasok sila sa restaurant kung saan siya dinala nito. Kanina ay niyaya niya na lang itong umalis sa gusali ng Elizondo Realty Estate dahil pinagtitinginan sila ng mga empleyado roon. At ngayon ay nasa bingit siya nang paghuhugas ng plato dahil wala siyang perang pambayad sa bill nila kung sakali. Bukod doon ay napakagara ng lugar kung nasaan sila ngayon. Feeling niya nga ay hindi bagay ang suot niyang damit sa restaurant dahil sa sobrang eligante ng interior design nito. "Relax, hindi kita pagbabayarin. Sagot ko ito huwag kang mag alala." Nakangiting sabi nito at ipinaghila siya ng upuan. Nang makaupo sila pareho ay tinawag na ni Izaiah ang waiter. Inabot naman ng waiter ang menu sa kanila. Halos lumuwa naman ang mata niya sa presyo ng mga pagkain doon. "Zai, mag Jollibee na lang tayo." Sabi niya sa lalaki. Natawa naman ito. "I told you, it's my treat. Huwag mong tingnan ang presyo ng mga pagkain. Order-in mo kung ano ang gusto mo." Tiningnan niya muli ang menu ngunit nanlalabo talaga ang mata niya sa presyo ng mga pagkain doon. Kaya ibinigay niya na lang ang menu kay Izaiah. "Ikaw na lang mag order ng para sakin." "Are you sure?" Tanong nito sa kanya. Tumango naman siya bilang tugon. Saglit nitong tiningnan ang menu. "One rib eye steak , one top sirloin steak, one creamy carbobara, two mango floats with leche flan." Ngumiti ang waiter. "Let me repeat your order sir. One rib eye steak , one top sirloin steak, one creamy carbobara, two mango floats with leche flan. Is that all sir?" Tanong ng waiter dito. Tumango naman si Zai. "So, kamusta ka na?" Tanong nito nang makaalis ang waiter. "Ito, okay naman. Nang makatapos ako ng pag aaral ay nagtrabaho ako sa bayan. Pero ang liit lang sinusweldo ko roon. Hindi sapat sa pang araw-araw naming gastusin lalo na't hindi rin ganoon kalaki ang kinikita ni tatay sa pagsasaka." "Ang mga Jacinto pa rin ba ang may-ari ng mga lupang sinasakahan nila Mang Luis?" Tanong ni Izaiah. Tumango siya. "Hindi naman nila ipagbibili iyon dahil malaki ang kinikita nila sa lupang iyon." Ang mga Jacinto ay ang pamliya ni Caite. Matapobre ang mga ito. At madalas ay ginigipit ang mga magsasaka. Kaya talagang nagtataka siya dahil ibang-iba ang ugali ni Caite sa mga nito. "Kaya ako lumuwas ng Maynila upang maghanap ng trabaho rito. Sabi kasi ng kaibigan ko, mas malaki ang sweldo rito kaysa sa probinsya." "Kung ganon ay ibigay mo sa akin ang resumé mo at ako ang magbibigay ng trabaho sayo." Mungkahe naman nito. "Bakit? Ano bang trabaho mo?" Takang tanong niya rito. Sa halip na sumagot ay may kinuha ito sa bulsa nito. Isang business card at inabot iyon sa kanya. Binasa naman niya ang nakasulat sa business card. Izaiah F. Morris. CEO of Morris Hotel and Casino. Ito ang pinaka sikat na 5 star hotel sa buong Asia. Nanlaki ang mata niya. Ito ang CEO ng hotel na iyon? "Totoo ba to? Ikaw ang may-ari ng hotel na to?" Hindi makapaniwalang tanong niya rito. "It's not mine. Sa tatay ko yan. Ako lang ang nagma-manage." Kibit balikat na sabi nito. "Mayaman pala talaga ang tatay mo? Mabuti pala at nahanap ka niya. At least may tagapag-mana mana na siya." Sabi naman niya rito. "Sana lang ay hinanap niya kami noong buhay pa si mama." May pait sa mga salitang binitawan nito. Hinawakan niya ang kamay nito. Hanggang ngayon pala ay may hinanakit pa rin ito sa ama, dahil sa pagkamatay ng nanay nito. "Masaya na din naman si Aling Beth sa langit. Kung sakali namang nakikita ka niya ngayon ay alam ko na proud na proud siya sayo." "Salamat Kai."ngumiti ito sa kanya. Maya-maya ay dumating na ang in-order nila. Kaya inaya na siya nitong kumain. "So, i-email mo sa akin ang resumé mo para mahanapan kita ng trabaho sa company namin." "Hindi na. Kakatanggap ko lang sa trabaho. Magsisimula na din naman ako sa lunes. Salamat na lang sa offer." Sabi niya rito habang sumusubo ng pagkain. "Are you sure? Sa kompanya ko, siguradong mabibigyan kita ng magandang posisyon doon." Pangungulit pa nito. "Hindi na, mukhang magandang kompanya din naman ang papasukan ko. Tsaka ayoko namang may masabi ang mga empleyado mo sayo dahil sa akin." Sabi niya rito. "Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila. Pero kung iyan ang desisyon mo irerespeto ko yan. Basta kung sakaling magkaroon ka ng problema. Sabihin mo pang sa akin ah." Sabi nito habang sumusubo. Ngumiti siya rito. Hindi pa rin ito nagbabago kahit napaka yaman na nito ay napakabait pa rin nito. "Salamat." "Oo nga pala, may cellphone ka ba?" Tanong nitong muli sa kanya. "Meron, ito oh." Takang pinakita niya rito ang cellphone na dala niya. Lumang modelo na iyon at basag na din ang screen ng cellphone niya na iyon. Second hand niya lang kasi nabili iyon. Kailangan lang talaga niya ng cellphone para may pang-contact siya sa pamilya niya sa probinsya. "Gumagana pa ba yan?" Kunot noong tanong nito sa kanya. "Oo naman, ito ang kauna-unahang cellphone na binili ko sa tanang buhay ko. Kaya mahalaga ito sa akin." "Itapon mo na yan. Bibilhan na lang kita ng bagong cellphone, iyong latest. Mamaya ay bigla na lang hindi gumana iyan, magkaproblema ka pa." Sabi nito sa kanya. "Okay naman ito. Natatawagan at nakakapag-text naman ako dito. Iyon naman ang importante sa akin." "Basta pagkatapos natin kumain ay bibilhan kita ng bagong cellphone." Mukhang hindi na magpapapigil ito kaya hindi na rin siya tumutol pa. "May natitirahan ka ba ngayon?" Muling tanong nito sa kanya. "Sa kaibigan ko noong college, si Caite. May extra siyang kwarto sa bahay niya kaya pinagamit niya na lang sa akin." "Libre ba? Kung gusto mo, pwede kitang ikuha ng matitirahan, we also have condos. Pwede kitang ikuha ng slot doon. Para hindi ka na nakikitira." Mungkahe na naman nito. Umiling siya. "Hindi na kailangan, mabait naman sa akin si Caite saka libre naman ang pagtira ko sa kanya. Mayaman din kasi iyon. Tatay kasi niya si Roberto Jacinto." "What? Isa siyang Jacinto? Dapat pala talagang lumipat ka. Mamaya ay ginagamit niya lang pala iyang pagtira -tira mo sa kanya tapos ang gusto pala niyang pambayad ay ang lupang kinatitirikan ng bahay niyo. Kilala mo ang mga Jacinto. Mga halang ang kaluluwa ng mga iyon." Frustrated na sabi nito. "Ano ka ba? Mabait si Caite. Siya ang naging kaibigan ko ng mawala ka. Pagnakilala mo siya siguradong magugustuhan mo siya." sabi naman niya rito. "Binabalaan lang kita. Alam ko kung gaano ka kabilis magtiwala sa tao Kai." Paalala nito sa kanya. "Huwag kang mag alala sa akin. Kaya ko naman ang sarili ko. Saka diba nga pag nagkaproblema ako ay nandyan ka naman?" Sabi niya rito. Mukhang wala talaga itong tiwala kay Caite. Huminga ito ng malalim. " Basta pag may problema ka tawagan mo lang ako." Tumango naman siya at ipinagpatuloy ang pagkain. "May gagawin ka ba bukas?" Tanong nito sa kanya. "Wala naman bakit?" Takang tanong niya rito. "Iimbitahin sana kita bukas. Magkikita-kita kasi kami ng mga kaibigan ko, ipapakilala kita sa kanila." Excited na sabi nito. "Huh? Bakit?" Takang tanong niya rito. "Wala lang, matagal na kasi kitang ikinukwento sa mga iyon. Para may connections ka na din." Sabi naman nito habang sumusubo. "Business man na business man kana kung mag isip ah." Sabi niya rito sabay tapik sa braso nito. "Kaso wala naman akong isusuot. For sure mga sosyal ang mga kaibigan mo." "huwag kang mag-alala ako ang bahala sayo." sabi nito sabay kindat pa nito sa kanya. Napasulyap ito sa kaliwang pulisuhan niya. "Saan mo iyan nakuha?" Tinuro nito ang bracelet na suot niya. "Ito ba?" Itinaas niya ang kamay. "Aksidenteng sumabit ito sa bag ko, bakit?" Takang tanong niya rito. "Katulad iyan ng sa kaibigan ko, pero imposible namang mawala niya iyon. Masyado yung mahalaga sa kaibigan ko." Sabi nito. Tiningnan naman niya ang suot na bracelet. Sino nga kaya ang may-ari ng bracelet na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD