"KAIA this is Zale Elizondo, Zale this is Kaia, my childhood friend." Pagpapakilala ni Izaiah sa lalaking ayaw ni Kaia na makita pa. Kung bakit naman sobrang liit ng mundo? Sa dinami-dami naman ng magiging kaibigan ni Izaiah ay ito pang lalaking ito? Inisang lagok niya lang ang alak na nasa baso niya.
Nakatitig lang sa kanya ang lalaki. Wari ba ay pinag-aaralan ang bawat parte ng mukha niya. Hanggang sa mapatingin ito sa kanyang mga mata. Tinitigan siya nitong mabuti hanggang sa lumapit ito sa kinaroroonan niya at inilahad ang kamay sa harap niya.
"I'm Zale, nice to finally meet you. We heard a lot about you." Pormal na sabi nito. Napatitig siya rito. Parang nang hihipnotismo ang mga mata nito na ngayon niya lang natitigan. He has hazel gray eyes and its very beautiful. Ngayon lang siya nakakita ng ganon.
"Hi-hi I-m Kaia, nice to meet you too." Naiilang na sabi niya. Inabot niya ang kamay nito at parang bulta bultaheng kuryente ang dumaloy sa kanya, kaya agad din niyang binitiwan ang kamay nito. Bakit ba siya kinakabahan sa presenysa nito? As if naman na malalaman nito na ginasgasan niya ang sasakyan nito. Huminga siya ng malalim. Wala namang nakakaalam sa ginawa niya. Kaya kailangan niyang kalmahin ang sarili niya.
"Ikaw talaga Zale, pati ba naman dito sa bar ay nagtatrabaho ka pa rin?" Tanong ni Kean kay Zale.
"Ang daming babae rito. Mag unwind ka naman kahiit mminsan lang." Sabi naman ni Bryzon.
"Business always comes first." simpleng sabi nito at naupo sa katabi niyang silya. Lalo tuloy siyang nailang. "Ry, one scotch on the rocks." Sabi nito sa bartender. Agad naman binigyan ng bartender na si Ry ang order ng lalaki.
Binulunga niya si Izaiah. "Zai bathroom muna ako."
"Samahan kita?" Tanong nio sa kanya.
Umiling siya. "No, kaya ko na. Salamat." Pagpapaalam niya rito. Naramdaman niyang sinundan siya ng tingin ni Zale. Bakit ba ganoon makatingin sa kanya ang lalaking iyon?
Tiningnan niya ang paligid. Maraming nagsasayawan sa dance floor at napakaingay ng lugar na iyon, feeling niya ay mabibingi siya. Bakit ba ang hilig ng mga mayayaman sa mga ganoong lugar? Kahit si Caite ay madalas din sa mga bar.
"Nasaan ba ang banyo dito." Sabi niya habang nagpapalinga-lingga siya upang hanapin ang banyo. Nahihilo na siya kakalingon. Kung bakit naman kasi inubos niya agad ang alak na iniinom niya? Nakalimutan niyang mababa nga lang pala ang tolerance niya sa alak. Ngayon tuloy ay nahihilo na siya.
"You're in the wrong way." Napalingon siya sa nagsalita sa likod niya. Agad naman kumunot ang noo niya nang malaman niya kung sino iyon.
"Sinusundan mo ba ako?" Tanong niya rito.
Umangat ang sulok ng labi nito. "Why would I do that? The last time I checked, you're just the girl who made a scene in the middle of the road."
"N-na tatandaan mo ako?" Gulat niyang tanong. Kung minamalas ka nga naman.
"Of course. I have a photographic memory woman." Sabi nito habang papalapit sa kanya. "Madali kong natatandaan lahat ng nakikita ko."
Napaatras siya, bakit nga ba ito nalapit sa kanya? Nakaramdam tuloy siya ng kakaibang kaba.
"B-bakit ka lumalapit s-sa akin?" Kinakabahang tanong niya.
"You're on my way. Bakit ba lagi ka na lang harang ng harang sa dinaraanan ko?" Iritang sabi nito ng makalapit ito sa kanya.
Agad naman siyang tumabi. Akala niya ay kung ano na ang gagawin nito sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag.
"Doon ang bathroom para sa mga babae." Sabi nito at tinuro ang lugar kung na saan ang banyo ng mga babae bago pumasok sa isang pinto roon.
Tinungo naman niya ang tinuro nito kahit medyo diskumpyado siya. Wala naman siyang magagawa kung hindi maniwala dito dahil naiihi na rin siya.
Habang nasa banyo ay iniisip niya kung paano magpapaalam kay Izaiah pauwi. Kailangan niyang mauna pauwi dahil kung sasabay sila uuwi ay matutunghayan pa niya ang galit ni Zale. Hindi siya magaling magpanggap kaya baka malaman lang nito na siya ang gumasgas sa sasakyan nito.
"Pambihira naman kasing buhay to. Bakit naman naging kaibigan ni Zai yung lalaking yun. Kaasar." Himutok niya habang nasa cubicle.
Paglabas niya ng banyo ay mabilis niyang tinungo kung saan sila nakapwesto. Pero dahil sa hilo niya ay hindi niya matandaan kung nasaan iyon. Ang alam niya ay nasa bar counter sila? Bakit ba ang daming bar counter sa bar na ito? Nagpalinga-linga siya. 'Shocks!' Dahil sa ginawa niya ay lalo siyang nahilo.
"Hindi na ako iinom pa ng alak kahit kailan." Sabi niya sa sarili. "Kung bakit ba naman kasi hindi ako nagpasama kay Zai." Ipinikit niyang mariin ang mga mata. Kailangan mag focus siya. Bumalik siya sa pinanggalingan niya malapit sa CR. Kinapa niya ang bulsa niya upang hanapin ang cellphone niya. Nang may maalala. "Wala nga palang bulsa tong damit ko. Hays." Sambit niya.
Muling tumingin siya sa paligid ngunit lalo lang siyang nahilo dahil sa ilaw sa paligid. Kaya napahawak siya sa kalapit na pinto. Hindi niya namalayan na hindi pala iyon nakasara ng maayos at naging dahilan iyon upang hindi sinasadyang mabuksan niya ang pinto ng pribadong kwartong iyon at halos lumuwa ang mga mata niya sa nakita.
May lalaki at babaeng busy sa paghahalikan. Nakaupo ang babae sa mesa sa gitna ng kwarto, ang mga braso nito ay nakapulupot sa batok ng lalaki at ang lalaki naman na kahalikan ng babae ay si Zale? Hindi napansin ng mga ito ang pagpasok niya dahil masyadong mainit ang paghahalikan ng mga ito.
Naalala niyang pumasok nga pala si Zale sa kwartong ito kanina. Iyon pala ang gagawin nito sa loob!
'Oh my god! My virgin eyes!' Sabi niya sa sarili.
Kailangan niyang umalis bago pa siya mapansin ng mga ito. Ngunit dahil sa pagmamadaling makalabas sa silid na iyon ay natalisod siya sa sariling paa at nawalan ng balanse dahilan upang bumagsak siya sa sahig. 'Malas! Malas! Malas!' Hiyaw niya sa isip.
Agad din naman siyang nakabawi at tumayo upang ayusin ang sarili. Humarap siya sa dalawang naghahalikan, na ngayon ay nakatingin na sa kanya at parehong nakakunot ang noo.
"Who are you?" Maarteng sabi ng babaeng kahalikan ni Zale. " You're disturbing us here." nilingon nito si Zale. "You know this girl Renzale?"
"S-sorry h-hindi ko sinasadya. Promise wala akong nakita." Nauutal na sabi niya.
"Why are you here Kaia?" Sa halip ay tanong ni Zale habang inaayos nito ang damit.
"Naligaw lang ako kaya ako napadpad dito. Pasensya na aalis na ako." Sabb niya saka akmang tatalikuran ang mga ito nang magsalitang muli si Zale.
"Stay here." Sabi ni Zale. "Laura, you can go now."
"W-what? we're not done ye-" Hhinid na natuloy ng maarteng babae ang sasabihin nito ng putulin iyon ni Zale.
"No, we're already done. Now get out of here. Your getting into my nerves." Hinilot-hilot naman ni Zale ang noo nito.
Padabog na kinuha ng babae ang bag nito na nasa lamesa at malakas siyang binunggo bago ito lumabas ng kwarto.
"Sa tingin ko kailangan mong sundan ang girlfriend mo." Suggestion niya kay Zale.
"Laura is not my girlfriend." Sabi nito na parang wala lang ang lahat.
"Huh? eh bakit kayo naghahalikan?" Hindi makatiis niyang tanong. Ganun ba sa Maynila? Pwedeng halikan kahit hindi mo kasintahan?
"I don't do girlfriend things, sakit lang sa ulo yon. She's just a fling." Sabi nito at umupo sa mahabang sofa na naroon.
'Men, will always be men.'
Hindi na lang siya nagsalita dahil nahihilo na talaga siya. Kailangan na niyang magpahatid pauwi kay Zai. Baka kasi hindi na siya sikatan ng araw kung itong lalaki na to ang makakasama niya.
"Pwede mo bang tawagan si Izaiah at sabihing nandito ako? Hindi ko kasi dala ang cellphone ko." Tanong niya rito.
Tiningnan siya nito at kumunot ang noo. "Bakit ba lagi mo na lang akong inuutusan?"
Naalarama siya. Bakit ba hobby nito ang kumunot ang noo? "Hindi pang uutos yon. Humihingi lang ako ng pabor sayo, magkaiba iyon."
Sasagot na sana ito nang biglang tumunog ang cellphone nito. "Zai bakit?" Kumunot na naman ang noo nito habang tinitingnan siya.
Sumenyas naman siya. "Si Izaiah ba yan? Pakausap." bulong niya rito. Ngunit tinalikuran lang siya ng damuho. 'Napaka antipatiko talaga ng buwisit na to!' Inis na sambit niya sa knayang sarili.
"Anong nangyari? alright, Ako na ang bahala sa kanya." Hinarap siya ni Zale. Pagkatapos nitong makipag usap sa telepono. "Ako na ang maghahatid sayo."
Naalarma siya. Anong pinagsasasabi nito? "H-huh? B-bakit ikaw ang maghahatid sa akin? Nasaan si Izaiah?"
"Izaiah, wants me to take you home. May nangyaring aksidente sa construction site ng bago nilang hotel, kaya kailangan niyang puntahan iyon agad." Naglakad ito papunta sa pinto ng kwarto. "Stay here, may kakausapin lang ako. Pagbalik ko, aalis na tayo. Don't do anything stupid." At tuluyan na itong lumabas ng silid na iyon.
Kung ito ang maghahatid sa kanya. Lagot na talaga siya!
"Ano na ang gagawin ko?" Tanong niya na lang sa kaniyang sarili. Napaupo siya sa sofa. Bakit ba ang malas niya ngayon? Paano na siya mamaya pag nakita nito ang sasakyan nitong may gasgas? Ang bilis talaga ng karma.